Chapter 36

8.4K 502 138
                                    


"Good evening Mrs. Montenegro." I warmly greeted her.

"There's no good in evening." Pagsaliwa nya sa pagbati ko. "Why are you here? You should use the male's restroom instead." Pang-iinsulto nya sa akin.

Nagkuyom ang palad ko sa labis na inis. "I'm a transwoman now. There's no rule in this place restricting a transwoman to use the female's restroom, kaya wala namang masama kung dito ako mag-banyo." Malambing kong sabi then I gave her a sweet smile.

Kailangang ipakita ko sa kanya na masaya ako, na hindi ako apektado at takot sa kanya.

"Oh. You are what? A transwoman? What is that word? Is that even a word?" Patuyang tanong nya sa akin. "I don't care what you are. Kahit ano pang itawag mo sa sarili mo at kahit ano pang ipabago mo dyan sa katawan mo, you're still a man and you will never be a woman. Keep that in your mind dear. You will never be a woman." pagdidiin nya.

I raised my chin and my right eyebrow then I smiled again. "Parehas lang naman tayo. I used my money to turn my body into a woman but still, it will never change the fact that I was born a boy and I know that. Just like you, kahit naliligo kana sa salapi hinding hindi parin non mabibili ang pagmamahal ni Mayor at kahit kailan hinding hindi mabibili ng pera mo ang katotohanang si Mommy pa rin ang mahal nya at hindi ikaw. We're both pathetic Mrs. Montenegro, ang kaibihan lang natin, sa akin may totoong nagmamahal sayo, wala." I answered full of confident.

"How dare you?!" Sigaw nya. She tried to slap me but she was too slow to hit my face dahil naabot ko agad ang kamay nya bago ito lumapat sa mukha ko.

"Iyan nalang ba ang alam mong gawin Mrs. Montenegro? Ang manakit?" Tanong ko dito sabay bitiw sa kamay nya. Na paatras sya sa lakas ng pagbitiw ko doon. "Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin? I already followed what you said? Nilayuan ko na si Evan. Wala na kami. Iniwan ko na sya tulad ng gusto mo dahil tinakot mo ako na may mangyayaring masama sa mga magulang ko kapag hindi ko iyon ginawa at ngayon nga, look! engaged na sila ni Natalie! Ano bang ikinagagalit mo?" Pagpapatuloy ko.

"Because every time I see your face, it reminds me of your pathetic mother! I loathed her so much! At hinding hindi na iyon mawawala kahit kailan!" Galaiti nya.

"Kaya hindi ka nagiging masaya dahil nagtatanim ka ng galit dyan sa puso mo. You should learn how to forgive and forget those bad things that happened in the past, dahil lalamunin lang ng galit mo na yan ang iyong kasalukuyan and it will only leads you to sorrow and hatred. Just like what's happening right now." I preached.

"Wala kang alam sa pinagdaan ko. You will never understand!" Aniya. Naglakad sya palapit sa akin. "I want you to stay away from my son. Kapag nakita kitang lumapit sa kanya, alam mo na ang magyayari sa mga magulang mo." Pagbabanta nya at kasabay non ang mabilis nyang paglabas sa banyo.

My lips suddenly curved upward. I smirked. I stop the video recording on my phone at tumagal ng halos limang minuto ang usapan naming iyon. Now I have proof, kahit na hindi ko na magawang higitan ang mga Montenegro- may patunay na ako kay Evan na lahat ng ginawa ko ay kagustuhan lang ng ina nya. I can also use her threat in this video in the court, dahil kung may mangyayari mang masama kina Mommy at Dad, siya ang mananagot. Now I realized the benefits of being a vlogger, you can record a video without someone noticing it.

But I felt pity on her. She was eaten by hatred and insecurities at naaawa ako sa kanya dahil kapag nalaman ng anak nya ang mga bagay na ito pati na rin ni Mayor, they will surely leave her. Pero mas naaawa ako kay Mommy at Dad kung mangyayari ang banta nya. I have no choice, I need to do this.

Mrs. Montenegro, get ready for your downfall! Ang sabi ko sa aking isipan habang nakangiti.

Paglabas ko ng female's restroom, sakto naman na lumabas din si Zion sa male's restroom kaya sabay na kaming naglakad pabalik sa party. Pero habang naglalakad kami sa hallway, bigla ko na namang naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko nang makita kong naglalakad si Evan at Natalie palapit sa amin. Mukhang pupunta din sila sa palikuran.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon