It's been a week simula noong magsimula si Vivien sa kanyang trabaho. Worthy ang buong araw niya dahil mas dumami ang mga suki dahil sa kanya.
Hindi niya alam, pero ibang-iba na siya tratuhin ng mga nakakilala sa kanya. Noon kasi, parang malayo ang loob ng mga tao sa kanya. Hindi naman siya sinasaktan, pero parang balewala siya sa mga ito. Hangin siya kung ituring.
Naisip niyang maaring dahil iyon kay Jayson. May mga nakakakita kasi sa kanila na lagi silang magkasama. Hinahatid at sinusundo siya nito kapag may pagkakataon. Ayaw man niya, mapilit naman ito. Umo-o na lamang siya dahil ayaw niyang makipagtalo pa rito.
"So totoo nga dito ka nagtatrabaho?" Isang nang-uuyam na tinig ang nagpalingon kay Vivien. Kasalukuyan kasi siyang nakatalikod sa mga paninda dahil sa pagbibilang ng benta.
Napabuntong hininga siya noong mapagsino ang kanyang mamimili. Kung mamimili nga ba?
"Bigyan mo ako ng isang kilong galunggong," ika nitong may pag-irap. Binagsak ni Vivien ang perang hawak sa lagayan. Tinanggal niya ang gloves na suot gamit sa pagbibilang. Pagkatapos ay nagsuot muli ng malinis na gloves para asikasuhin ang panauhin.
"Ilang kilo, Elaine? Isang kilo?" malumanay niyang tanong. Kung bakit kasi naiwan siyang mag isa ngayon sa tindahan. Ayaw niyang kaharap ang babae. Hindi dahil sa galit siya, kundi kabaliktaran nito.
"Siya na nga ang nang agaw siya pa ang may ganang magalit sa akin," muli siyang napabuntong hininga habang iginagayak ang gustong bilhin ng babae. Alam niyang kanina pa siya tinitigan ng masama.
Maayos siyang humarap sa babae. Kaya napagmasdan niyang mabuti ito. Medyo maumbok na ang tiyan nito. Siguro ay nasa apat na buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Medyo pale ang babae at payat. Hindi tugma sa sana'y malusog na ina kung magbuntis. Nilukuban siya ng pag aalala at awa. Bilang isang babae, hindi maayos ang tingin niya sa kalagayan nito.
"Ayos ka lang ba?" hindi na niya mapigilang tanong. Mababanaag sa mga mata niya ang awa. Kahit ayaw niyang ipakita iyon sa babae.
Mapait na ngumiti sa kanya si Elaine. Nasa labi pa rin ang pang uuyam sa kanya.
"Do I look okay to you?" Napataas ang boses na balik-tanong nito sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ang mga tinging nag uusyoso ng katabi niyang tindahan at mga taong dumadaan.
Kilala pa naman si Elaine sa kanilang lugar. Anak ba naman ng Ex mayor.
"Please, calm down. Wala akong ibig sabihin sa tanong ko. Im just..."
Humalakhak ito kaya hindi na niya naituloy ang gustong sabihin.
She lick her lips saka apologetic na tumingin sa mga taong nagmamasid.
She's a bit tense dahil baka mag eskandalo si Elaine.Inabot niya ang supot ng galunggong dito.
"Libre na iyan, please umalis ka na." Tinalikuran niya ito. Ngunit isa isang tumama sa kanya ang mga isdang pinamili ni Elaine.
Pinagbabato nito sa kanya ang galunggong.
"You bitch! Tama lang na dito ka magtrabaho, dahil kasing lansa ng mga isda ang amoy mo!" Puno ng galit na sigaw nito. Kung ano anong salita at mura ang lumabas sa bibig nito.
Kinuyom niya ang nanginginig niyang kamay. Ayaw niyang patulan si Elaine dahil sa buntis ito. Baka kung ano ang mangyaring masama dito, given na parang hindi maganda ang kalagayan nito ngayon.
Patuloy ang pagmumura nito noong humarap siyang muli. Para lamang matagpuan ng mga mata niya ang matang nangungusap ni Robert.
She saw longingness to Roberts eyes. Nagbadya tuloy ang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
Fiksi UmumMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...