Alas diyes na ng gabi ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ni Vivien. Nasa isang sulok siya habang nakaupo. Humihikbi habang pilit iwinawaksi sa isip ang mga nalaman sa araw na iyon.
Hindi niya kayang tanggapin ang lahat, ang pagtataksil ng kanyang ina kasama ng ama ni Jayson. Ang galit ni Mrs Perez. Pero mas nasasaktan siya sa katotohanang ginamit siya ni Jayson para mahigantihan ang kanyang Ina.
Idinukdok niya ang sarili sa mga brasong nakahawak sa kanyang tuhod. Nanghihina na siya, pumipikit na ang mugto niyang mata. Pero ayaw siyang patahimikin ng mga alalahanin. Nang mga agam-agam na sumusugat sa kanyang puso.
"Vien?" Tila may paru-paru sa kanyang sikmura sa pagtawag na iyon ni Jayson. Nakapasok na ang lalaki at matamang siyang pinagmamasdan. Matigas at madilim ang mukha na gamit nito sa pagtitig sa kanya.
Ayaw niyang itaas ang mukha. Ayaw niyang tignan ang lalaki. Ayaw niyang magmukhang kawawa.
Nakatayo lamang si Jayson sa harap ni Vivien. Masakit sa kalooban niyang makita ang babaeng nagiging mahina. Alam niyang napakalaki ng kasalanan niya dito. Ewan niya kung pagkakatiwalaan pa siya ni Vivien. Totoong hindi niya ginagamit si Vivien para maghiganti. Siguro noon, oo. Naisip niya iyon at naplano. But not this time. Not when he realize he loves Vivien. Ang pagmamahal na unti-unting pumapatay sa kanyang pagkatao.
Gusto niyang magpaliwanag. Pero walang salita na gustong ibigkas ang kanyang bibig. Dahil hindi siya sigurado kung paniniwalaan ba siya ng babae.
"Please,magsalita ka naman Vien. Murahin mo ako. Sampalin mo ako. Kahit ano tatanggapin ko. Just talk to me." sumalampak rin siya malapit sa babae. Nawawalan nang pag-asa na kausapin siya ng dalaga.
"Bakit ako Jayson? Bakit sa akin kayo nagagalit ng mama mo?" Paos nitong tanong. Hindi pa rin nag-aangat ng mukha.
Mapait siyang napangiti bago magsalita.
"Your mother used you as a bait, para kaawaan siya ni mama. Para hindi sila pagdudahan na may ginagawang masama. She will tell my mother that everthing she does was for you. Na dahil walang kwenta ang ama mo kaya siya nagpupursige magtrabaho. Si Mama, nabulag siya sa paniniwala ng mga kasinungalingan ng iyong ina." Nanginig ang kanyang boses sa pagka-alala ng mapait na nakaraan.
"Nakita mo kung paano ako tratuhin ni Nanay Jayson. Ikaw ang pinaboran niya kahit ako ang nasaktan. Sinaktan niya ako sa harap mo remember?" Nag-angat ito ng tingin. Pulang-pula na ang mga mata, lumuluha.
Malamlam ang mga mata niyang nag-iwas ng tingin kay Vivien. 'Saka Isinandal ang likod sa pader. Inuntog ang saring ulo doon.
May takot siyang nararamdaman, pero mas nananaig ang kagustuhan niyang maitama ang mali sa kanilang dalawa ni Vivien.
Magpapaliwanag na sana siya nang muli itong magsalita.
"Biktima rin ako Jayson. Hindi mo ba naiisip iyon? Ako ang biktima ninyong lahat sa kagagawang wala akong kinalaman! Wala kayong ginawa kundi pasakitan ako. Do I deserve all of that? Biktima rin ako ng sarili kong ina!" mahinang bulyaw nito sa kanya. May galit ang mga mata. Hindi na siya nagulat na makita iyon. Mas lalong napahagulgol sa iyak si Vivien . Siya man ay napapaluha na rin. Ayaw na niyang nakikita itong nasasaktan. Dahil triple ang dagok na hatid nito sa kanyang puso. Nasasaktan siya ng labis.
Gumapang siya para lapitan ito. Hinila at niyakap kahit pa resistant ang babae. Nanunulak at nagpupumiglas. Mahina nga lamang iyon.
He's calm! Hindi niya maintindihan ang sarili pero sa unang pagkakataon, kalmado siya. Kahit pa nga hindi niya hawak ang mga pangyayari at nagbaback fire na sa kanya lahat. Kalmado siya.
"I know that now! I realize everything from that incident when you're alone in that rainy night. That time, I want to protect you!"
Tumigil si Vivien sa pagpupumiglas. Naibaba nito ang kamay na kanina ay sumusuntok. Hikbi na lamang nito ang maririnig.
At ang lihim niyang pagluha. Tumingala siya para mapigilan iyon.
"Vien, I myself was a victim! Hindi naging maganda ang kabataan ko dahil sa ina mo. Ninakaw niya ang dapat masayang kabataan ko," he said as he swallow hard. May parang bumikig sa kanyang lalamunan. "Kapag wala si Mama, ipinapakita nila sa akin ang mga malalaswa nilang gawain sa bahay. Babantaan ako ni Papa, o ng Nanay mo para tumahimik at huwag magsumbong kay Mama."
Nagpahid siya ng luha. Namimilog ang luhaang mata ni Vivien nang tinglain siya. Hindi makapaniwala. Mapakla siyang napangiti rito.
"I want to tell Mama. Pero Mama love my Papa very much. At alam kong hindi niya ako paniniwalaan, Vien. Dahil sa pagmamahal na meron siya kay Papa. She almost lost herself. Dahil rin sa kagagawan ng ina mo. Ayoko ko siyang nakikitang nasasaktan. I love my Mom. Kaya labis-labis ang muhi ko sa iyo." Tumawa siya. "You always remind me of her! Kaya kahit gusto kong umiwas, I was pulled by that face to torture you. Feeling ko nakakapaghiganti ako sa kanya dahil sinasaktan ko ang anak niya!" saad niyang napahikbi na rin. "Ang hirap Vien, ang hirap dahil pakiramdam ko nakagapos ako sa nakaraan. Nasasakal ako at hindi makahinga. I want to move on, but I don't know how. " napayuko siya at nanginginig ang kanyang mga labi.
Nagulat siya dahil sa pagkakataong iyon si Vivien na ang yumakap sa kanya ng mahigpit. Nag-iyakan silang pareho. Tanging palahaw nilang dalawa ang naririnig sa kwarto. Tanging mga damdaming parehong nasasaktan pero pilit na kumukuha ng lakas sa isa't-isa.
Pinagmamasdan ni Vivien si Jayson habang tulog na tulog. Pagkatapos nilang ilabas lahat ng hinagpis sa isa't isa, nagpasya silang matulog sa iisang kama.
Malungkot siyang napangiti habang minamasdan ang lalaki. Halatang pagod ito. Nangingitim ang ilalim ng mata na para bang ilang araw ng walang tulog.
Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil bumukas ang pinto ni Jayson sa kanya. Hindi pa nga lamang tuluyang nabuksan pero nakakasilip na siya roon.
Inabot niya ang mukha nito at hinaplos. She missed him. Hinawakan niya ang dibdib. Malakas ang kabog ng kanyang puso. Sumilay na muli ang mabining ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan si Jayson.
"Hindi ko pa maamin, pero sa tingin ko...gusto na kita," bulong niya sa sarili. Habang kinakausap ang mahimbing na si Jayson.
Nasasaktan pa rin siya sa kagagawan ng kanyang ina. Napakarami ng sinira nitong buhay dahil sa kataksilan nito. Hindi niya inakalang magagawa at kaya ng kanyang ina ang gumawa nang ganoong bagay. Sumisikip ang dibdib niya sa tuwing maalala ang torture na pinagdaanan ni Jayson sa kamay ng mga taong dapat ay nagmamahal sa kanya.
"I want to protect mom. But I failed, hindi ko nagawa at nasaktan siya. Now I want to protect you Vien. I will protect you." Naalala niyang sambit nito habang pumipikit ito para matulog na.
Pinanatili niya ang palad sa pisngi nito at dinama ang init ng mukha ni Jayson.
"Kaya kong protektahan ang sarili ko, Jay. Sa pagkakataong ito ako ang proprotekta sa iyo," muli niyang saad.
Naalala niya si Mrs Belen, Si Robert at nang kanyang ama. Naaawa siya kay Jayson dahil hindi ito nakaramdam ng totoong pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. Oo, alam niyang mahal ito ng kanyang ina, pero marupok ito.
Siya? May mga taong nagparamdam sa kanya ng labis na pagmamahal. Sa katauhan ng tatlong tao. Labis-labis ang pag-aaruga at pagmamahal na pinamalas sa kanya lalo na ng mag-inang Belen.
"Kung kailangan mo ng pagmamahal sa tabi mo. Nandito lang ako. Handa kong ibigay iyon kung kailangan mo."
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...