30.First Meet

3.1K 63 0
                                    


Sarah POV

........

Flashback

"aray!"

Agad na napalingon ako sa isang babae. Isa isa nyang dinadampot ang mga gamit nya at parang umiiyak.

"Ah panget hahahaha"

Kantiyaw sa kanya Ng mga Bata na lalong nag pa iyak sa kanya.

"hindi ako panget! Waaahhhh"

At tuluyan na syang umatungal ng iyak na lalong kinatawa ng mga batang lalaki.

"Hoy, kayo bakit kayo nag papaiyak ng babae? Sapakin ko kaya kayo!"

Hindi nila ko pinansin at mabilis na tumakbo lang ang mga ito paalis. Bahagyang lumuhod ako para pulutin ang mga gamit nya.

"Ito oh."

Palihim na natawa ako sa ayos nya, mahaba ang buhok na medyo gulo, halos dumikit na ang makapal na bangs nya sa noo nya sa pawis at luha nya, medyo may sipon din na nakalabas sa ilong nya.

"aawayin mo din ba ko?" Humihikbing sabi nya. Ngumiti ako sa kanya at tinap sya sa ulo nya.

"gusto mo ng ice cream?"

Nahihiyang tumango sya at inalalayan ko syang tumayo

..........

That is the first time when I met her. She was 9 years old that time while im 12. Nasa first year high school ako habang sya grade 3. Hindi ko malilimutan ang araw na yun dahil dun ko napatunayan kung ano ako, kung ano ang gusto ko at kung sino ito.

Sobrang confused ako sa pagkatao ko dati dahil gusto ko ang gamit pang babae pero hindi ko gusto ang kahit na anong koneksyon sa lalaki. Kinikilig ako pag may nakikita akong babae na sa tingin ko crush kona pero nung nakita ko syang umiiyak at nasasaktan pakiramdam ko dapat ko syang ingatan. Feeling ko dapat ko syang alagaan. Maybe ang corny pakinggan pero yun talaga ang naramdaman ko kaya halos araw araw ko syang pinupuntahan sa school nya kahit halos mag cut na ako ng class okay lang basta makasama ko sya at masiguro na walang nananakit sa kanya. Ibang iba sya noon. May pagka nerd at tahimik. Hindi sya friendly at jolly one thing na nagustuhan ko sa kanya dahil ang simple simple nya at napakabait pa. Pero sobrang na depressed ako ng bigla syang nawala, tinanong ko ang teacher nya pero sobra akong nasaktan ng malamang hindi na sya doon magaaral.

Sinubukan kong alamin kung saan sya lumipat pero wala akong nalaman hanggang sa muntik na kong hindi maka graduate kakahanap sa kanya pero naisip ko kailangan may maipagmamalaki na ko sa kanya para hindi nya ko ikahiya.

Lumipas ang mga taon I successfully graduated as a teacher. Maraming magagandang offer sakin pero hindi ko tinanggap dahil mas pinili ko syang hanapin. Until one day nalaman ko Kung saan na sya nakatira. I tried to approach her pero ibang iba na sya sa Alex na nakilala ko. Kung dati Isa syang simpleng batang babae ngayon sobrang daring na nyang manamit. Aaminin Kong na attract ako sa ganda nya ngayon pero akala ko sa physical Lang sya nag bago pati ugali nya iba na. Kung dati Isa syang mabait at inosenteng Bata ngayon ibang iba na sya. 

Hindi ko Alam Kung Pano sya kakausapin at lalapitan. Until  one time mukhang nadinig ng Diyos ang panalangin ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang may tumulak saking pumasok ng bar. Magulo, maingay, mausok at matao. Then one girl caught my attention, isang babaeng wild na sumasayaw sa stage kasama ang isang lalaki. Biglang uminit ang ulo ko at nasaktan kaya mabilis na lumapit ako sa kanya at hinila sya. Lasing na lasing sya at parang wala na sa katinuan.

"Alexandra? Ano nang nangyare sayo?"

Naniningkit na ang mata nya at gumewang kaya mabilis na inalalayan ko sya papasok ng kotse.

"shino ka ba?" Nasaktan ako sa tanong nya siguro masyado ng maraming taon ang lumipas kaya hindi na nya ko maalala.

"Ihahatid na kita. Shit, anong address mo?"

"hano bang kelangan mo shakin? Shino ka ba? Ha?"

Napailing na lang ako at kinabit na sa kanya ang seatbelt nya at dinala sya sa bahay. Then after nun lahat ginawa ko para makapasok sa school nya at sobrang saya ko na finally malapit na ko sa kanya. Sobrang laki na talaga ng pinag bago nya. Sobrang ganda na nya at ibang iba na sya sa dating Alexandra na iyakin dahil ngayon matapang na sya. Pero sobra akong nasaktan nung nalaman kong nag papagamit na sya sa mga lalaki. Galit na galit ako nun pero wala naman akong magagawa.

Then hanggang sa tuluyan na nga kaming naging malapit sa isat isa. Akala ko iyon na, akala ko puro saya lang pero sa huli pala kakalimutan lang din nya ko ulit. Nag tama ang mga mata namin pero mabilis din syang nag iwas ng tingin. Ngumiti ako at humingang malalim.

"So class, may question pa ba?"

May nag taas ng kamay at agad na tumayo ito ng tawagin ko.

"hindi na po ba kayo mag stay kahit hanggang sa maka graduate lang kami?"

Parang naluluhang tanong ni Maricar ang class president.

"oo nga mam"

"tama mam wag na muna kayong umalis"

"promise mam, mag papakabait na kami. Hindi na kami magiging pasaway"

Ilan sa mga hiling Ng mga estudyante ko.

Ngumiti ako sa kanila, ngiting may lungkot dahil Kung Sino pa Yung taong gusto Kong marinig ang boses, ngayon ay nakatungo Lang sa desk at naka earphone.

"Class, masaya ako na mahalaga ako sa inyo at masaya ako na gagraduate na kayo especially dun sa mga naging estudyante ko nung summer pero ganun talaga, sabi nga walang permanente sa mundo lahat nag babago, may dadating at may aalis"

Nanatili ang tingin ko sa kanya pero ni Hindi man Lang sya nag abalang tumingin.

"pero class dont worry, pwede nyo parin naman akong lapitan pag may kailangan kayo. Open ang bahay ko para sa inyo." *

"waahh, mam mamimiss ka po namin" *

"haha mamimiss ko din kayo."

Lumapit ang ilan kong estudyante at niyakap ako. Pero ang nagiisang tao na gusto kong makayap, naglalakad ngayon palabas, palayo sakin kaya di kona napigilang mapaluha.

"waaahhh si mam umiiyak"

"hahaha mamimiss ko kase talaga kayo"

Pag rarason ko sa mga ito.

"oh group hug natin si mam"

"group hug"

Ito na ba ang huli? Pero bakit Hindi ko kayang tanggapin.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon