Chapter 03

13.1K 591 14
                                    


Nasa tapat ako ngayon ng silid ni Evan. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. I feel that something bad would happen if I enter this room.

Habang nakatayo ako sa tapat ng pinto nya ay bigla iyong bumukas at galit akong tinitigan ni Evan. Binalot na naman ako ng kaba. He's still half naked! Yung putil towel pa rin ang tanging suot nya.

"Bakit ka tumakbo? Ha?!" Bulyaw nya sa akin. Napalunok ako.

"Ta-tapos ko na po kasing linisin ang silid nyo Sir. Ka-kaya umalis na ako." Tugon ko sabay yuko.

"Anong tapos? May lilinisin ka pa!" Galit nyang sabi.

Napakunot ang noo ko. "Ano pa po ba ang lilinisin ko Sir?" Nagtatakang tanong ko.

"Nakalimutan mong linisin yung ilalim ng kama ko. Madumi pa rin." Tugon nya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala ko na hindi ko nga pala iyon nalinis. "Si-sige po Sir. Li-lilinisin ko na." Ang sabi ko at naglakad na ako papasok sa silid nya.

Dumapa ako sa sahig para isa-isang pulutin ang mga kalat na nandoon, at habang ginagawa ko iyon napatingin ako sa may walk in closet ni Evan at nanlaki ang mata ko nang unti-unti nyang tinatanggal ang puting towel na nakatapis sa ibabang bahagi nya habang nakatingin sya sa akin ng seryoso.

He smirked at me when he finally took off the towel on his body. Napapikit ako sa ginawa nya. Sinigurado kong hindi ko makikita ang hubad nyang katawan. Ibinaling ko ang atensyon ko sa paglilinis sa ilalim ng kama nya.

Narinig ko ang yabag ng mga paa nya, he's walking into his shower room again and I saw him naked in my peripheral view . It's blurred and I know he's totally naked! Papaano nyang nagagawang maglakad ng hubad ng may ibang tao sa loob ng silid nya?

Ganito din ba sya sa ibang kasambahay dito?

Muli kong narinig ang mga yabag nya at napalunok ako nang marinig ko iyon na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Heeyyy!" Pagtawag nya sa akin.

"Ba-bakit po?" Tanong ko. Hindi ko sya hinarap. Nagkunwari akong may pinupulot pa ring kalat sa ilalim ng kama nya. Ayoko syang lingunin o tignan dahil alam nakahubad sya.

"Face me!" Bulyaw nya sa akin. Nauntog tuloy ang ulo ko sa kama nya sa biglaan nyang pagsigaw.

Dahan dahan akong tumayo at sinigurado ko na pagharap ko sa kanya ay sa mukha nya lang ako titingin.

"Ba-bakit po Sir?" May halong kabang tanong ko.

Seryoso nya akong tinitigan. "After cleaning that, clean my shower room. It's messy." Muling utos nya.

"Sige po." Tugon ko.

My heart beats so fast when he slowly walks towards me. Napa-atras ako sa pag-abanteng ginagawa nya. Seryoso pa rin ang mukha nya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Si-sir." Ang nasabi ko dahil hindi pa rin sya tumigil sa pag-abante. I continue walking backward, at nagulat ako nang matumba ako sa kama nya. Wala na akong aatrasan. I fell on his bed!

Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko dahil baka makita ko ang katawan nyang hubad dahil alam kong nakadungaw sya ngayon sa harapan ko.

"Why are you covering your face huh?" Tanong nya. "Never seen a naked guy?" Dagdag nya pa.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik habang nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa aking mga mata.

"Finish what you're doing. Magbibihis na ako." Aniya at narinig ko ang papalayo nyang mga yabag. Kaya naman unti unti kong tinanggal ang mga kamay ko sa aking mga mata at mabilis akong naglakad patungo sa banyo nya para linisin iyon.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon