91.Farewell

2.1K 46 0
                                    

Alex POV

'Calling Doctor Roque, please proceed to the Operating room.'

mukhang busy Ang lahat Ng Tao ngayon ah. well, lagi nga palang busy sa hospital.

lumapit ako sa information desk at ngumiti sa nurse.

"hi beautiful lady. how may I help you?"

nag papa cute na tanong Ng Isang lalaking nurse. tss. play boy.

nginitian ko Lang sya at pinigilan Ang sarili Kong tarayan sya.

"thanks for the compliment, well im looking for nurse Jenny, ahm, sorry I can't remember her surname"

"ah. si nurse Jenny po. nasa pediatric department po sya. sa 3rd floor."

"oh thanks."

kinindatan ko sya at umalis na.

"wow. Ang ganda nya talaga"

narinig ko pang Sabi nito na nag pairap sakin. saksakan ko Kaya sya Ng syringe.

sumakay na ko Ng elevator at tinungo ang pediatric department.

Kung ganon sa mga Bata pala sya naka assign. usually kase sa labas kami Ng hospital nag kikita. never Naman naming napag usapan ang tungkol sa buhay nya.

napangiti ako Ng Makita sya. abala sya sa pag babasa Ng Isang story book sa mga batang may Ibat ibang health concerns.

mahilig pala sya sa mga Bata.

"okay kids. that's enough for the meantime. kailangan nyo munang bumalik sa mga Ward nyo. kailangan nyo pang uminom Ng gamot"

nakangiti nyang Sabi sa mga Bata at tinabi ang libro.

"ano ba yan. Ang bilis Naman"

reklamo Ng Isang batang lalaki

"oo nga po. tapusin nyo na po muna Yung story"

naka pout na Sabi Ng Isang batang babae. sinundan pa Ng ilang please Ng ilang bata pero lumapit na Rin Ang ibang nurse at ilang magulang at inakay na ang mga Bata.

gumilid ako at binati Ang mga magulang at nurse na lumabas Ng kwarto.

sinilip ko ang kwarto at nakita syang nag liligpit.

"so this is your real job"

"ay butiki!"

"Ang ganda ko namang butiki"

"anong ginagawa mo dito?"

umupo ako sa isang maliit na upuan. Isa Isa nyang nililigpit Ang ilang laruan at nilalagay sa basket.

"Wala ka bang balak tulungan ako?"

nakataas Ang kilay na tanong nya.

"Kaya mo na yan. for sure matagal mo Ng trabaho Yan."

"tss. ibang klase ka talaga"

pinanood ko Lang sya habang unti unti ng natatapos Ang pag liligpit nya.

"so bakit ka nga nandito? para panoorin ako?"

"duh. Hindi ka Naman artista."

"abat"

"just kidding. I just want to give my farewell"

casual Kong Sabi na mukhang ikinagulat nya.

"ah. may business trip? naks. out of town?"

pang aasar nya sakin. pero inirapan ko Lang sya. Ewan ko pero pag dating sa kanya, lumalabas Ang pagka mataray ko.

"duh. as if namang mag aabala pa Kong puntahan ka para Lang sabihing may business trip ako"

"bakit ba Ang sungit mo? may regla kaba?"

"you know what, yang bibig mo Puro kababuyan Ang lumalabas"

"hoy. be open minded. for sure may regla ka nga"

napairap na Lang ako sa ngiti nya.

"seriously, I need to say goodbye, well Hindi ko Alam Kung bakit kelangan ko pang mag paalam sayo."

"eh saan kaba kase pupunta"

"I'm going to New York"

napahinto sya at nagulat sa sinabi ko. sumeryoso Ang mukha nya Kaya napaiwas na Lang ako Ng tingin.

"kelan Ang Alis mo?"

"mamaya. dumaan Lang talaga ko para mag paalam."

nabalot Ng katahimikan ang kwarto. mukhang nagulat talaga sya sa sinabi ko.

"Wala ka bang sasabihin?"

kunwari ay iritable Kong tanong para mawala ang awkwardness

"k-kelan ka babalik?"

"I don't know. kailangan Kong gawin to para sa sarili ko. Hindi na kase ako masaya, parang may Mali. parang may kulang Kaya kailangan ko muna sigurong hanapin Ang sarili ko"

"Kung ganun, mag iingat ka."

tumayo sya at nakabuka Ang kamay sa harap ko na tila nag hihintay na yakapin ko sya.

napataas Ang kilay ko sa sinabi nya

"pag katapos Ng mga sinabi ko, Yan Lang sasabihin mo?"

"what? anong akala mo, pipigilan Kita? iiyak ako? nako. asa ka."
inirapan ko sya pero tumayo na Rin ako at niyakap sya.

"wag mong bilisan mag hanap ha. Hindi Kita mamimiss"

"bwisit ka talaga"

at nag tawanan kami.

may ilang oras pa bago ang flight ko Kaya Naman naisipan muna naming pumunta sa isang coffee shop at sabay na kumain. for sure pagagalitan sya dahil tumakas Lang sya pero ayos Lang daw sa kanya dahil last na daw tong mangyayare dahil mawawala na ko.

napaka sama talaga ng babaeng to.

sobrang saya ko dahil nakilala ko sya. bumabalik Ang dating alex tuwing kasama ko sya. sobrang komportable nyang kasama at tingin ko sya na talaga Ang best friend ko. mamimiss ko din talaga tong bruhang to.

muli akong napatingin sa entrance Ng airport. umaasa na makikita ko sya at pipigilan nya ko may bahagi din sa puso ko na natatakot Kung sakaling Makita ko sya dahil Alam ko, matanaw ko palang sya, Hindi Kona gugustuhing umalis. Alam ko kapag nakita ko sya at nayakap babalik na Naman ako sa dati. mag papakatanga at masasaktan.

malungkot na napangiti ako Ng muling marinig ang pag tawag sa flight number namin.

siguro nga ito tlaga Ang nakatadhana.

umupo na ako sa upuang naka assign sakin at pumikit.

Kaya Moto Alex. kakayanin mo din to.

sayang Lang at Hindi man Lang ako nakapag paalam sayo. masaya na Rin ako dahil kahit sa huling pag kakataon nag kausap na kami ni Drake. masaya ako na naging maayos na kami, Alam ko, naiintindihan nya ko.

farewell guys.

thanks for everything.

aish. Ang emo. makatulog na nga Lang.

kinuha ko ang headset ko at pumikit na.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon