Salamat sa pagbabasa. Napakarami kong experience dahil sa storyang ito. Muntikan na akong maggive-up. May panahon na hindi ko alam saan tutungo sa kalagitnaan ng kuwento. Nacomplete pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kuntento.
This is only the book 1. Nagdecide ako na maghahain ng book 2 sa inyo ( pagkatapos kong ma-edit at marevise ang kwentong ito). Mababasa pa rin natin sina Elaine at Robert. At kwento ng buhay pag-ibig ni Vivien. May ibang character na makikilala. Sana samahan niyo ulit sila.
If you like the plot twist of this story. Siguradong magugustuhan ninyo rin ang sa book 2. Maraming salamat po.
The Title of this book will be change into..
CHAINED BY THE PAST
May mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan.
Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man, mag iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na mag papaalala ng sakit at poot na dala ng masamang nakaraan.
Kaya mo bang magmahal at mag paubaya?
Kaya mo bang magpatawad at tanggapin kung sino man siya.
Kaya mo bang kalimutan ang poot at pagkasuklam, para mahalin siya?
Can you free yourself from being chained by the past.
Hindi ko pa siya mapalitan dahil sa nakasali pa ito sa book awards. At wala pa akong bookcover😊😊
Book 2 will be..
CHASED BY THE PAST..
Bumangon si Vivien at nagpatuloy sa buhay. Naging mas matatag pa siya sa kabila ng hindi mabilang na pagsubok na pinagdaanan. Mas naging mabuti siyang tao. Mas pinahalagahan niya ang mga taong nasa paligid niya. Ngunit hindi niya kayang lubusang buksan ang puso niya para muling umibig. Dahil alam niyang hanggang ngayon, hinahabol pa rin siya ng nakaraan. Ang pag ibig na hindi man lamang nabigyan ng katugunan.
Si Mateo, bagaman kuntento sa buhay na meron siya sa ngayon. Pilit naman siyang hinahabol ng nakaraang hindi niya maalala. Binabagabag siya ng malabong alaala na tanging sa paniginip lang nagpaparamdam sa kanya.
Pagtatagpuin sila ng kapalaran.
Paano nila hihilumin ang sugat ng bawat isa?Kaya ba nilang lumaya? Kaya ba nilang mahalin ang isa't isa? Kaya ba nilang takasan ang nakaraang pilit humahabol sa kanila?
Paano kung ang lahat ay nababalot sa isang kasinungalingan ng nakaraan?
sana magkita tayo roon.
May mga gusto akong pasalamatan dito. eiramana325 sis salamat sa pagko-correct mo ng mga mali na nakikita mo sa storya, mas napapadali ang edit ko. alitaptap- thank you for pointing out my mistakes too. I will try my best para mapagbuti pa at makahain ng hindi na halfcook na chapter. Hindi na ako magmamadali hehehe. At may mga silent reader na naging kaibigan ko. Kilala niyo sarili niyo. Salamat
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...