"Gaano na katagal ang relasyon nyo?" Tanong sa akin ni Mommy habang nagi-impake kami ng gamit.
"O-one week palang po." Sagot ko.
"Why didn't you tell me?" She asked again.
"Sorry po Mommy. Gu-gusto ko po kasing isikreto ang relasyon namin. Sorry po if I didn't tell you and asked for your approval to have a relationship with Evan. Sorry po." Paumanhin ko.
Hinawakan ako ni Mommy sa magkabila kong balikan. "Naiindintihan ko naman sweetie. But always remember that I'm your Mom, you can tell me everything. I'm not going to judge you or stop you for being happy, ang sa akin lang naman just tell what's going on kasi lagi akong nandito para sayo at tanggap kita kahit ano kapa. Kaya don't be scared to share and tell me what's going on okay?" Tumango ako bilang tugon at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Sorry Mommy. Sorry po talaga." Umiiyak kong sabi.
"It's okay sweetie. I know you love that boy. Sobrang hirap ng ginawa mo, choosing your parents over the person you love is a tough decision. Pero kung kayo talaga ni Evan ang para sa isa't isa, destiny will find a way to let you meet each other again, and be together again." Aniya.
"Sana nga. Kung magkikita man kami. Sana mapatawad nya ako. I'm doing this for us and for him. Sana...sana maintindiha nya."
Makalipas ang kalahating minutong pagiimpake, natapos na rin kami ni Mommy. It's already three in the morning at madilim pa sa labas.
"Mommy. Gusto ko lang pong puntahan si Evan sa kwarto nya." Paalam ko.
"Go ahead sweetie. Bumalik ka agad, ilang minuto nalang baka gumising na si Manang Fely." Saad nya kaya naman nagmadali akong pumunta sa silid ni Evan.
Pagpasok ko doon, I saw him sleeping peacefully. Sobrang himbing ng tulog nya. Muli akong napaiyak dahil ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko sya. Humiga ako sa tabi nya and I hugged him tightly.
"I love you hon." Bulong ko sa kanya then I kissed him on his forehead.
Bumangon ako sa kama. Iniwan ko ang ginawa kong vase noong nasa shop kami ni Tatang Harry sa study table nya at dinala ko ang ginawa nyang vase. I kissed him for the last time on his lips.
"Bye hon. See you soon." Paalam ko at lumabas na ako ng silid nya. Hindi na tumigil ang luha ko sa pagpatak. Sobrang sakit, ngayon ko lang naramdaman yung sakit na iiwan ko na sya na hindi ka na sya makikita pa. Parang hindi ko kaya, pero kailangan kong kayanin.
Nang palabas na kami ni Mommy nang gate ng mansyon ng mga Montenegro, naharang kami ni Kuyang guard at hindi kami nito pinayagang lumabas.
"Kuya please. Kailangan na naming umalis." Pakiusap ko dito.
"Bakit ba kayo aalis? Lumayas kana dati Angel ng hindi nagpapaalam. Tapos ngayon lalayas ka ulet at kasama mo pa si Ms. Angelica." Aniya.
"Wala na kaming panahon. We need to leave now so please, let us go." Pakiusap naman ni Mommy.
Hindi nakinig si Kuyang guard sa pakiusap namin, instead of letting us leave this mansion he get his phone in his pocket and called Mrs. Montenegro. At makalipas ang ilang sandali, dumating na nga si Mrs. Montenegro dito sa gate habang nakasuot sya ng pulang silk na nightdress
"So you already chose your parents. That's a very good decision dear." Natutuwang sabi nya sabay palakpak.
"Tulad ka pa rin talaga ng dati Victoria, you hate seeing people being happy because they're in love. I pity you. You never experienced how to be loved. You never experienced how love feels like because you are always using your power and your money to make things happen according to your wants." Matigas na sabi ni Mommy dito. Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig nya. I can't believe that Mommy can say those things to Mrs. Montenegro.
![](https://img.wattpad.com/cover/183370211-288-k758701.jpg)
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel
RomanceTry to steal his Angel, you would definitely experience the hell. Highest Rank Achieved: #1 in Transgender story! ********* WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG THIS I...