Kabanata 32

128 16 32
                                    

Kahit anong bagay sa mundo, kahit gustuhin mo hindi mo agad makukuha, ang masaklap, puwede talagang hindi mapasa 'yo.

Hindi mapigilan ni Jayson na maisip iyon habang pinagmamasdan niya sa malayo si Vivien.

Kakahatid niya lamang kay Elaine sa bahay nito at nagpasya siyang puntahan si Vivien sa trabaho.

Namimiss niya ito dahil halos isang linggo na siyang 'di umuwi sa apartment. Hindi na rin niya naulit na tawagan ito sa mga sumunod na araw dahil nais niyang bigyan ng oras ang babae para makapag-isip.

Muli niyang naalala si Elaine, naging malamlam tuloy ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Vivien, ang babaeng alam niyang matagal na niyang minahal.

Minahal niya ng lubos sa kabila ng galit na naipon sa dibdib niya ng maraming taon.

Ang galit na iyon ang nagtulak sa kanya para lalong bigyan ng pansin si Vivien. Na halos lahat ng galaw nito ay nakikita niya, o nais niyang malaman lahat ng ginagawa nito.

Hanggang sa sumapit ang uwian. Kita sa mukha ni Vivien ang gulat noong naka-abang na siya sa bukana ng palengke kung saan ito sumasakay ng tricycle.

Seryoso itong napatingin sa kanya. Wala rin naman siyang kangiti-ngiti na inabot ang helmet sa babae. Kinuha nito iyon at sumampa na sa kanyang motor.

Hindi naman nagtanong si Vivien, pero nagtaka na ito noong ibang daan ang tinatahak nila, hindi ang pauwi sa bahay. Inangat nito ang helmet.

"Saan tayo pupunta?" sigaw nito sa kanya . Kinalabit pa siya nito. Okupado ng ibang bagay ang kanyang isip kaya hindi niya narinig o naintindihan ang sinasabi nito.

Sinenyasan lamang niya ito. Kaya tumigil at nagpatianod na lang ito kung saan niya dadalhin.

Tumigil sila sa isang mall. Iyon ang kauna-unahang mall sa kanilang bayan. Kapapatayo lamang iyon limang taon na ang nakakaraan. Hinigit niya ito sa loob. Hanggang sa makarating sila sa sinehan.

"Ano'ng gagawin natin dito?" tanong nito na bakas ang pagtataka. Nasa harap sila ng ticket booth. May iilan na nakapila. Marami ang tao sa mall na iyon, nilalagpasan sila ng ilan dahil nakaharang sila sa daanan.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong niya imbes na sagutin ito.

Napahugot ito ng malalim na hininga. Hindi alam ni Vivien ang iisipin, ngayon pa talaga napagpasyahan ng lalaki na manood ng sine.

"Ikaw?" Ika nito at mukhang  pinagbibigyan na lamang siya sa kagustuhan.

Napataas ang kilay nito sa kanya dahil imbes na matuwa ay wala man lamang siyang naging reaksyon sa pag-payag nito. Umiling-iling ito at nilagpasan siya. Nagtungo ito sa ticket booth at namili ng pelikulang papanoorin. Pinanood lamang niya si Vivien.

Pinili ni Vivien ang isang action movie, Logan ni Hugh Jackman. Sa totoo lang ayaw niya ng romantic movie. Action, horror o kaya thriller na pelikula ang pinapanood niya. Iba nga lamang kapag si Robert ang kasama niya.

"Ako na!" ani Jayson. Naglahad ito ng isang libo. Kinuha niya iyon at ibigay na muli sa lalaki.

"Ako na, libre ko na ito sa iyo," sabi niyang inirapan na muli si Jayson. Nakakasiguro siyang unang beses nitong pumasok sa ganoong lugar. Impossible kasing pupunta pa ito sa maliit na sinehan para manood. Kung kaya naman nitong magkaroon ng sariling theater room at i-rent ang mga bagong pelikula.

May Netflix din ito sa apartment kaya nagtaka siyang nag-aya itong manood ng sine.

Bumili muna sila ng dalawang popcorn at softdrinks bago pumasok sa loob. Pinili nila ang sulok ng sinehan. Hindi naman masyadong matao sa lugar pero minabuti nilang doon na lang.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon