11.The Start

4.3K 77 0
                                    


Alex POV

Nakakainis naman sya nag sorry na nga ako eh ano pa bang gusto nya hindi ko naman talaga alam na ganun yung mangyayare ang inisip ko lang na mas lalo ko syang makakasama pag bumagsak ako. Nakakainis talaga.

"Hey babe whats wrong?"

Nagulat ako ng may bumulong sa tenga ko. Nakalimutan kong nasa bar pala ako at may kalampungang lalaki. Yung sungit kase na Yun. Akala mo galit sa mundo.

"Sorry what is it again?"

Malandi kong sabi sa kanya.

Isa pang nakakainis ay ang mga kaibigan Kong wala. Kung kailan Naman  kailangan sila tyaka sila missing in action.

"I said want to come my place? Let's have some fun."

"Oh sure lets go"

Pasakay na ko ng kotse nya ng may napansin akong pamilyar na babae.

"Sorry. Na wala na ko sa mood. Maybe next time"

"What? Hey wait!"

Galit na sigaw nya pero hindi kona sya pinansin at lumapit sa babae. I knew it. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako ngayon.

"Hey you okay?"

Naningkit ang mata nya at tinitigan akong mabuti.

"What are you doing here?"

Lasing na sabi nito.

"Give me your keys I drive you home"

"You think I easily give you my kiss? 'Hik' no way. I only give it to my love"

Natawa naman ako sa kanya. Mukhang ibang keys ang tinutukoy nya.

"Haha. Gaga. I mean keys as in susi ng kotse mo"

"At bakit ko naman ibibigay sayo to aber?"

Lasing na talaga sya.

"Wag ka ng makulit akin na."

Inalalayan ko din sya sa pagsakay ng kotse. Sa buong byahe daldal lang sya ng daldal kung ano anong sinasabi.

"Aish ang init"

"H-hoy teka anong gagawin mo? Wag ka ngang maghubad."

"Ano bang pake mo. Sino ka ba?"

Inirapan ko na Lang sya. Ang hirap talaga nitong malasing.

"Hoy sino kaba tyaka bakit parang pamilyar ka.? Magkakilala ba tayo?"

"Tss. Pwede ba umayos ka nga nag dadrive ako. And yes you know me. Im your student. Im alex umayos ka nga ng upo"

Singhal ko dito Ng ilapit nya ang mukha nya na tila kinikilala ako.

"Alex?"

"Yup. Beautiful alex"

"'Hik' alam mo. May kilala din akong alex. Matigas ang ulo, mayabang, hindi matalino"

"Ouch ah. Pwede bang tamad lang"

"Tama pano mo nalamang tamad yun?"

"Grabe ka naman manglait."

Inalalayan kona sya papasok ng bahay nya.

"Aish ang bigat mo"

Sinipa ko ang pinto at nilock. Dahan dahan kaming umakyat ng hagdan. "Alam mo parang kaamoy mo sya"

"Pwede ba, sungit, pag tayo nahulog ah"

Singhal ko dito ng bigla nyang hinila ang leeg ko para singhutin.

"Bakit pati amoy pareho kayo. Siguro mayaman ka din. Kase si alex mayaman yun eh"

"Ahh shit. ang bigat mo"

Nag unat ako pagkatapos ko syang ihiga sa kama.

"Ano ba kaseng naisipan mo at nag lasing ka? Teacher ka pa man din"

"Bakit pati boses pareho kayo. Idol mo siguro sya. 'Hik' haha ako kase galit sa kanya"

"Bakit naman?"

Para akong baliw na kinakausap ang isang lasing.

Lumuhod ako para tanggalin ang sandals nito. Ngayon ko lang napansin ang suot nito at hindi ko maintindihan pero ang seksi nya sa soot nya.

"Nakakainis kase sya kase ang sungit nya. Ang hirap turuan. Mayabang."

"Yeah yeah. Whatever"

"Tapos maganda. Mabango pa"

"I know"

"Pero naiinis ako sa kanya"

Tumayo ako at hinubad ang sandals ko at kumuha ng basin at towel sa cr nya.

"Bakit naman? Mabait naman ata sya"

"Nakakainis sya kase sinasaktan nya ko"

"Huh?"

"Nakakainis sya. Porket alam nyang gusto ko sya. Porket alam nyang may nararamdaman ako sa kanya sinasaktan na nya ko"

"Napailing na lang ako. For sure bukas wala na tong maihaharap na mukha sakin dahil sa hiya.

"Naiinis ako sa kanya"

"Oo na. Daming sinasabi."

Lumapit ako sa kanya ng marinig ko syang umiiyak

"Uy sunget. Bakit ka umiiyak?"

"Nakakainis ka. Nasasaktan na ko pero wala ka paring pakialam. Wala naman akong pake kung matanggal ako sa trabaho ko pero ang nakakainis dahil sayo kaya magkakahiwalay na tayo."

"S-sunget"

"I hate you"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko lasing lang sya kaya nya nasasabi to pero alam ko ding totoo ang nararamdaman nya sakin.

"Ang sakit sakit kase feeling ko pinaglalaruan mo lang ako feeling ko niloloko mo lang ako."

"Hoy. Wait"

Nataranta ako ng humangon sya at tila susuka kaya naman agad na inalalayan ko sya papasok ng cr at hinayaan ko syang sumuka.

"Okay ka na ba?"

Hindi nya ko sinagot at umiyak ulit.

"I hate you. I hate you kase hindi ko paring maiwasang magalit s kabila ng nangyare. nakakainis ka kase gusto parin kita."

Napatawa na lang ako. Pambihira. napaka isip bata mo pala.

"Halika na. You need a rest. For sure bukas magsusunget ka na naman."

Inalalayan ko na sya at inihiga sa kama. Pinunasan ko sya ng basang tuwalya.

Ibang iba sya pag lasing haha. Nang mapansin kong tila mahimbing na syang natutulog. Naisipan ko ng iligpit ang palanggana at kinumutan sya.

"Sleep well"

Tumayo na ko para umalis pero isang kamay ang pumigil sa braso ko.

"Dont leave. Please"

Kinapitan ko ang kamay nya at umupo din sa tabi nya. Mukhang nahimasmasan na sya kahit papano. I smile at her at inalis ang munting buhok sa pisngi nya.

"You need to rest. Masyado kang maraming nainom, kaya magpahinga kana."

"Please. I dont want to loose you"

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi nya.

"Magpahinga kana. Sige mamaya na lang ako aalis. Humiga kana"

Hindi nya pinansin ang sinabi ko but instead she kissed me na kinagulat ko ng sobra. Humiwalay na sya pero tulala parin ako.

"I love you alex. I really love you"

Hindi pa ko nakakabawi sa nangyare Ng halikan nya ulit ako. This is not the first time na nag kiss kami pero iba parin ang epekto sakin. Then I found myself kissing her back.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon