Chapter 34

9K 532 95
                                    


Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang malinaw at bughaw na tubig ng dagat. Habang inaalala ko ang mga nangyari noong nakaraang linggo.

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga masasakit na salitang binitiwan sa akin ni Evan, parang nakasaksak pa rin iyon sa dibdib ko at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Noong minulat ko ang aking mga mata, si Nathan ang una kong nakita pagkatapos kong mawalan ng malay sa loob ng elevator. I asked him what happened and he just told me that someone called him informing him that I was stuck in the elevator inside their building. Hindi daw nagpakilala ang lalaking nagbalita sa kanya, and that guy brought me to their clinic at umalis na daw ito nang masiguro nitong maayos na ang kalagayan ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang ilihim ni Evan ang sarili niya, pero siguro dahil ayaw nyang may malisyang isipin si Nathan pati na rin si Natalie sa pagtulong na ginaawa nya sa akin at alam kong ayaw nyang magkaproblema sila ng fiancé nya kaya maharahil iyon ang dahilan.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

Concern pa rin sya sa akin after all those anger that he showed to me. Pero ayokong bigyan iyon ng kulay o kahulugan dahil alam kong matindi ngayon ang galit na nararamdaman nya sa akin.

I felt my tears fall again so I wiped it right away dahil baka masira ang make-up ko dahil may shoot pa ako mamaya.

I need to focus myself to my career and to my business, dapat masaya ako ngayon dahil naging successful ang grand opening ng make up line ko last weekend at sobrang nakakataba ng puso na makitang dinagsa ito ng mga fan ko. Nakakatuwamg isipin na unti-unti ng nagiging matagumpay ang negosyong matagal ko ng pinagplanuhan at ngayon nga patuloy pa rin sila sa pagbili at pagtangkilik ng produkto ko.

"Miss Angel! Miss Angel!" Napalingon ako sa likuran ko nang tawagin ako ni Yana- she's my personal assistant. "Magsisimula na po ang shoot nyo with Salvatore jewelry, hinahanap na po kayo ni Sir Nathan." Aniya.

"Okay. I'll be there in a minute." Huminga ako ng malalim then I smiled. Kaya ko ito! I need to be okay in this shoot. I don't want my emotion to affect this shoot dahil ayokong ma-disappoint sa akin si Nathan because he trusted me and also invested in my business.

Pagbalik ko sa area malapit sa dalampasingan kung saan kami magpophoto-shoot, napatigil ako and my heart skipped from beating because Natalie and Evan are there!

Bakit sila nandito?

Bigla kong naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko nang makita kong nakapalupot ang kaliwang braso ni Evan sa bewang ni Natalie and they look very sweet. Gusto kong umiyak but I need to stop these eyes from crying dahil kailangan kong maging matatag at maging matapang sa harap nila.

"You shouldn't be here Nat. I can handle this shoot together with the staffs and Evan." Saad ni Nathan dito.

"My fiancé is here, and this is our family's business bakit parang ayaw mo na nandito ako? Hindi naman ako manggugulo." Pagtataray nito sa kambal.

Pero tama ba ang narinig ko? Evan is involved in this shoot? Why? How?

Napatingin ako kay Evan at tahimik lang sya habang pinagmamasdan ang pagtatalo ng kambal.

"Mr. Salvatore? Shall we start the photoshoot now?" Tanong ko dito.

Sabay sabay naman silang tatlo na lumingon sa akin.

"Yeah. Of course! Ikaw nalang ang hinihintay namin." Nakangiting sagot nya.

"Uhm. Okay. But may I talk to you first for a second?" Hiling ko na pinagbigyan nya naman.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon