Chapter 29

8.5K 435 44
                                    

WARNING: SPG

It's already eleven in the evening and Evan texted me to meet him at the pool area. Hindi ko na nagawang kainin ang hinandang hapunan sa akin ni Mommy pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Mrs. Montenegro.

Naglakad ako papuntang pool area at naabutan kong nakaupo sa lounger chair si Evan habang binibigyan ako ng matamis na ngiti. I smiled back just to make him feel that there's nothing wrong.

Umupo ako sa tabi nya. He kissed me on my right cheek. Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at binigyan ko sya ng matamis din na ngiti.

"Pwede bang tabi tayo matulog?" I asked him.

His smile became wide. "Of course! Gusto mo gabi gabi ka pang tumabi sa akin eh." Masayang sabi nya then he hugged me tightly.

"C-can we go to your room now? Malamig kasi dito sa pool at parang gusto ko ng magpahinga." Saad ko.

"Masusunod po mahal na prinsesa." He said then smiled. Binuhat nya ako na parang bagong kasal at dinala nya ako sa kaniyang silid.

When we finally inside his room, ibinaba nya ako sa kama. Napabuntong hininga ako. This might be the last night that we can sleep together. I need to spend this remaining night with him dahil hindi ako sigurado sa mangyayari bukas.

Evan laid his head on my legs at niyakap nya ang bewang ko. Inamoy nya ang tiyan ko at isinubsob ang mukha doon.

"Ang bango mo talaga hon." Aniya. I comb his hair using my fingers. Parang gusto kong maiyak. Parang hindi ko kayang mapalayo sa kanya. Hindi ko sya kayang saktan. Pero kung hindi ko susundin ang gusto ni Mrs. Montenegro, si Mommy at Dad ang malalagay sa alanganin at hindi ko iyon kakayanin.

I love him, but I love my parents too.

"Hon." Pagtawag ko sa kanya.

Umalis sya sa pagkakasubsob sa tiyan ko at tinitigan nya ako habang nakangiti.

"Yes hon?" Malambing nyang tanong.

"Paano kung mawala ako? Paano kung iwanan kita? Anong gagawin mo?" Tanong ko.

Bigla syang tumayo mula sa pagkakahiga sa mga hita ko. Nagdilim ang kaniyang paningin and he's madly staring at me.

"Why are you asking that?!" Galit nyang tanong. "It will never happen! Hindi ako papayag na iwan mo ako!" Matigas nyang sabi.

Binalot ako ng kaba. Nakakatakot talaga syang magalit. Hindi ko alam kung mapapatawad nya ba ako sa gagawin ko. Pero I have no choice, this is for my parents at para na rin ito sa aming dalawa. Ayokong itakwil sya ng magulang nya ng dahil sa akin if I would choose to tell him everything, ayoko syang masaktan pero I have no choice. Hindi ko kayang banggain ang magulang nya. Hindi ko kayang mawala sina Dad at Mommy dahil sila nalang ang natitira kong pamilya. Ayoko silang mawala. Ayoko.

"Na-natanong ko lang naman." Sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit. "Hon, always remember that I love you, I really do. Kung ano man ang nangyari sa atin sa nakaraan, nakalimutan ko na 'yon at pinapatawad na kita." Dagdag ko pa. Hindi ko na naiwasang mapaiyak.

Kinalas nya ang mga braso kong mahigpit na nakayakap sa kanya. "Why are you saying these things? May problema kaba hon? Is there something happened?" Usisa nya.

"No. Si-siguro nag-oover think lang ako masyado. Maybe I should lessen my hormonal pill dosage dahil na aapektuhan na yung emotion ko." Dahilan ko.

"Come here. You little emo girl." Aniya at niyakap nya ako ng mahigpit. "Don't think about that. Subukan mo lang akong iwan, hinding hindi kita mapapatawad." Pagbabanta nya. "Hindi ako papayag na iwan mo ako. At kapag ginawa mo yon, susuyurin ko ang kasulok-sulukan ng Pilipinas makita lang kita. At kapag nakita kita, hinding hindi kana makakawala. Magkamatayan na! Naiintindihan mo?!"

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon