Kinaumagahan, masakit ang ulo at katawan ni Jayson. Napasapo siya sa ulo dahil sa hilong naramdaman noong bumangon at tumayo siya. Napahilot siya sa kanyang sentido habang minumura niya ang sarili.
Naglakad siya papuntang banyo at nagpasyang maligo, pinaragasa ang maaligamgam na tubig sa katawan. Gusto niyang mabawasan ang nararamdamang sakit sa pamamagitan nito.
Habang naliligo, naitukod niya ang ulo sa pader at nakapikit na inalala ang pangyayari kagabi. Tahimik niyang minumura ang sarili. Ngayon hindi na siya magtataka kung wala na si Vivien sa bahay niya.Nakapagbihis na siya ngunit halos walang balak lumabas. Nakaupo lamang siya sa kanyang kama maglalabing limang minuto na. Napabuntong hininga siya at tumayo, nagpasyang lumabas na, wala rin namang mangyayari sa kanya kung magmumukmok siya sa silid. Sinulyapan niya ang kaharap na kwarto. Tahimik at tila walang tao.
Nakuyom niya ang kamao.Ngunit laking pagtataka niya noong pagdating sa sala, maayos at malinis na ito. Inaasahan niya ang magulo at nagkalat ang basag na bagay. Pero maayos ang lagay ng sala. Tila walang nangyaring pagwawala kagabi. Nang makaamoy siya ng masarap mula sa kusina. His heart beats crazily at mabilis pa sa alas kwatrong narating niya ang kusina.
Hindi natigil ang mabilis at malakas na kalabog ng kanyang puso. Aaminin niya masaya siyang naroon pa ang dalaga. Kasalukuyan itong nakatalikod sa kanya, nakaharap kasi ito sa kalan at nagluluto.
Maingat siyang humakbang palapit kay Vivien. Kumurap-kurap pa siya, baka kasi biglang mawala ito sa paningin niya at imahinasyon niya lang na nakikita ang babae. Pero kahit anong kurap at pikit niya, naroon talaga ito. Sa galak ng kanyang puso, niyakap niya mula sa likod si Vivien.
Itinulos sa kinatatayuan si Vivien noong maramdaman ang isang mahigpit na yakap mula sa kanyang likod. Sa gulat niya ay halos nahigit niya ang hininga, lalo na noong isubsob ni Jayson ang mukha nito sa balikat niya.
Napakabilis ng pintig ng puso ni Vivien. Halos hindi siya makahinga, pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya dahil sa lakas ng kabog nito. Pumikit siya at pilit kinakalma ang sarili. Ibang-iba ang pakiramdam niya sa Jayson noon, at sa Jayson na nakayakap sa kanya ngayon. Kung iyong noon, baka pinaso na niya ito ng hawak na sandok. O baka nagpumiglas na siya at binigyan ito ng sampal o suntok. Pinakain na sana niya ito ng mura at masasakit na salita.
But, this is different Jayson. Kaya hinayaan niyang manatili sila sa ganoong ayos. Hinayaan niya ang katahimikang bumabalot sa kanila.
Mas humigpit ang yakap ni Jayson noong maramdaman na hindi na tense ang katawan ni Vivien na hawak niya. Parang naging kalmado ito. Nagpapasalamat siya ng palihim dahil hinayaan siya nito. Hindi niya rin alam sa sarili kung bakit napayakap siya dito. Pero sa ngayon, alam ni Jayson na si Vivien lang ang tanging taong nagpapatino sa utak niya. Ito rin naman ang bumabaliw at nagpapawala sa kanyang katinuan pero aminado siya sa sarili na si Vivien lang ang tanging taong naging dahilan kaya siya lumalaban kahit pa nga gusto na niyang sumuko. Puot at galit para rito, pero aminado si Jayson, may malaking puwang ang dalaga sa puso niya. Pusong pinaitim na ng pasakit.
Napawi ang ngiti ni Jayson dahil sa pag irap na iyon ni Vivien sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi. Nasira ang gabi nito, pero siya? Ang himbing ng tulog niya kaya nga maganda ang gising niya sa umagang iyon.
Muli siyang nakipagtawanan sa barkada niya, hindi niya hahayaang masira ang magandang araw na nasimulan niya.
Nagpatuloy ang araw nila, hindi niya muna nilapitan si Vivien sa maghapong iyon. Pero ang araw na dapat ay masaya, ang araw na nagpasya siyang huwag nang idamay si Vivien sa sama ng loob niya sa nakaraan ay nasira lamang ng isang balita.
Tahimik na tinatalunton ng magkaibigan na Carol at Vivien ang daan pauwi. Hinabol niya ang mga ito at tahimik din na sumunod, para sana humingi ng tawad kay Vivien. Ang tahimik na pagsunod niyang iyon ay nagresulta ng mas lalo nilang alitan ni Vivien.
"Sinagot mo na? Paano nangyari?" Iyon ang bungad na salita na narinig ni Jayson mula kay Carol. Tanong iyon para kay Vivien. Nagpanting ang kanyang teynga at nangunot ang noo, nagpasya siyang makinig muna. Pero halos mapunit na ang hawak niyang bag dahil sa higpit ng kanyang hawak.
"Bigla na lang e," napakamot ng ulo ang babae at kinikilig na nangingiti.
"Kailan mo sinagot?" untag ulit ni Carol. Hinampas pa sa braso si Vivien.
Tahimik na ngingiti-ngiti lang si Vivien, habang si Jayson ay madilim na ang tingin na ipinupukol sa babae. "Sige na umamin na Vivz? Kailan?""Hmmmm...two days ago," nahihiyang amin ni Vivien. Napasigaw ng bahagya si Carol.
"So it means, nung prom night, sinagot mo si Robert?" Excited na tanong nito. Naninigurado.
Tumango lamang siya na lalong nagpakilig at nagpasigaw kay Carol. Mas malakas sa unang tili nito kaya napalingon sila sa kanilang paligid.
Saktong pareho silang napalingon sa kanilang likod at makita ang madilim at galit na mukha ni Jayson.
Napakapit ng mahigpit si Vivien sa kamay ni Carol. Si Carol naman ay namutla at hindi nakagalaw dahil sa takot na naramdaman sa itsura ni Jayson. Ngumisi si Jayson sa takot na nababanaag niya sa dalawang babae.
"So what's the use of me being so guilty and apologetic. Magso-sorry na sana ako dahil nasira ko ang gabi mo," Madiin niyang saad at ang mga mata ay nakatutok lamang kay Vivien. Papalapit siya dito. Si Vivien ay unti-unting napapaatras upang umiwas. Muling ngumiti nang pilit si Jayson. "In fact, you should thank me, kung hindi pala sa akin..." nahigit ni Vivien ang hininga noong madampi ang likod niya sa pader. Na corner na siya at wala ng matakbuhan. Lumingon siya sa paligid at nagpapasaklolo ang mga mata sa mga estudyanteng nanonood. Pero wala halos gumalaw para pigilan si Jayson. Sarili niya lang talaga ang kaya niyang asahan para ipagtanggol ang sarili. "Hindi magiging kayo!"
Nagngingitngit ang mga ngipin ni Jayson. Halos magdilim ang kanyang paningin sa panibughong nararamdam.
"I always have a second thought, muntik na akong maniwala na iba ka sa kanya. But know what, now, napatunayan kong pareho lang kayong mag-ina. Painosente pero may landing itinatago sa katawan!" galit na bulaslas ni Jayson. Malalalim ang hugot niya sa kanyang hininga.
In a snap, matalim na rin ang titig ni Vivien kay Jayson. Pilit niya itong itinutulak mula sa pagkaka corner sa kanya. May luha na ring rumagasa sa kanyang mga mata. Lalo na sa pag papaalala nito sa kanyang ina, at sa hindi niya maintindihan galit nito sa kanya at sa nanay niya.
"Huwag mong idamay dito ang nanay ko. Wala kang karapatang pagsalitaan siya ng kahit ano!" sigaw ni Vivien. Wala na siyang pakialam sa ibang tao.
Biglang sinuntok ni Jayson ang pader na malapit sa kanyang mukha. Napatili si Vivien sa lakas ng pagkakasuntok nito doon. Ang kamay niyang nanunulak kanina ay isinapo niya sa mukha dahil sa takot.
Tumawa si Jayson na parang nauulol na aso.
"Kilala mo ba ang ipinagtatanggol mo? Iniwanan ka na't lahat nakuha mo pa talagang ipagtanggol ang walang hiya mong ina ano?" Gamit ang duguang kamay. Pilit niyang hinawi ang kamay ni Vivien na tumatakip sa mukha nito.
Resistant ang babae pero mas malakas siya kaya malaya niyang naalis ang mga kamay nito at malayang napagmasdan ang luhaang mukha nito.
Iniangat niya ang mukha nito, hinawakan ang baba gamit ang masakit na kamay."Did he kiss you already?" Nanlaki ang mga mata ni Vivien at napaawang ang bibig sa tanong nito. Mas lalo siyang natakot sa kislap ng mga mata nitong nakatitig sa kanya. At sa mga labi niya. "Maybe I will have a taste before him." At walang sabi-sabing inilapat nito ang labi sa nakaawang na labi ng babae.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...