"Hi guys! Welcome back to my channel! So today's video, ipa-prank ko ang mag-ama ko. They are at the beach and they are about to wash off in the shower dahil kanina pa sila nakakababad sa dagat. So my plan is, kunwari magagalit ako dahil maghahapon na hindi pa sila nakaka-pag lunch dahil kanina pa sila nakababad sa beach, kunwari magagalit ako dahil nag-skip sila ng lunch at kapag nasa shower area na sila, I'm going to do the shampoo prank! Let's see kung anong magiging reaksyon nila! Haha!" Pambungad ko sa bagong video na ia-upload ko sa aking Youtube Channel.
Inayos ko ang sarili ko. Binunaangot ko ang mukha ko to let them see that I'm angry because it's already two in the afternoon and they haven't taken their lunch yet. So dapat galingan ko sa pag-arte, hindi pa naman ako yun tipo ng tao na mabilis magalit.
Okay! I can do this.
Naglakad ako papunta sa beach at doon, naabutan kong naglalaro ang mag-ama ko sa dagat. Evan is wearing a shark fin on his head while our son, Vangel is trying to escape from him. Natawa ako nang maabutan ni Evan si Vangel at walang humpay nya itong kiniliti at kinagat-kagat sa leeg. Our son laughed so loud at kuhang kuha nya ang tawa ni Evan.
Manang mana sya sa ama nya, he has Evan's thick eyebrows, he has his brown eyes and his smile is same as his father. Parang sya talaga ang batang version ni Evan. There's no doubt that Vangel is his son. We named him Vangel because that's the combination of my name and Evan's name. Sobrang nahirapan lang talaga kami mag-isip ng pagalan kaya si Mommy ang nakaisip na pagsamahin ang pangalan namin ni Evan, that's why we came up with the name Vangel and I loved it! It really sounds unique.
Since I'm not a biological woman, I can't give birth kaya ang pagkakabuo kay Vangel ay mula sa tulong ng siyensya. He's not my child, he is Evan's child dahil naghanap kami ng babaeng pwedeng maging sorogate mother at ang nakuha namin ay si Carla na syang kasambahay nila Evan na naging malapit ko rin na kaibigan noong kasambahay pa nila ako.
But I'm planning to have my own baby too next year dahil nagpa-sperm cryopreservation ako bago pa man ako mag-undergo ng surgery dahil gusto ko rin naman na magkaroon ng sarili kong anak na mula sa sarili kong dugo at laman.Muli kong ibinalik sa mag-ama ko ang aking paningin. Sobrang sarap panuorin na ganito na kami kasaya ngayon. Pagkatapos ng pinagdaanan naming hirap at pagsubok, nakamit na rin namin ang saya at katahimikan. Naka-move on na ang lahat mula nang mangyari ang madugong kaganapan noong kasal namin ni Evan. Limang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari iyon at nagawa na naming magpatawad at makalimot. Alam ko, kung nasaan man si Mrs. Montenegro at si Nathan ngayon, they are now in peace. Hindi ko naman sila masisisi sa mga nagawa nila dahil alam kong nagmahal lang sila kaya nila nagawa iyon. Their love became obsession and that led them to do that thing.
"Hon!" Sigaw ko kay Evan. "Baby!" Pagbaling ko naman kay Vangel. Nakapamewang ako habang sinasamaan ko sila ng tingin.
Kailangan kong i-maintain ang galit ko. I can do this.
"Ohgod! Mommy's angry baby!" Namutla si Evan nang makita nya ang galit kong mukha at mabilis nyang kinarga ang anak namin pa-ahon sa dagat.
"Mommy? Are you mad?" Inosenteng tanong sa akin ni Vangel. "Sorry na Mommy. Please huwag kana po magalit." Pakiusap pa nito. Dyosko! Parang hindi ko na yata kakayanin pang magalit sa ganitong ka-cute na bata!
"Alam nyo ba kung anong oras na? It's already two in the afternoon and you haven't taken your lunch. Ayoko sa lahat yung nagpapagutom at nagii-skip ng meal." Pagtataray ko sa kanilang dalawa.
"Sorry hon. Ngayon lang kasi nakapunta sa dagat itong si baby. Hindi na namin namalayan ang oras." Evan apologized habang hinahamplos ang braso ko. He looked so stress habang nakatingin sa akin. Hindi sya sanay na nagagalit ako kaya ayan, para syang maamong tupa na balisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/183370211-288-k758701.jpg)
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel
Storie d'amoreTry to steal his Angel, you would definitely experience the hell. Highest Rank Achieved: #1 in Transgender story! ********* WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG THIS I...