31.Last Hope

3K 54 0
                                    


Sarah POV

"Congratulations, masaya ako para sa inyo"

Masayang bati ko sa kanila. Mahigpit na niyakap Naman ako ni Samantha, ang valedictorian.

"nako mam thank you po sa inyo. Dahil po sa inyo kaya naging honor ako"

"nako wala yun, ginawa ko lang ang part ko as your teacher. Sige na puntahan mona yung mga kaklase mo"

"thank you ulit mam"

Nakangiting pinag masdan ko ang mga estudyante. Sobrang saya nila at sa wakas graduate na rin sila. Napalingon ako ng may sumigaw at nakita ang mga estudyante kong tumatakbo palapit sakin.

"waaahhh mam."

"Mam Sarah!"

Parang batang atungal ni Lanie at Ayesha kasunod ang iba pa nilang kaklase. Niyakap nila ako ng mahigpit at may ilang humalik pa sa pisngi ko. *

"Mam buti po pumunta kayo"

Masayang Sabi ni Tony. Ang pinaka pilyo sa klase ko.

"haha syempre nahiya ako sa inyo eh"

"sobrang saya po namin ngayon dahil nandito kayo ngayon"

Nakangiting Sabi Naman ni Cora habang nag pupunas Ng luha.

"haha masaya din ako para sa inyo, teka bakit parang kulang kayo?"

"Yung iba po kase Mam, busy sa mga pamilya hahaha tapos may ilan pong umuwi na at may ilan din pong hindi nakapunta. Sayang nga po eh"

Sabi Naman ni Ronald.

"ha? Sino naman?"

"si Kate po Mam, family matters tapos si Jude, hindi ko po sure then si Alex po nag aasikaso for flight tomorrow. Ay tyaka si Rachel po...."

Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinabi ni Gerald dahil isa lang ang nag sink in sakin.

"T-teka, si Alex? Flight? For what?"

Napatingin ako kay marriane nang magsalita ito, Isa sa mga kaibigan ni Alex.

"ah kase po mam pupunta na syang states, dun na daw sya mag aaral and hindi nya alam kung babalik pa sila."

"K-kelan daw ang alis nya?"

Tahimik lang na nakikinig ang mga estudyante ko at tila nag tataka sa inaakto ko.

"ahm bukas po around 6 am"

"teka Mam, san po kayo pupunta?"

Nah tatakang tanong ni Ayesha. Ngumiti ako sa kanila.

"Congratulations ulit sa inyo, may kailangan lang akong gawin. Naalala ko may meeting pala ko ngayon sa bagong school na papasukan ko. Congratulations ulit and im so proud of you"

Ngumiti silang lahat

"Thank you po Mam, sige po. Ingat po"

Tumango ako sa kanila at nag wave na. I tried to contact her pero hindi nya sinasagot. Nagriring lang then papatayin na nya. Its already 6 pm at hindi ko alam kung san ko sya hahanapin. Pinuntahan ko sya sa bahay nila pero wala sya naabutan ko lang ang daddy nya at hindi din nito alam kung nasan sya. Dumaan ako sa mga bars na posibleng puntahan nya, tinanong ko din si marriane kung may alam sya kung nasan si Alex pero wala din syang ideya. Bagsak ang mga balikat na pumunta ako sa condo nya.

"Alex, alam kong nandyan ka. Please harapin mo naman ako oh. Ganun na lang ba? Aalis ka na lang ng walang pasabi?"

umiiyak na napasandal ako sa pinto ng condo nya.

"Alex, please"

Nanatili akong nakaupo at nakasandal lang sa dingding. I looked at my wrist watch and its already 10 pm. Sobrang namanhid ang paa ko sa matagal na pagkakaupo pero I still manage to walk away from her condo. Nanghihinang naupo ako sa kotse ko. I looked at my cellphone, still no text or call from her. Nag drive ako papunta sa huling lugar na posibleng puntahan nya pero bigo din ako. Umupo ako sa swing at nanginginig na tinignan ang phone ko. Gusto ko ng sumuko pero gusto ko paring subukan. Nanginginig na dinial ko ang number nya.

'You can leave a message after the beat'

"hi hahaha. Si Sarah to. Hmm."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak pero nabigo ako.

"nag punta ako sa bahay nyo, sa mga bars and sa condo mo pero wala ka. Haha. Aalis kana pala, hindi ka man lang nag sabi. Hindi naman kita pipigilan eh gusto ko lang malaman ang totoo, kung may nararamdaman ka para sakin. Gusto na kitang sukuan tulad ng gusto mo pero, ang hirap pala."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at mapait na ngumiti.

"pasensya na. Pasensya na kung ginulo ko ang buhay mo, masaya ako para sayo kase finally graduate kana. Matutupad muna ang mga pangarap mo. Pero masakit na wala ako sa lahat ng plano mo. Nga pala nandito ako sa park, remember yung park na pinupuntahan nating dalawa. Gusto ko parin kaseng umasa, umasa na dadating ka, kahit saglit lang dahil gusto kong malaman kung aasa pa ba ako o susuko na kase ang hirap hirap na."

Tuluyan na kong napahagulgol.

"Alex, please kahit sa huling pag kakataon. Hihintayin kita, kahit anong mangyare, hihintayin kita"

Lumipas ang mga oras pero wala paring Alex na dumadating. Napangiti ako ng biglang kumulog.

"may balak ka pa atang damayan ako haha"

Kahit gutom at pagod na nanatili akong umaasa. Umaasa na dadating sya. Nanatili akong nakaupo sa swing Kung saan masaya kaming nag haharutan. Nakita ko ulit ang dating Alex dahil sa lugar na to. Nakita ko ulit ang alex na minahal ko Ng sobra.

I smiled bitterly as I  remember all these memories. I looked at my wrist watch and it's Exactlly midnight. Mukhang hindi na sya pupunta. Kasabay ng pag pagbagsak ng luha ko ang malakas na buhos ng ulan. Pero kahit anong gawin kong pilit na sabihin sa sarili ko na hindi na sya pupunta nandito parin ako, nakaupo at umaasa. Nanginginig na tumayo ako pero agad ding bumagsak. Nanlalabo na ang paningin ko at mabigat na rin ang pakiramdam ko. Isang bulto ng tao ang nakita kong patakbo papunta sakin.

"A-alex?"

"Mam Sarah? Mam Sarah, are you ok?"

At tuluyan na kong nawalan ng malay

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon