26.Fear and Hurt

3.6K 58 0
                                    


Sarah POV

'The subscriber cannot be reach, please try again later'

Nakakailang tawag na ko pero hindi nya parin sinasagot. Iniiwasan nya ba ko? Galit ba sya? Tinadtad ko na rin sya ng text pero wala pa rin syang reply. Nagalit kaya sya nung sinabi kong lilipat na ko ng school? Pero sa pagkakatanda ko ok lang naman sa kanya eh wala syang sinabi na kahit na ano na nagpakita na galit sya.

--flashback--

Nakahiga kami ngayon sa kama. Kakatapos lang namin gumawa ng milagro at ngayon nakayakap ako sa kanya habang sya nilalaro naman ang buhok ko.

"Ahm alex"

"Hhmm?"

"Ano kase, naisip ko na lumipat na ng school"

"Ha?"

Bahagyang nagulat sya. Umalis ako sa pag kakayakap sa kanya at umangat para tignan sya

"Pero bakit?"

"Naisip ko kase na malapit ka ng grumaduate at kapag may nakaalam ng namamagitan satin baka hindi mo matupad ang gusto mo kaya naisip ko na mas maganda kung sa ibang school ako at least walang magiging rason ng ikapapahamak mo"

Nakayukong paliwanag ko sa kanya. Umangat na Rin sya at naupo.

"Pero ok lang naman ako tyaka wala namang nakakapansin satin"

"Sa ngayon siguro wala pero ayoko ng antayin pa yung time na mapahamak ka dahil sakin."

Namayani ang katahimikan.

"Are you really sure about that? Kailan ka aalis?"

"Last day of this month. Then next school year mag aapply na ko sa ibang school"

"Hindi mo naman kailangan gawin yan"

May bahid Ng konting inis sa tono nya Kaya hinawakan ko sya sa kamay pero umiwas Lang sya Ng tingin.

"Ok lang naman mas masaya ako na matupad mo yung pangako mo sa dad mo na makagraduate this year"

"Ang dami mo ng sakripisyo sakin"

"Haha ano kaba masaya akong gawin yun, mahal kaya kita kaya kahit ano gagawin ko, iloveyou"

As usual wala syang sinabi kaya niyakap ko na lang sya. Masaya na ko na nakakasama ko sya hindi ko na hinangad na mahalin nya din ako at alam ko na may pagkakataon na iiwan nya ko pero masakit parin pala. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at himinga ng malalim.

"Wag kang OA sarah baka, baka tulog lang talaga sya bukas magiging ok din ang lahat"

ngumiti ako at tinuon na lang ang pansin ko sa school works na nasa harap ko.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon