Chapter 25

10.3K 471 76
                                    


Minulat ko ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang natutulog na si Evan sa upuan habang mahigpit nyang hawak ang kanang kamay ko.

I noticed that I'm not wearing that bikini anymore dahil naka hospital gown na ako.

Naramdaman ko ang paghapdi ng labi ko at pagsakit ng kanang pisngi ko. Biglang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari. Hinawakan ko ang pisngi ko gamit ang kaliwa kong kamay at may nakapa ako doon na wound patch pati na rin sa labi ko.

He accidentally punched me dahil sa sobrang galit nya kay Zion, nawala na sya sa sarili na kahit pati ako nasaktan nya. Tinanggal ko ang kamay nyang nakahawak sa kanang kamay ko. Bumangon ako sa kama at lumabas ako sa private room na yon. Pero bago pa man ako makalabas ng clinic, I saw Zion in the other room while his face is full of wounds and he is alone. Parang may kumirot sa puso ko seeing him on that situation. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok doon.

Umupo ako sa gilid ng kama nya. I hold his hands. Hindi ko na naiwasang mapaiyak dahil sa natamo nyang sugat sa mukha dahil kay Evan.

"I'm sorry." Umiiyak na sabi ko.

Bigla kong naramdaman ang paggalaw nya at mahigpit nyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Stop crying." Nahihirapang sabi nya sa akin.

"Ka-kamusta ang pakiradam mo?" Alalang tanong ko.

"I'm good. Malayo to sa bituka." Biro nya pa sabay ngisi. Napatawa ako dahil sa kabila nang dinanas nya nagagawa pa rin nyang mag biro.

"Sorry talaga. Dahil sa akin-dahil sa akin--"

"Shhhh. Tama na. Hindi ikaw ang may kasalanan. Hindi mo naman kasalanan na magkagusto sayo ang gagong yon. Now I realized how crazy he is, being inlove with you." Aniya. Napayuko ako at natahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You should leave their place. Umalis kana don Gel." Panghihikayat nya.

"I- I can't." Sagot ko.

"Why? Bakit hindi mo kayang umalis sa kanila? We're here to help you." Tanong nya.

"Ka-kasi...ku-kung hindi dahil kay Evan, baka wala na si Mommy ngayon. S-sya ang tumulong sa akin sa pagpapagamot kay Mommy and I owe him for that." Pagtatapat ko.

Napabuntong hininga sya. "Magkano ba ang tulong na binigay nya? I will ask my parents to give that money back para makaalis kana sa kanila."

"Ha-half a million." Sagot ko.

"That's a huge amount of money, but I'll try to talk to my parents. Gagawin ko ang lahat para makaalis kana sa kanila." Determinado nyang sabi.

"Hi-hindi mo na kailangang gawin yon. Okay na ako sa kanila. Maayos na ang pakikitungo sa akin ni Evan, hindi na sya tulad ng dati." Paliwanag ko.

"Look at your face. Sinuntok ka nya. Nagawa ka nyang saktan. I'm pretty sure that he can also do that sa iba pang pagkakataon." Aniya.

"Aksidente lang ang nangyari. Hindi nya yon sinasadya."

Bigla nyang binitawan ang kamay ko at mariin nya akong tinitigan. "Bakit parang pinagtatanggol mo ang lalaking yon? Dati halos umiyak kana dahil sa kung paano ka nya tratuhin tapos ngayon ayaw mo ng umalis sa kanila at pinagtatanggol mo pa sya." Kunot noong usisa nya.

Bakit nga ba?
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko.
Parang nawala na ang interest ko na umalis sa puder nila Evan. Hindi ko alam. Anong nangyayari sa akin?

"Tumatanaw lang ako ng utang na loob. Nagbago na sya Zion, hindi na sya tulad noon." Dahilan ko.

"Nagbago? Kung nagbago sya bakit hindi ka pa rin nya hinahayaang lumapit sa akin? Baka nagbago sya dahil nagtapat na sya sayo ng nararamdaman nya. He likes you Gel, or should I say, he's inlove with you. At naalala mo pa ba yung sinabi nya na sa kanya ka lang daw? You're not a thing to be a possession." Napalunok ako. I remain silent. "Gusto mo na rin ba sya kaya ayaw mo ng umalis sa kanila?" Biglang bumaba ang tono ng boses nya.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon