WARNING: SPG
I'm currently cleaning Evan's room at napagdesisyunan nyang muli, na ako ang itoka sa paglilinis ng silid nya. Hindi ko alam pero simula nang magpunta kami sa Batangas napansin kong ang dami ng nagbago sa kanya and that made me nervous. Dahil minsan bigla nalang nya akong yayakapin at ang malala pa, nagugulat nalang ako sa biglaan nyang pagpalo at pagyapos sa pang-upo ko. At ang isa pang kinaiilangan ko sa kanya minsan ay yung tititigan nya ako habang nililinis ko ang silid nya. He's pasting his eyes on me at parang lahat nalang yata ng kilos ko gusto nyang makita.
Gusto ko syang iwasan dahil nababastusan na ako sa ginagawa nya. Alam kong ayaw nya sa bading na gaya ko pero hindi naman ibig sabihin non na pwede nya na akong bastusin ng ganon nalang. I tried to avoid him but he's trying his best to keep me on his eyes. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabahong ito, I already left this place.
Pinupunasan ko ngayon ang mga laruan nyang robot na naka-display sa silid nya. These toys are quite heavy at ingat na ingat ako sa pagpupunas dahil alam kong mamahalin ang mga ito. Lumipas ang ilan pang minuto and I am now wiping the last robitic toy that Evan has, biglang tumalon ang puso ko sa ingay na narinig ko mula sa labas and I know that sound came from a gun!
Napahawak ako sa dibdib ko sa labis na gulat. At parang tumigil ang mundo ko nang makita kong wasak na ang pinupunasan kong laruan na ngayon ay nasa sahig. I dropped it! Now it's broken!
Bigla akong binalot ng kaba, mabilis kong pinulot isa-isa ang mga parte ng laruan ni Evan. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, if Evan sees this he would definitely kill me!
"What the hell?!" Nanlaki ang mata ko sa biglaan pagdating ni Evan. He's staring at his broken toy on the floor.
"I'm sorry Sir. Hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng tawad. My heart is beating so fast! Parang sasabog na ito sa labis na kaba.
Nakaramdam ako ng takot sa masamang titig na pinupukol nya sa akin. Napalunok ako dahil sa labis na kaba.
"Hindi mo sinasadya?! It's broken! It's already fvcking broken! Alam mo ba kung magkano yan?!" Galit na sigaw nya sa akin. Lalo akong kinabahan nang maglakad sya palapit sa akin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.
"I'm sorry Sir. I'm sorry." Paulit ulit kong sabi. "I'll try to fix it." Dagdag ko pa at isa-isa kong pinulot ang mga bahagi ng robotic toy nya para kumpunihin ito.
"Stop!" Hiyaw nya. Napahawak ako sa dibdib ko sa labis na gulat. "Do you think you can fix that?! Hindi mo na yan magagawa! Idiot!"
Nang marinig ko yung sinabi nya nawalan na ako ng pag-asa. Kaya napatitig nalang ako sa sira nyang laruan.
"Because of your carelessness you broke my collection toy! Ano na ngayon ang gagawin mo? It's a collection item you can't find a replacement for that!" Galit pa rin sya habang sinisermonan ako. "It cost thousand dollars so how can you pay for it?" Tanong nya.
"Wa-wala po a-akong pambayad Si-sir." Nakayukong sabi ko. I'm about to cry now.
"Then what the fvck are you going to do with this huh?!" Tumingala ako at tinignan ko sya at kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. "Maybe I should tell my Mom about this. And I'll make sure the money that she will be giving you ; yung sweldo mo ay mapupunta para mabayaran mo itong collection toy ko!" Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nya. I won't let that happen! I need my salary! Naka-confine sa ospital si Mommy at yung sweldo ko lang ang inaasahan ko para magpatuloy ang panggagamot sa kanya ng mga doktor.
"Please Sir. I need my salary. Huwag mo naman pong kunin iyon sa akin. My Mom needs it. Naka-confine sya sa ospital." I begged.
"Then that's not my fvcking problem! I will let my Mom know this bullshit." Sabi nya at maglalakad na sana sya palabas ng silid nya nang pigilan ko sya. I grabbed his right arm.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel
RomanceTry to steal his Angel, you would definitely experience the hell. Highest Rank Achieved: #1 in Transgender story! ********* WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG THIS I...