Chapter 31

8.5K 509 103
                                    

Four years later. . .



"Give me another stunning shot Ms. Angel." the photographer instructed me so I gave him different poses. "Yes! Beautiful! Yes! that's perfect!" Aniya pa.

"I think we already got perfect shots from you Angel. We got the perfect photo for your new billboard. It's a wrap everyone." Saad naman ni Madam Patty at pumalakpak sya including the whole staffs.

Naglakad ako papunta sa vanity mirror para magpunas ng tissue sa noo dahil pinagpawisan ako sa photoshoot namin.

"You never fail me Angel. Sobrang ganda ng mga kuha namin sayo, I'm sure there's no one who wouldn't turn their head on your billboard once they see it. You're such a goddess!" Papuri nya.

I look my reflection at the mirror. Walang masyadong nagbago sa akin, I only gained inch of height and weight but that's it. I am now a transwoman, I had my surgery last year at masasabi kong ang sarap sa pakiramdam na ganap na akong babae. At ngayon, isa na ako sa hinahangaan at kilalang modelo hindi lang dito sa bansa kundi sa iba't ibang panig na rin ng mundo. All of the hardship that I've been through, it leads me to fame and success. I owe it to myself and to Madam Patty dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mararanting ang kinatatayuan ko ngayon. He was there when I was crying at the waiting shed noong napalabas ako ng ospital dahil pinuntahan ko si Evan ng maaksidente ito. He gave me hope, he gave me strength and he gave me another life. Everything I have, I owe it to him. He's a blessing.

Niyakap ko sya ng mahigpit. "Thank you for everything Madam Patty." Pasasalamat ko dito.

"Nako, ikaw talagang bata ka. Napa-drama mo." Natatawang sabi nya. "Magbihis kana, may runway show kapa bukas sa mall, you need to take some beauty rest." Aniya.

"Masusunod po." Nakangiting sabi ko at naglakad na ako papuntang restroom para magpalit.

Paglabas ko ng restroom, ako nalang ang natitirang tao sa studio, wala na sina Madam Patty pati na rin ang PA kong si Yana at ang iba pang staffs ng photoshoot. Kaya naman, I grabbed my things and when I am about to leave the room, there's a tall guy came inside. He's wearing black jacket with hood at hindi ko makita ang mukha nya dahil nakasuot sya ng itim na facemask at patay na rin ang ibang ilaw dito sa silid.

"Si-sino ka?" Tanong ko. "Show your face!" Mando ko dito.

Hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya. Nagulat ako nang maglakad sya palapit sa kinaroroonan ko.

Kumuha ako ng bagay na pwedeng ipanghampas sa kanya, I grabbed the camera stand at inambahan ko sya. "You! Huwag kang lalapit sa akin!" I'm scared. Who's this guy?!

"Matagal ko na ring hinintay ang pagkakataong ito." Aniya. "Fan na fan mo ako. At...matagal na kitang gustong makita. Ang ganda mo pala talaga. Sobrang ganda and you're so damn sexy!" Dagdag nya pa. "You're always in my mind at gabi gabi mo akong hindi pinapatulog. Ano bang ginagawa mo sa akin? Am I being crazy for you?" Tanong pa nito.

Napalunok ako sa takot. Binuksan ko ang bag ko and I tried to look for my phone but when I'm about to call someone for help, he run towards me at hinawakan nya ako sa magkabila kong pulso.

"Bitiwan mo ako! Help! Help me!" I screamed.

And suddenly Zion came in the room at tinadyakan nya ng malakas ang lalaking naka hood. Natumba ito sa sahig at nagawa kong makawala sa mahigpit nitong pagkakahawak. Mabilis akong tumakbo papunta kay Zion and he hugged me tightly. I'm scared, really scared.

Tumayo mula sa pagkakatumba ang lalaking nakahood and he grabs my arm again at may tattoo akong nakita sa pulso nya and it's a roman numeral. Zion punched him pero nagulat ako nang mabilis na nakaganti ang lalaking iyon and Zion fell on the ground. Nagkaroon ng pagkakataon ang lalaking iyon na makalabas ng studio at mabilis na tumakbo.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon