Chapter 35

9K 551 113
                                    

Hi guys! Thank you sa support! HAPPY 90k READS! Road to 100k na po tayo! Sana huwag kayong magsasawang mag-VOTE at mag-COMMENT dahil iyon po ang motivation ko sa pag-uupdate dahil sa vote at comment nyo ginaganahan akong magsulat at dun ko rin nararamdaman na may nakaka-appreciate sa story ko, kaya patuloy lang po kayong sumuporta kahit na may mga grammar errors at typos huwag sana kayong magsawamg sumuporta! Thank you guys! I love you all! Mwah! 😘




*****


"Here sweetie, yan na ang lahat ng dokumentong ipinasa sa akin ni Franco." Mommy said after putting those papers on the table here in the sala.

"Thanks Mommy." Pasasalamat ko. Isa-isa kong sinuri ang mga papeles ni Franco and I checked the background of his agency and everything is legit.

Nakahinga ako ng maluwag dahil totoo naman pala ang lahat ng dokumentong pinasa ni Franco. Sunod kong hinanap sa internet gamit ang laptop ang design ng tattoo ni Franco sa pulso, he mentioned that it's their frat identity kaya naman naubos ang mahigit kalahating oras ko kakahanap noon sa internet but I found nothing.

Marahil hindi nila iyon isinasapubliko kaya walang lumalabas sa internet. Pero hindi pa rin ako matahimik, kaya sinubukan kong hanapin ang University na pinagtapusan nya and I tried to look for those fraternity in that university and my eyes expanded when I found out that he is saying the truth. I saw a website blog kung saan naroroon ang mga impormasyon tungkol sa frant ni Franco sa unibersidad na pinasukan nya. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na simpleng frat lang pala ang kinabibilangan nya. Pero natatakot pa rin ako hanggang ngayon dahil ibig sabihin lang non, isa sa mga kamiyembro ni Franco ang nagtangka sa akin noon at nanatili itong malaya.

"Sweetie." Napahawak ako sa dibdib ko sa labis na gulat sa biglaang pagdating ni Mommy. "What? Bakit gulat na gulat ka?" Tanong nya.

"Wa-wala Mommy, may pinapanuod kasi akong horror dito sa laptop ko. Nagulat lang ako. Haha." Dahilan ko sabay tawa.

"Naku, ikaw talaga sweetie. Itigil mo na yan, magiging nerbyosa ka nyan eh." Natatawang bilin nya.

"Opo Mommy. Hindi ko na tatapusin." Pag sang ayon ko kunwari.

"Oo nga pala sweetie here, may dumating na invitation para sayo." Ani Mommy sabay abot ng invitation na nasa loob ng maliit na gold na envelope. Inabot ko agad iyon at binuksan.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong imbistasyon ito sa kaarawan ng Presidente ng Pilipinas. Nakasulat doon na iniimbitahan nya ako sa kaarawan nya dahil tagahanga ko raw ang bunso nyang anak na babae. Ini-idilo raw ako nito at nais nito akong makita ng personal sa kaarawan nya. He wants me to go to his birthday celebration as my gift for him. Iyon nalang daw ang regalo ko sa kanya sa darating nyang kaarawan- ang pagdalo ko sa kaarawan nya. I smiled because of happiness.

Hindi ako makapaniwala na iimbintahan ako ng presidente sa kaarawan nya, nakakataba ng puso and I'm sure, a lot of politicians and businessmen will be there as well kaya kailangan kong paghandaan ang selebrasyong iyon dahil maaring makakuha ako ng mga investor sa make up line ko and that will help my business to grow more.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ang kaibigan kong si Sam na ngayon ay kilala ng designer, I want him to design the gown that I'll be wearing in the party. Gusto kong mangibabaw sa mga babaeng dadalo sa kaarawan ng Presidente, I want to get their attention because the more people notice me, the more chances I have to get them as my investors in my business.

I may sound desperate in growing my business but I have to do this, dito nakasalalay ang buhay namin ni Mommy at ang pagkakataon kong angatan ang mga Montenegro. Kahit kaunting porsyento nalang ang chance ko na bumalik sa akin si Evan, hindi pa rin ako titigil. Kahit minsan nawawalan na ako ng pag-asa, I still need to think that there's still a hope for us.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon