Parang musika sa teynga ang huni ng mga ibon. Sariwang hangin mula sa malalaking puno. Para siyang hinehele habang nakahiga at relax na relax sa duyan.
Ahhh...Ang sarap ng ganitong buhay...
Nang biglang ang hele ay parang lindol sa lakas nang paggalaw ng duyan.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at naghanda para tumakbo.Pero biglang bumuka ang lupa. Kitang kita niya ang madilim at malalim na butas sa kanyang paanan. Wala siyang pagpipilian kundi manatili sa duyan at maghintay ng tutulong.
Nang biglang may maitim na kamay ang humawak sa kanyang paa. Pilit siyang hinihila.Sumigaw siya at nagtatadyak.
Sumigaw siya nang sumigaw habang inilalaban ang buhay. Pilit siyang hinihila sa loob ng hukay. Kapit na kapit naman siya at nilalabanan ang kamay na iyon...
Ngunit kahit gaano siya kumapit. Kahit ilaban pa niya ng ilang beses. Talo pa rin siya.Tuluyan siyang nahulog.
Sa kanyang pagkakahulog nakakita siya ng mga tao sa taas ng bangin na tinatawanan siya. O kaya ay tinutuya. May mga tingin na naaawa ngunit walang nais tumulong.
Nandoon din si Robert, ngunit may pumipigil dito para tulungan siya.
Nawalan na siya ng pag-asa.
Nang isang kamay ang pilit siyang inaabot. Ngunit nagdalawang-isip siya na abutin iyon nang makita kung kanino ang mga kamay na iyon.Gusto pa niyang mabuhay, aabutin ba niya? O hahayaan niya at tuluyan nang magpalamon sa lupa.
Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata."Vivien, Vivien!" Narinig niyang sigaw. Patuloy ang pagsigaw sa kanyang pangalan.
"Vivien!" sa huling sigaw na iyon ay napamulat siya at inabot ang kamay na iyon.
"Vivien?"
Sa kanyang pagmulat. Napaisip si Vivien kung ligtas na ba siya?
Nanlalabo man ang kanyang paningin. Nakaramdam naman siya ng kaligtasan. Isang malaki at mainit ang nasa harap niya, nakayakap sa kanya. Nagbibigay sekyuridad na ligtas nga siya.Nakayakap din siya dito. Kung gaano kahigpit ang yakap nito ay mas mahigpit ang kanya. Ayaw niyang bumitaw. Muli siyang pumikit. Isinubsob pa niya ang kanyang mukha sa balikat ng taong kayakap.
"Shhh... are you okay now?" Isang mabining tanong iyon na nagpasikdo sa kanyang puso.
Napamulagat siya at bigla ang pagtahip ng kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses.
Bigla siyang kumalas at tinulak si Jayson."An'ong ginagawa mo rito? Asan ako? An'ong nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong habang palinga-linga.
Their eyes met.
Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi niya maintindihan, it was the first time na makitaan niya ng ganoong ekpresyon si Jayson.
He always has a blank face. Blank emotion. Blanko talaga na hindi mo mababasa kung ano ang iniisip niya, ano ang nararamdaman niya.
Nakikita lang nila ang emosyong nito kung galit!"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya noong hindi siya bitawan ni Jayson.
She looked around. Hinala niya ay nasa hospital siya. Hinawakan niya ang suwero at hinila ang karayom sa kamay para tuluyang maalis.
It was painful pero tiniis niya.
She's still weak. Nakaramdam pa rin siya ng hilo, pero hindi siya puwedeng magtagal sa lugar na iyon.Unang-una, wala siyang pambayad.
Pangalawa, kailangan niyang makaalis nang makapaghanap buhay siya. Wala siyang pera para gastusin sa kahit anuman..Pangatlo...
Ayaw niyang manatili sa iisang lugar kasama si Jayson."What are you doing?" gulat na tanong ni Jayson sa kanyang ginawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/182405573-288-k589935.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
BeletrieMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...