Prologue

504 20 46
                                    

1929, ang taon kung saan naganap ang "The Great Depression". Ang tinaguriang "Worst Economic Downturn" na naranasan ng karamihan sa mga bansa sa buong mundo. Maraming nawalan ng tirahan at trabaho, naluging mga negosyo, at nagsarang mga bangko. Naghirap ang mga bansa sa loob ng sampung taon.

Ang ekonomiya ng mundo ay nailigtas mula sa patuloy nitong pagbagsak matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at dahil na rin sa mga tulong ng mga taong nagpamalas ng kanilang kakayahan at kaalaman para maresolba ang Great Depression. Sila ay ang mga tinatawag na Economist.

Ngayong isang-daang taon na ang nakalipas, nagbabadya na naman maulit ang Great Depression. Ang paparating na Great Depression ay mas malawak at mas malala. Kailangan itong mapigil kahit na ano pa man ang mangyari. Kakailanganin ulit ng mundo ang tulong nila. Ang tulong ng mga Economists.

Isang misteryosong lalaki ang nakatayo ngayon sa tuktok ng isang luma na at napakataas na tore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang misteryosong lalaki ang nakatayo ngayon sa tuktok ng isang luma na at napakataas na tore. May hawak siyang isang makapal na pulang libro at may suot na parachute sa kanyang likuran. May isinulat ang lalaki sa hawak niyang libro gamit ang isang pluma. Sa dulo nito ay kanyang isinulat ang pangalang Aristotle. Nilagyan niya ng pananda ang pahinang kanyang sinulatan bago niya isinara ang hawak na libro. Naka imprinta ang salitang "Oeconomica" sa pulang pabalat ng libro.

Ngumiti siya at bumuwelo paatras bago siya tumakbo at tumalon mula sa mataas na tore. Binuksan niya ang suot na parachute at sinabi ang mga katagang "magbabalik na sila", habang patuloy ang pagbagtas niya sa himpapawid.

Biglang umihip ang isang malakas na hangin na may dala-dalang mga puting talulot ng lily

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang umihip ang isang malakas na hangin na may dala-dalang mga puting talulot ng lily. Natakpan nito ang misteryosong lalaki at kasabay ng pagdaan nito ay ang tuluyang paglalaho niya mula sa himpapawid.

~*~

~*~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
OeconomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon