Chapter 22

10.5K 499 79
                                    

WARNING: SPG

Saturday came at punong puno ng mga bisita ang mansyon, ginanap ang engrandeng selebrasyon ng kaarawan ni Mrs.Montenegro sa event place sa likod nito. Sobrang lawak at laki, parang isang sports area sa laki ang venue at ang huling pasok ko dito ay noong kaarawan pa ni Mayor. Dito sa event place na'to madalas nilang idaos ang mga selebrasyon ng kanilang pamilya, they chose their place instead of celebrating events outside para daw sa safety at para na rin maipakita nila sa kanilang bisita na ang pamilya nila ang pinaka mayaman sa buong bansa.

Maraming kilalang personalidad at mga pulitiko ang dumalo sa kaarawan ng may bahay ni Mayor at talagang naiilang ako dahil may mga taong tumitingin sa akin ngayon dahil pinagsuot kami ng maid's uniform na bistida at may ka-partner pa itong mahabang medyas at headband na lace. I see myself as an anime maid na parang nakapang-cosplay and we really don't have any idea why they asked us to wear this kind of uniform even there's a catering personnel na mag-aassist sa mga bisita.

Napatingin ako kay Mommy at halata ang pagka-ilang nya sa suot nyang maid's uniform.

"Mommy, kakausapin ko si Mayor at si Mrs. Montenegro. Mukhang pagod ka na. Magpahinga ka na. Ako na pong bahala dito." Aniko.

"No sweetie, okay lang si Mommy." Aniya at ngumiti pa sya sa akin ng pilit.

I hold her hand "Mommy your not okay. Alam kong naiilang ka sa suot mo ngayon." Pagtatapat ko. Kita ko kung paano biglang lumungkot ang kaniyang mga mata. At pansin ko na pinagtitinginan na kaming dalawa.

"Diba sila yung mag-ina ni Engineer Alonzo? What happened to them?" Rinig naming tanong ng babaeng nakakulay na dilaw na gown sa kasama nitong lalaki.

"I heard na kasambahay na sila ngayon ng mga Montenegro." Sagot naman ng lalaki dito.

"Oh, karma came to their family." Komento nito sabay tawa.

Hindi lang iyon ang mga usapang narinig namin mula sa mga bisita. At alam kong sobrang apektado si Mommy sa mga sinasabi nila. Kaya naman nagtungo ako sa kinaroronan ni Mrs. Montenegro at buong tapang ko syang kinausap kahit na alam kong busy sya.

"Mrs. Montenegro, pwede ko po ba kayong makausap?" Tanong ko. Punong puno ng kaba ang dibdib ko. Yung babaeng kausap nya ay napatingin din sa akin sa biglaan kong pag-putol ng kanilang pag-uusap.

"Did your parents teach you some good manners?" Taas kilay na tanong ni Mrs. Montenegro sa akin. Napalunok ako. Biglang nanginig ang tuhod ko.

"So-sorry po. Gu-gusto ko lang pong ipagpaalam si Mommy. She's not feeling well po. Ipagpapaalam ko lang po sana kung pwede na po ba syang magpahinga?"

Biglang dumilim ang kaniyang mukha.
"Please excuse me, I need to talk to this kid." Paalam ni Mrs. Montenegro sa kausap nyang babae.

Hinila ako ni Mrs. Montenegro sa lugar na walang tao. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko.

"Ang tapang no ding bata ka! You interrupted my conversation with Senator Ocampo. At para ano? To let me know that your Mom is tired of doing your job?" Tinawanan nya ako ng patuya. Then she continued. "Try to ruin my day again, sinisigurado ko sayo na sa lansanggan ang bagsak nyong mag-ina." Banta nya.

"I'm sorry po." Nakayukong paumanhin ko.

"That dress fits you and your Mom well. That's where you and her belong, inside that maid's uniform. Pathetic." Aniya at inawan nya na akong nag-iisa.

Ramdam ko ang pang-gigilid ng mga luha ko. Her words is painful than what she did with my arm.

Bagsak ang balikat akong bumalik sa kinaroroonan ni Mommy, pero bago pa man ako makarating sa kinaroronan nya- a group of girl blocked my way.

The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon