Kabanata 2

556 90 502
                                    

Alas otso na ng gabi. Wala na masyadong tao sa kalsada. Ganoon sa probinsiya, alas siyete pa lang ng gabi, kung hindi tulog ay nasa loob na lang ng bahay ang mga tao.

Hapong-hapo mula sa kakatakbo ang labing-siyam na taong gulang na si Vivien. Hindi alam kung saan tutungo. Basta tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada na naiilawan lamang ng iilang poste ng ilaw. Ang malamig na hangin ng gabi ay dumadampi sa kanyang balat habang paika-ikang dahan-dahang tumigil sa pagtakbo.

Magulo ang buhok at punit ang damit, ni walang tsinelas na suot. Napaupo si Vivien sa gilid ng kalsada para makapagpahinga.

Mangiyak-ngiyak na hinaplos niya ang masakit na talampakan.
Ngayon niya naramdaman ang hapdi ng sugat na naroon. Hindi niya inalintana ang sakit kanina basta makatakas lang.

May mga pasa rin siya sa katawan at mukha. Muli siyang lumingon sa pinanggalingan. Nakahinga siya ng maluwag nang wala na ang humahabol sa kanya. Napahagulgol siya nang mapagtantong ligtas na siya. Kahit saglit lang ay ligtas na siya.

Patuloy ang kanyang pag-iyak nang biglang umiyak din ang madilim na langit. Malakas ang buhos ng ulan at tila dinadamayan siya sa kanyang kalagayan.

Kahit nanginginig at masakit ang katawan ay nagpatuloy siyang maglakad. Dinadama ang bawat patak ng ulan sa kanyang balat. Tila nababawasan ang sakit at hapdi dahil sa ulan. At dahil nararamdaman niyang may karamay siya sa pag-iyak.

"What the hell woman? Ano 'ng ginagawa mo sa sarili mo at nagpakaulan ka?" Isang galit na tinig ang nagpalingon sa kanya sa gawing kanan niya.

Isang puting sasakyan ang tumigil sa kanyang gilid. Nakita niya mula sa bukas na bintana ng kotse ang lalaking kinamumuhian niya.

Mataman siyang pinagmamasdan. His dark eyes is as dark as the night. Salubong ang mga kilay nito at nakapinid ang mga labi. Bagay na madalas na niyang makita na itsura nito.

Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Mas gugustuhin niyang iwasan ito kesa pag-ukulan ng kanyang panahon.
Ngunit sinundan siya ng lalaki.

"Nagpapakamatay ka ba? Huwag dito, sana sa bundok na lang!" panunuya pa nito sa kanya. Hindi kababanaagan ang mukha ng anumang simpatya nang muli niya itong lingunin. Nagngitngit siya sa galit at muli hindi niya pinansin ang lalaki o pinakinggan man lamang.

Kung pwede nga lang niya sana gawin iyon, noon pa sana.

She's tired of everything about her life. The hardship and struggles. Parang walang patutunguhan gaano man siya magsumikap na bumuti ang lagay ng buhay niya. Kung puwede lang sana niyang kitilin na ang sariling buhay sana noon pa ay wala na siya sa mundong ibabaw.

Pero natatakot siya...
Natatakot siya sa Diyos dahil mali ang pagpapakamatay para takasan ang buhay na meron siya, mali ang pagkitil sa buhay niya dahil hirap na hirap na siya. Isa pa hiram lang ang buhay na meron siya kaya hindi niya magawang patayin ang sarili.

Nineteen years of her existence, lumaban siya. Inilaban niya ang kanyang buhay. Pero kung ngayon, mamamatay siya sa ganoong paraan. Ang mawala sa mundong ibabaw dahil sa paghihirap na meron siya ngayon ay mas nanaisin niya iyon kaysa ang kitilin niya ang kanyang buhay.

Nanginginig man ay binilisan niyang maglakad para umiwas sa lalaking kinasusuklaman niya. Sa lalaking walang dinala sa buhay niya kundi pasakit.

Sigurado siyang maligaya ito sa nakikita ngayon. Natutuwa sa kanyang itsura. Sa kanyang sitwasyon. Wala naman itong ginawa kundi ang pahirapan siya at ipahiya. Ngayon sigurado siyang nagagalak ang kalooban nito na makita siya sa ganoong sitwasyon.

Dahil sa lamig, takot at ngayon ay galit na nararamdaman ay bigla siyang nakaramdam ng hilo.

"Lord please, huwag sa harap ng demonyong ito please..." taimtim niyang panalangin.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon