Chapter 23

10.6K 465 73
                                    

Keep safe everyone! Kahit na quarantine na ang Manila, tuloy pa rin kami sa work! Huhu! Mga imortal daw kami! Kaya once a week pa rin ang update! Enjoyyyy! :)


-

"Since semester break is about to come, school administrators decided to have a team building in Batangas. Alam namin na kailangan nyong mag-enjoy sa last day nyo dito sa Malaya bago magbakasyon. So we are inviting all third year students regardless of the course to join but there's still a waiver na kailangan pirmahan ng parents nyo na pumpayag sila na sumama kayo. Pero sinisigurado naman namin that you're all safe sa team building na mangyayari. Kaya kung sino ang gustong sumama just fill out the form at sa mga hindi naman, it's okay." Anunsyo ng dean namin sa business administration department.

Biglang nagkagulo ang mga estudyante na sobrang sabik na sabik sa mangyayaring team building.

"I wanna wear my bikinis! I'm so excited!" Rinig kong sabi ng kaklase kong babae.

"Good thing na may paganito ang Malaya! Mae-enjoy natin ang last day bago magbakasyon!" Tugon naman ng kausap nya.

May kanya-kanya sila komento sa naturang team building at lahat sila nananabik at intirisadong sumama dito.

Tinignan ko si Evan, he's busy talking to his friends. At parang sasama din yata sila.

"Tagal ko ng hindi nakakapunta sa beach bro! Sumama na tayo." Sabi ni Gerome.

"Puro nalang tayo pool! Tara sumama na tayo!" Komento naman ni Patrick.

"Kung sasama kayo, I'll go then." Saad naman ni Dennis.

"Ikaw bro? Sasama ka?" Tanong naman ni Troy kay Evan.

Hindi sya sumagot. Napatingin sa akin si Evan.

"Gusto mo bang sumama sa team building?" Tanong nya sa akin.

Napalunok ako. Bigla kong naalala n'ong nag-swimming kami sa isla nila Nathan. I have a bad experience sa beach, pero sobrang ganda ng tanawin. Hindi ko alam.

"I don't know." Sagot ko.

"Come on pretty! Sumama kana." Pamimilit sa akin ni Gerome.

"Kung hindi ka sasama, hindi na rin ako sasama." Sabi sa akin ni Evan.

"What bro? Sasama kami! Hindi pwedeng hindi ka sumama!" Reaksyon ni Patrck sa tinuran nya.

"Tinatamad ako." Walang ganang sagot nya sa mga kaibigan.

My phone beeped and I saw Zion's name flashed on my screen. Binasa ko agad ang mensahe nya.

"Sasama ka ba sa team building?" That's his text message.

"Hindi ko alam. Ikaw ba?" I replied.

"I'll join :)" sagot nya.

"Sige, sasama na rin ako. See you!" I replied without even thinking twice!

"Sino yang ka-text mo?" Usisa ni Evan.

"Uhm. Wala. Sasama na pala ako sa team building. Nakakamiss ang dagat." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ayon naman pala! Pretty will join us, ibig sabihin sasama ka na rin?" Nakangiting tanong ni Gerome kay Evan.

"Ano pa nga ba?" Sagot nya at naghiyawan silang apat sa sobrang excitement.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naisipang sumama nang malaman kong sasama din si Zion. I really miss my friend, at ngayon ni hindi na kami nakakapag-usap ng personal. We only text and talk on the phone pero sa personal, wala na talaga. I hope I could talk to him even just a minute sa team building.


The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon