Chapter 40

9K 476 141
                                    







Mahigit isang buwan na rin ang lumipas mula ng pumunta ako sa mansyon ng mga Salvatore sa Batangas. At ngayon, masasabi kong unti-unti ko ng natatanggap ang lahat. Although nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari, but I'm trying my best to get use to it.

Hindi naging madali sa akin ang lumipas na isang buwan dahil sa pangungulit sa akin ni Evan. He tried his best to talk to me or to get me back, he even cried while talking to me on the phone and that really broke my heart. Pero paulit-ulit ko lang syang sinasagot ng hindi at ayoko na. Dahil kami lang din naman ang masasaktan kung ipagpipilitan namin ang gusto nya at maraming tao rin ang tututol at masasaktan, including his child.

Evan tried to do the paternity test last week just to know if he was really the father of the baby in Natalie's womb. Sobra akong nagulat sa ginawa nya dahil nilagay nya sa bingit ng kapahamakan ang mag-ina nya. Paternity test usually do kapag napanganak na ang bata pero sinabi nya na pwede na raw iyong magawa kapag six o seven months old na ang baby sa sinapupunan ayon sa ekspertong doktor na nakausap nya but it was very risky! Kaya nagalit talaga ako sa kanya dahil sa kagustuhan nyang magkabalikan kami, pati mag-ina nya ay inilagay nya sa panganib at sobra syang nanlumo nang malaman nyang sya talaga ang ama ng bata.

I was hurt as well, but we can't do anything about it. That's a God's gift kaya kahit ano pang gawin ni Evan. Hindi ko na sya babalikan. Ayoko na. Tama na siguro ang mga nangyari noong nasa mansyon ako ng mga Salvatore. Hinding hindi ko iyon makakalimutan dahil unang beses kong nanakit ng babae and that made Natalie's life in danger at ayoko ng maulit pa iyon.

Walang sampahan ng kaso ang naganap. Tahimik lang ang panig ng mga Salvatore, ng mga Montenegro at kahit ako hindi ko na nagawang mag-sampa ng kaso laban sa kanila. Dahil tulad nga ng sinabi ni Natalie, they are powerful and Evan's family is the most powerful among them so I have no choice but to stay quiet sa mga nangyari. Siguro aral nalang yung mga nangyaring iyon sa akin na dapat hindi na ako agad magtiwala sa isang tao kahit na pinakitaan pa ako ng mabuti ay dapat maging maingat pa rin ako.

Hindi ko nalang rin sinabi kay Mommy ang mga nangyari dahil alam kong mag-aalala lang sila ni Dad. Sinarili ko nalang iyon at umuwi ako ng Maynila ng mag-asa ng gabing isugod namin si Natalie sa ospital.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang puting kisame sa loob ng aking silid. But my atensyon went to the door nang may marinig akong yabag. At natakip ako sa dibdib ko nang makita kong nakatayo doon si Franco habang pinagmamasdan ako.

I don't have bra, I'm only wearing a loose sando and panty. Mabilis kong hinila ang kumot at itinakip ko iyon sa katawan ko.

"Franco? What are you doing in my room? Hindi ka man lang kumatok?!" Napataas ang boses ko sa labis na gulat. I know he's well educated and have manners so why sid he enter my room without even knocking at the door?

"So-sorry po Ms Angel. Ka-kasi gu-gusto ko lang po kayo makausap." Sagot nya at hindi nya pa rin inalis ang pagkakatitig sa katawan ko.

"Not in my room Franco. I'll talk to you in the living room. Let me dress first. Please, lumabas kana." Saad ko.

"So-sorry po." At kasabay non ang mabilis nyang paglabas ng silid ko.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko inasahan na gagawin sa akin ni Franco iyon. There's something in him na sobrang weird. Tumayo ako mula sa kama at mabilis akong nag-bra at nagsuot ng pajama para makausap sya sa baba. Hindi ko alam kung anong gusto nyang pag-usapan, pero mukhang importante dahil pinuntahan nya pa ako sa kwarto ko para lang doon.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon