Kabanata 16

195 34 50
                                    

"Thank you," mahinang usal ni Jayson habang nakasubsob pa rin sa balikat ni Vivien. Nakayakap pa rin ito ng mahigpit na para bang mawawala ang babae kapag binitawan niya.

Vivien, on the other hand was now a bit relax. Pilit nitong inabot ang patayan ng kalan dahil nasusunog na ang kanyang niluluto, ngunit hinayaan niya lamang si Jayson sa puwesto nito. Hindi rin siya tumugon sa sinabi nito. Mas ninais niyang manahimik muna. Parang hindi niya rin kayang magsalita dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya na kanina pa niya pinapakalma.

"Akala ko umalis ka na, akala ko iiwanan mo ako. I'm ready and expecting it, pero narito ka parin..." pagpapatuloy nito. "I'm happy."

Napalunok si Vivien, and then lick her lips because it became dry. Ang mga kamay niyang kanina pa nakababa ay umangat at humaplos sa kamay ni Jayson na nakapulupot sa kanyang beywang.

"I'm not going to leave Jay," Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. "Hindi pa ako bayad sa utang ko sa'yo."

Napasinghap si Vivien sa biglang pagbitaw ng yakap ni Jayson. Kapagdaka'y iniharap siya nito. Ngayon nakatitig na ito sa mukha niya, siya man ay tumitig rin sa mga mata nito. Mababanaag sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Na wari'y unti-unting binubuksan ni Jayson ang sarili sa kanya. Pinagtagpo nito ang kanilang noo. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Nakapikit ito habang siya ay dilat na dilat at nakatitig lamang.

"Hindi ako naniningil Vivien... hindi ito ang kabayarang gusto ko," pabulong na saad nito.

Ang mga kamay ni Vivien ay parang may sariling utak na humaplos sa mukha ni Jayson habang nakapikit pa rin ito.

"Hindi ko alam kung paano ako makakabayad, susubukan kong mabayaran ka Jayson, kahit sa anong paraan."

"Then stay. Kahit anong mangyari pakiusap manatili ka sa akin. Kahit anong malaman mo, huwag mo akong iiwan," paki-usap nito na nagpabigat sa dibdib ni Vivien. Tila ba may mabigat na bagay na dumagan sa kanyang puso. Tama nga ang hinuha niya. Si Jayson ang taong kailangang iligtas.

She has lots of hardship in life, naging matatag siya sa mga pagsubok mula pa noong bata siya. Una ang hindi niya maintindihang pagkamuhi ng kanyang ina. Isinawalang bahala niya iyon at minahal pa rin ng buong puso ang nanay niya. Pangalawa, ang ama niyang minahal siya ng husto at kalauna'y nagbago dahil sa matinding poot nito sa kanyang ina, ginawan man siya ng masama, sa puso niya mahal niya pa rin ito. Pangatko ang hirap niya para itaguyod ang sarili para makapag-aral lamang. Ang lahat ng iyon, nagpatatag sa kanya. Alam niyang kakayanin niya pa. Hindi pa siya susuko.

Pero si Jayson, na akala niya ay kasing tatag at kasing lakas niya. Nasa harap niya ngayon at nagpapakita ng kahinaan. Na para bang siya ang kinakapitan nito at kinukuhanan ng lakas para magpatuloy.

They are both broken, they both need someone to mend their heart and soul. And they know, ang isa't isa ang kailangan nila. Oo, aminado na si Vivien, para maintindihan niya at para masagot lahat ng kanyang mga katanungan, kailangan niyang manatili sa tabi ni Jayson. Kailangan niya ring iligtas si Jayson sa madilim at malalim na butas.

Muli niyang hinaplos ang mukha ni Jayson. Tapos ay marahang itinulak ito para malayo ng kaunti ang mukha sa kanya. Dumilat na ito at tumingin muli sa mga mata niya.

"Kumain na tayo, lumalamig na ang pagkaing naihanda ko." Malumanay na ngiti ang iginawad niya kay Jayson. Tumango naman ito at lumayo na para umupo sa pan-dalawahang mesa.

Sinandok ni Vivien ang medyo sunog ng daing na bangus sa palayok. Inilapag niya ito sa mesa. Nakamasid lamang sa kanya si Jayson. Mapungay pa rin ang mga mata at seryoso. Hindi niya kayang ngumiti dahil sa pinapakitang kagandahang loob ni Vivien.

Naiinggit siya sa katatagan nito. Kahit pa puro pasakit ang dinala niya rito, napakabuti pa rin nito sa kanya. Hindi katulad niya na nagpalamon sa galit. Kaya galit din ang ipinakita niya sa babaeng alam ng puso niyang unti unti na niyang minamahal.

Sa una hindi niya matanggap ang realisasyong iyon, kalaunan nagalit na siya sa sarili dahil hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman.

Isang malakas at mag-asawang sampal ang dumapo sa mukha ni Jayson. Nag aapoy sa galit ang mga mata ni Vivien dahil sa ginawang kapangahasan ni Jayson.

He just stole her firts kiss. Na sana ay para sa taong kanyang minamahal.

"Walang hiya ka! Sumosobra ka na," puno ng galit na hiyaw niya. Gusto niyang maiyak pero hindi na niya magawa dahil sa matinding poot na nararamdaman para sa lalaki.
Gusto niya itong patayin. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding galit.

"Ano sa iyo kung may boyfriend ako ha!ano sa iyo kung maglandi ako! Wala kang karapatan na insultuhin ang pagkababae ko," Sigaw niya sa pagmumukha nito 'saka nandidiring pinunasan ang labing hinalikan nito. Dumura pa siya para ipakita ang pandidiring naramdaman.

"Ikaw ang malaking surot sa buhay ko! Sana hindi na lang kita nakilala. Sana mawala ka na lang!"

Biglang tumawa nang malakas si Jayson. Tawang tila nababaliw na, mas lalong naningkit ang mga mata ni Vivien dahil doon.

"Anong nakakatawa!?"

"Sana nga talaga nawala na lang ako,Vivien. I don't like what Im feelin' right now. Gusto kong pumatay alam mo ba iyon! Gusto kong basagin ang pagmumukha ng lalaki mo!"

Nanindig ang balahibo ni Vivien dahil sa narinig. Bigla siyang natakot para kay Robert.

"Hayaan mo akong maging masaya Jayson. Hindi ko deserve ang ganito galing sa iyo," tuluyan nang bumigay si Vivien. Napaiyak ito sa harap ng lalaki.

"Hindi ka pwedeng maging masaya Vivien. Hindi sa kahit anong paraan o kahit na kanino man," Mahina ngunit maatowridad na saad ni Jayson. Nakatitig sa lumuluhang babae. Walang pakialam sa mga nanonood na ibang estudyante.

"Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit mo sa akin. Pero nakikiusap ako Jayson, anuman ang dahilan mo, gusto kong hayaan mo ako. Tama na please, hindi ka pa ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na sa'yo."

Bumagsak ang balikat ni Jayson at tumalikod kay Vivien. Akala ni Vivien tapos na ang lahat at sumuko na ito.

Pero hindi iyon ang nasa isip ni Jayson. Nakakuyom ang kanyang mga kamao habang papalayo sa babae.

"Hindi ko hahayaang maging masaya kayo Vien, hindi pwede. Kung maaaring pareho tayong hindi magiging masaya, gagawin ko ang lahat! hindi pwedeng ako lang ang magdusa." Makasariling saad niya habang may luhang dumaloy sa mga mata. Tila may nakatarak na punyal sa dibdib ni Jayson. Masakit at mabigat ang nararamdaman niya.

"Kumain na tayo." Napabalik siya sa katotohanan noong marinig ang tinig ni Vivien. Nakaupo na ito kaharap niya.

Kaya naman nag-umpisa na rin siyang magsandok at kumain. Mapait ang nasunog na bahagi ng daing pero pilit niya pa rin nilunok iyon.

"Magpapaenrol na ako bukas, sasama ka ba?"

Iniangat ni Vivien ang tingin kay Jayson at umiling.

"Hindi na ako mag-aaral. Mag hahanap ako ng trabaho mamaya." Sagot ni Vivien na nagpatuwid sa kanyang pagkakaupo.

Napakunot noo siya sa dalaga. Nagtatanong ang tingin niya dito.

"Hindi mo na kailangan mag trabaho..."

"Kailangan kong magtrabaho Jayson. Hindi pwedeng dumepende lang ako sa iyo," Pinal na saad ni Vivien. Hindi binigyan ng pagkakataon si Jayson na umangal. "Gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Gusto kong makabayad sa iyo sa sarili kong pagsisikap."

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon