Hindi alam ni Jayson kung paano haharapin ang kanyang ina. Ayon sa kanyang Ninong, naging agresibo ito at nagwawala kaya napilitan itong turukan ng pampakalma kagabi. Buti na lamang at hindi ito iniwan ng amain.
Napabuga siya ng hangin. Nagkakape siya sa terasa. Noong gumising siya, wala na si Vivien sa tabi niya. Kinabahan siya at napahalughog sa mga gamit nito. Laking ginhawa niya dahil naroon pa ang mga iyon.
Huminga siya ng malalim. Napakasarap sa pakiramdam niya ang pagkawala ng bigat sa kanyang dibdib. It's not over yet, but he's happy. He's starting to open up, at sisiguradihin niyang ituloy-tuloy iyon. Sana lang talaga ay maintindinhan siya ni Vivien at manatili ito sa tabi niya kahit anong mangyari. Kahit ano pa ang malaman nito.
Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ni Vivien sa kanya. Basta ang importante sa kanya ay ang pananatili nito sa tabi niya.
Tinahak niya ang daan patungong kusina nang marinig ang pagtunog ng telepono sa bahay.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay kung sino iyon kaya naman agad na niya itong sinagot.
"Hello".
"Jayson!" natatarantang boses iyon ni Roy. Malakas ang pagtawag nito sa pangalan niya na para bang may masamang pangyayari.
"Roy? Bakit..."
"Kanina pa ako tumatawag sa iyo sa cellphone mo, hindi mo sinasagot. Pumunta ka agad dito sa prisinto. Dalian mo!" Sigaw pa nito saka siya binabaan ng telepono.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. Kaya naman nagmamadali siyang umalis at puntahan si Roy sa prisinto.
Hapon na nakabalik si Vivien mula sa trabaho. Hindi niya inabutan si Jayson sa bahay kaya inakala niyang umuwi na ito sa mansyon.
Pumanhik siya sa kwarto niya. Maayos na ang buong silid. Mukhang nilinisan ito ng lalaki bago umalis. Nilapag niya ang dalang maliit na pouch sa mesa. Maliligo muna siya bago magluto.
Napatigil siya nang makalabas mula sa banyo at mabungaran si Jayson na naka-upo sa kama. Nakayuko ito. Buti na lamang at bihis na siya nang lumabas.
Pinagmasdan niya si Jayson. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinilabutan habang nakatingin dito. Nakakuyom ang mga kamao nito at naglalabas ng maitim na aura. Nahintakutan siya dahil sa bumabalik na pakiramdam. Ang takot kay Jayson. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito kahit pa pakiramdam niya, lumiliit ang kwartong kinaroroonan nila.
"Wala na sila!" Saad nitong biglang tumawa. Nag-angat ng mukha at tinignan siya.
Kinabahan siya dahil sa narinig, lalo na sa namumula nitong mga mata. Hindi niya rin ito maintindihan.
"Patay na sila, Vien! Malaya na tayo!" deklarasyon nang ngayon ay umiiyak na si Jayson. Puno ng hinagpis ang mga mata nitong lumuluha.
Tila siya nabuhusan ng malamig na tubig sa realisasyon ng sinasabi nito. Hindi maipinta ang hilatsa ng kanyang mukha dahil sa naiisip. Umuling siya habang unti-unting nagiging malinaw ang lahat.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya habang nanginginig ang kanyang kalamnan. Hindi niya alam ang gagawin kung tama nga ang hinala niya. Nawalan siya ng kulay sa mukha dahil sa pumapasok na masamang pangitain sa isip.
Parang asong ulol naman na napatawa si Jayson. Tila nawawala sa sarili, tumatawa pero may luha ang mga mata.
"Jayson!" Sigaw niya at mabilis ang lakad palapit dito. Niyugyog niya ang balikat nito. "Tell me, hindi totoo ang naiisip ko hindi ba? No, hindi totoo," umiiyak na rin niyang saad dito habang patuloy itong niyuyugyog sa balikat.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
Ficción GeneralMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...