Chapter 18

12.6K 513 41
                                    


Napatakip ako sa bibig ko nang biglang itulak ni Evan si Nathan. Nasubsob si Nathan sa sahig at napadaing ako nang mahigpit nya akong hinawakan sa kaliwang braso ko at pwersahan nya akong kinaladkad palayo.

Sobrang bilis nyang maglakad at namimilipit na ako sa sakit ng pagkakahawak nya sa braso ko pati na rin sa paghatak na ginagawa nya sa akin. Hindi nya alintana ang mga matang nakamasid sa amin. Wala syang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng lahat ng estudyante dito.

Pero napahinto kami sa paglalakad nang nay humarang sa amin na isang pamilyar na babae.

"Babe! I've been looking for you! Bakit hindi kana sumasagot sa mga text, tawag at chats ko." Galit na sabi ng babae kay Evan. Pilit kong inaalala kung saan ko sya nakita at bigla kong natandaan na sya yung babaeng kasama ni Evan doon sa pool area sa mansyon na gumagawa ng milagro.

"I'm done with you. Isn't it obvious?!" Singhal ni Evan dito.

"What?! You can't do this to me! I gave everything to you! Kahit yung pagkababae ko I gave it to you! How could you say that!" Bulyaw sa kaniya ng babae.

Evan rolled his eyes at nabigla ako nang itinulak nya ang babaeng iyon na ikinatumba nito. "You're blocking my way bitch." Galit nyang sabi at muli nya akong kinaladkad.

I can't believe na talagang kaya nyang manakit ng babae! He's indeed a devil! Ang sama sama nya! Lalo tuloy akong natakot sa kanya dahil kung kaya nya yung gawin sa babae, what more pa kaya sa bading na gaya ko.

Pagdating namin sa parking lot, pwersahan nya akong ipinasok sa loob ng kotse nya. Halos lamunin na ako ng labis na kaba. Kitang kita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

Pagpasok nya sa loob ay agad nyang hinarurot ang sasakyan palabas ng Malaya University.

"Ho-hon." Pagtawag ko sa kanya.

Tinignan nya ako ng masama at muli nyang ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

"Kaya pala gustong gusto mong sumali sa parada na yon! May free hugs! Magaling!" Galit nyang sabi.

"Hindi ko naman alam na may ganon. Biglaan lang iyon." Dahilan ko.

"Biglaan? Anong tingin mo sa akin? Tanga?! Every event na ginagawa ng mga estudyante sa Malaya pinagpaplanuhan. And that free hugs is on the plan! At simula palang alam mo na, na may ganyan tapos tumuloy ka pa rin!" Bulyaw nya sa akin. Kita ko ang paglabas ng ugat sa leeg nya sa labis na galit.

"Hindi ko alam. Biglaan lang yon. Kahit itanong mo pa sa kasama kong pumarada. They didn't even know about the free hugs." Paliwanag ko. "At kung alam kong may free hugs edi hindi na sana kita pipilitin na sumali ako doon dahil alam kong magagalit ka. You know that I don't want you to get mad at me. Alam mong takot ako sayo, and I will not make something na ikagagalit mo." Dagdag ko pa.

Bigla nyang inihinto ang sasakyan. Tumitig sya ng sobrang seryoso sa akin. Para syang natauhan sa mga sinabi ko.

Bumuntong hininga sya at unti-unting naging maaliwalas ang mukha nya.

"Okay. I'm sorry. Nadala lang ako ng galit ko. I believed you." Mababang tonong sabi nya.

Yung mabigat kong pakiramdam ay unti-unting gumaan. Nawala na yung kaba sa dibdib ko.

Tinaggal nya ang seatbelt nya at umurong sya palapit sa akin. He slowly touching my face. "I don't want other guys to touch you, to hug you, because you're mine. Sa akin ka lang." Aniya at unti-unti nyang inilapit ang mukha ya sa mukha ko. Napa-atras ako at nang dumukit na ang likod ko sa salamin ng bintana ng sasakyan, naramdaman ko nalang angmainit nyang mga labi sa labi ko.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon