Chapter 44

10.6K 489 64
                                    



Seven months later

Nasa tapat ako ngayon ng puntod ni Natalie at ng kaniyang baby habang inaalala ko ang mga nangyari noon. Pitong buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang madugong kaganapan sa bahay namin. Labing tatlo silang lahat na pumanaw sa mismong bahay namin. Una ang tatlo naming kasambahay, sumunod ang dalawang body guards ni Natalie, tapos sina Oliver, Alexander at Franco at kasama na rin ang tatlong paramedics na binaril ni Franco at ang huli ay ang mag-ina ni Evan; si Natalie at ang baby nya.

Isa na yata iyon sa tagpong hindi ko malimutan at nagpapasalamat ako dahil nakaligtas kami ni Mommy sa kamay nila Franco. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Parang kahapon lang iyon nangyari. Naririnig ko pa rin ang mga putok ng baril at palaging pumapasok sa isip ko ang mga dugo na nagkalat sa bahay namin.

Pinipilit kong kalimutan pero mukhang nakatatak na ang nangyaring iyon sa ala-ala ko.

Maraming nangyari sa lumipas na pitong buwan. Nakamit namin ang hustisya dahil nakipagtulungan ang pamilya Salvatore na mahuli at makulong si Mrs. Montenegro. Hindi nila matanggap na nawala ang kanilang unica hija at ang kanilang magiging apo dahil sa pangu-ngunsinti ni Mrs. Montenegro kay Natalie na gawan ako nito ng masama. Nasa piitan na rin sina Jared at Martin na syang nakaligtas din sa madugong pangyayari sa bahay namin.

Hindi naging madali sa akin ang lahat pero salamat sa tulong ni Evan dahil sya ang nagpatatag sa akin sa lumipas na pitong buwan. Mahigit tatlong buwan rin akong nagkulong sa bahay dahil sa traumang natamo ko sa mga nangyari. Lumipat na rin kami ng bahay dahil sa tuwing mapupunta ako sa sala ng bahay namin ay muling bumabalik ang lahat sa ala-ala namin ni Mommy at hindi iyon nakatulong sa amin, kaya napagdesisyunan na naming lumipat.

Hindi man naging maganda ang mga nangyari noon, pipilitin kong magkaroon ng masayang ala-ala ngayon sa piling ni Evan.

"Let's go hon." Malambing na sabi ni Evan habang nakahawak sa bewang ko.

Nginitian ko sya. "Okay." Tipid kong sabi.

Hanggang ngayon may galit pa rin si Evan kina Natalie at sa kaniyang ina na si Mrs. Montenegro dahil sa mga nangyari. Alam kong matigas ang puso nya, alam kong hindi sya yung klase ng taong mabilis magpatawad pero alam kong darating din yung panahon na mapapatawad nya rin ang mga ito. Hanggang ngayon sinisisi nya pa rin sina Natalie at Mrs. Montenegro sa pagkawala ng baby nila ni Natalie. Palagi nyang sinasabi na kung hindi dahil sa masamang balak ng mga ito sa akin, hindi mawawala ang anak nila.

He loved his baby at ramdam ko iyon. Kahit na hindi nya ginusto ang pagkakabuo sa bata, he still the father no matter what dahil dugo at laman nya iyon. Kahit na may duda sya noong una sa bata, noong nalaman nyang sya ang ama nito, buong puso nya itong tinanggap at jitang kita ko iyon sa kung paano nya titigan ang puntod ng anak nyang nasa tabi ng puntod ni Natalie. He even visits his baby, almost everyday.

"Are you okay?" Nag-aalala nyang tanong nang makapasok na kami sa sasakyan nya.

"Ayos lang." tugon ko at binigyan ko sya ng matamis na ngiti.

He fastened my seat belt at nag-umpisa na sya sa pagmamaneho.

"Do you still feel guilty of having a relationship with me again?" Malungkot nyang tanong. "I can see it in your eyes."

Umiling ako. "Hindi natin ginusto ang nagyari. Maybe God made his way for us to be together again." Sagot ko. "Ayoko nang isipin ang sasabihin ng iba. Kung anong gusto nilang isipin, isipin na nila. Kung gusto nilang isipin na malandi ako, na ginusto ko ang pagkamatay ng asawa mo para magkabalikan tayo, edi isipin na nila. Alam mo at alam ko ang totoo. Na handa nating palayain ang isa't isa. Pero dahil sa mga nangyari, heto tayo ngayon at magkasama. We didn't plan this. Sumuko na tayo sa isa't isa. Pero kusa nalang nangyari ang lahat."

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon