Kabanata 24

150 20 25
                                    

Nakaupo si Robert sa tabi ng kama ni Elaine. Wala pa ring malay ang babae. Pero ayon naman sa doctor, maayos ang kalagayan ng bata. Kailangan lang ay maging maayos at malakas ang ina para mas lalong lumusog ang sanggol.

Napatitig siya kay Elaine, pinag-aralan niya ang kabuuan nito. Tantya niya marami ang pagbabagong nangyari sa babae. Nawala ang dating carefree na pagkatao nito. Ayaw man niyang aminin, nagbago ito dahil sa pagmamahal sa kanya.

"Patawarin mo ako dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Mali ang taong minahal mo Elaine. Mali na ako ang minahal mo. Dahil kahit kailan hindi kita kayang mahalin, magdurusa ka lang sa piling ko." ginagap niya ang kamay ng natutulog na dalaga. "Be free like before, huwag mong ikulong ang sarili mo sa akin."

"Hi!"

Napatingala si Robert sa bumati sa kanya. Kasalukuyan siyang tutok sa binabasang libro kaya hindi niya namalayan ang paglapit ng isang dalaginding.

He clench his jaw as he met Elaine's eyes. Kumikislap ang mga matang iyon habang nakatitig sa kanya. Naglalaro ang masayang ngiti sa labi nito. Kung alam niya lang na nasa paligid ang babae, sana may pagkakataon siyang iwasan ito.

Itiniklop niya ang kanyang libro at tumayo. Kinuha niya rin ang kanyang mga gamit at akmang lalayasan na ang babae nang walang paalam.

"Ang suplado mo talaga, an'ong kasalanan ko at iniiwasan mo ako. At bakit ka ba galit sa akin?"

Napabaling siya sa dalaga dahil sa lantarang pang-aakusa nito. Hindi! Hindi ito nagtatanong kundi siguradong-sigurado ito na galit nga siya. Tinaasan niya ito ng kilay.

Masisisi ba siya kung pati ang inosenteng dalaga ay madamay sa galit niya sa ama nito?

Napatawa siya sa sarili. Inosente nga ba? Mukhang spoiled brat at maldita naman ang kaharap niya.

Kung bakit pinag-aakasayahan siya nito ng oras ay hindi niya alam at ayaw na niyang alamin. Ayaw niyang magkaroon ng koneksiyon sa pamilya nito.

Hindi naman siguro nito alam ang pagkakaugnay niya sa kinikilalang ama nito. Swerte ang babae dahil itinuring siyang tunay na anak. Pinagbuhay prinsesa kahit pa hindi kadugo ng Mayor. Ayon sa mga naririnig niya, ampon ito ng mag-asawang Valdez hindi raw magkaka-anak ang babaeng Valdez dahil sa sakit nito sa puso. Kaya nanaisin niyang walang ugnayan sa dalaga. Iiwasan niya ito hangga't maaari.

Muli niyang tinalikuran ito pero makulit ang babae at hinabol siya para harangan ang daanan niya.

"Why so mad at me? May ginawa ba akong masama sa 'yo? I'm being friendly here pero bakit ganyan mo ako tratuhin?" maarteng litanya nito na mas lalong nakapagpainis sa kanya.

Inayos niya ang salamin sa mata, kapagdaka'y seryosong hinarap ang babae.

"Look...what's you name again?" Napatigil siya at nag-isip. "Never mind! Hindi mo ba nahahalata na naiirita ako sa presensiya mo. I was so pissed when you're around me, nagpapapansin. So please, better go play with other boys , not with me, I'm not intersted!"

Napaawang ang bibig ng babae sa tinuran niya. Napangisi siya ng palihim at naidalangin na sana natauhan ito sa sinabi niya.

Pero nagkakamali pala siya. Dahil kinaumagahan mas lalong nagpursige ang babae. Mukhang naging challenge pa siya at ang pagiging masungit niya rito.

Araw-araw siyang pinupuntahan, kinakausap kahit ituring niyang hangin ito.

"You can't push me away you know. I will be sticking to you hanggang magustuhan mo ako." Sigaw nito nang balak na naman niyang layasan ito. Sa harap pa ng maraming estudyante idineklara nito iyon.

Hinila niya ito sa gilid ng halamanan sa school dahil sa iritasyon.

"Gusto mo talagang masaktan ano?" napataas ang kilay nito sa kanya. Nanghahamon ang tingin. "Wala ka nang pag-asa sa akin. May mahal akong iba. At isa pa..." pinasadahan niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. "Wala ka sa kalingkingan niya. Ugali pa lang, lagpak ka na!"

Umirap ito sa sinabi niya. Akala niya magagalit ito pero nakangising inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Agad siyang napaatras na dahilan ng kamuntikan niyang pagbagsak.

Tumawa ito ng malakas at may kalandian.

"May pag-asa pa ako sa iyo no! May mahal ka man o may girlfriend ka, hanggang hindi ka naikakasal, I will be around you." Pinitik nito ang may katangusan niyang ilong. "Bye baby love. See you again tomorrow," nakangising saad nito at agad na umalis.

Lalo lamang siyang nagngitngit dahil sa inis na lalong sumisibol. Araw-araw dinidiligan ng dalaga iyon kaya wala na talaga siyang paglagyan pa. Isang araw ay talagang sasabog na ang iritasyon niya kay Elaine!

Kung bakit siya ang hinahabol-habol nito samantalang 'di hamak na mas mga gwapo at may kaya ang mga kaibigan nito.

Naiisip niya tuloy lumipat na lang sa public school. Kaya lang sayang naman ang scholarship niya, pinaghirapan nilang mag-ina iyon para mabalewala lang ng dahil sa babaeng iyon. Sa dinami-dami kasi ng private school, doon pa naisipan ng babae pumasok.

Sa kanyang pagmuni-muni habang patuloy na naglalakad, hindi niya namalayamg nakarating siya sa San Agustin Elementary school at makasalubong si Vivien sa daan. Mangiyak-ngiyak ito habang hawak ang tila nagupitan na buhok.

Muling pinagmasdan ni Robert si Elaine. Ayaw man niya, kailangan niyang kausapin ang ama nito para dalhin na lang ito sa ibang lugar. Maynila o abroad, alin man sa dalawa basta malayo sa kanya. Masakit mang mawalay at hindi masilayan ang magiging anak nila ni Elaine, alam niyang ikabubuti ito ng mag-ina niya. Magpapasalamat pa siguro si Elaine 'pag nagkataon.

Tumayo siya. Muling pinasadahan ng tingin ang babaeng nakahiga bago tuluyang naglakad palabas.

Nasa pintuan na siya nang marinig ang halinghing ng babae na tila ba nanaginip.

"Huwag mo akong iiwan. Kaya kong magtiis Robert, ganoon kita kamahal, ikamamatay ko na mawala ka sa akin, please!"

Napatigil si Robert dahil sa narinig. Nag-unahang magpatakan ang kanyang mga luha. Mabigat ang kanyang pakiramdam na hanggang sa pagtulog ng dalaga, siya pa rin ang iniiisip nito. Nasasaktan siya para rito. Masakit sa kanya na hindi niya kayang pagbigyan ang kahilingan nito. Hindi niya kayang ibigay ang pagmamahal na gusto ng babae.

Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa palayo. Pinahid niya ang kanyang luha at nagpatuloy. Hindi na muling lumingon.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon