Sarah POV
Ilang buwan na rin since umalis si Nathan and so far nagiging maayos naman ako. Halos araw araw din Naman kaming nag kakausap ni Nathan. Pag Hindi video call, madalas din tumatawag sya. Lagi nya Kong kinakamusta at ganun din Naman ako sa kanya.
Wala namang bago sa buhay ko. Same routine everyday. Halos buong oras ko sa shop ko na nilalaan at masaya naman ako. Minsan may ilang mga dati kong estudyante ang napapadaan at nagugulat pag nakikita nila ako. May ilan namang halos suki ko na at sobrang saya ko dahil unti unti na talagang nakikilala ang shop ko
'Ting'
"welcome po"
Napahinto ako at napatitig sa taong nasa harap ko. Maganda, mahaba ang buhok at masayang nakangiti sakin.
"C-carmen? Is that you?"
"waahh mam. Im so glad kilala mo pa ko"
Nagulat ako ng bigla nya kong sugurin ng yakap. Natawa na lang ako at napayakap narin. Bumitaw na sya ng yakap ng tumikhim ang lalaking kasama nya.
"haha sorry mam. Na carried away lang. Haha"
"okay lang. Teka kamusta kana? You look so pretty."
"thankyou mam. Kayo din po ang ganda ganda nyo parin."
Muling naagaw ang atensyon namin ng tumikhim ang kasama nya.
"oh. Sorry hon. Ahm mam by the way, si Daniel po, Fiance ko. And hon, sya si Mam Sarah, remember yung lagi kong kinukwento sayo."
"oh. Hi mam. Its finally great to meet you. Lagi po kayong bukang bibig ni Carmen."
"its good to see you too. Nakakatuwa naman at naalala pa pala ko ng pasaway kong estudyante."
"haha si mam naman. Past is past. Haha"
"ay teka, you want some drinks? Pasok kayo sa office."
Naupo sila sa sopa at nakangiting pinagmamasdan ang buong office. Hindi sya ganun kalaki pero hindi rin naman sya maliit. Nilapag ko ang dalawang orange juice at naupo sa tapat nila.
"grabe mam. Totoo palang nag quit na kayo sa pagtuturo."
Ngumiti ako sa kanya.
"medyo matagal narin kase akong nagtuturo. I want to try something new kaya naman naisipan kong mag business. Ikaw kamusta kana? Buti naman at may boyfriend kana. Akala ko wala ka ng pagasa eh. Haha"
Natawa din si Daniel kaya naman napanguso sya samin.
"grabe ka talaga sakin mam."
"haha e pano ba naman sobrang iba ka dati. Maton kung kumilos at talagang pasaway. Nako Daniel alam mo bang nag kacutting yan kasama ng mga tropa nyang lalaki tapos ayun nalaman kong bilyaran ang punta."
"haha nakwento nga po samin ni Richard. Medyo nahirapan din po akong pasagutin to mam. Matigas pa sa bato eh. Aray"
Natawa na lang ako ng bahagya syang kurutin ni Carmen.
"haha just kidding. Nga pala bakit kayo napadaan?"
"kase mam. Ikakasal na po kase kami ni Daniel"
Bahagyang nagulat ako sa sinabi nya at napangiti. Akalain mo nga naman. Tumatanda na talaga ako. Napangiti ako ng makita ang bahagyang pamumula ni Carmen.
"Wow. Thats good to hear. Congratulations. Kelan ba ang kasal?"
"thank you mam. Bali September 25 po. Your really very special to me mam kaya hinanap ko po kayo and thank God nalaman ni Sam itong shop nyo. I want you to come to my wedding mam. And since flower shop po pla ang business nyo nasabi ko na po sa parents namin ni Daniel na sa inyo ako kukuha ng bulaklak para sa kasal ko if thats ok with you, mam"
Halos maluha ako sa mga sinabi nya. One part I love in teaching, yung halos mahalin ka din ng mga estudyante mo. At napaka swerte ko na may mga estudyante akong kagaya nila. Hindi kona napigilang maluha.
"mam?"
"haha im sorry. Sobrang saya ko lang na may mga estudyante pa pala akong nakakaalala sakin."
Ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"syempre naman po. Hindi lang po kayo basta teacher samin. Para po samin naging nanay na namin kayo. Bestfriend, kapatid. Actually mam marami po kaming magkakaklase ang laging nakakaalala sa inyo. Lagi kaming nag tatanungan kung may nakaalam kung saan kayo nakatira. We really missed you mam. Mahal na mahal ka po namin."
Umiiyak na niyakap nya ko. Natatawang kumalas na ko sa yakap at nag punas ng luha.
"haha pasensya na ang drama ko. Sobrang ma touched lang ako."
"apology accepted po haha basta ba pupunta po kayo sa kasal namin."
"aba syempre naman. Teka ano bang klaseng bulaklak ang gusto nyo?"
Halos tatlong oras din kaming nag usap. Kwentuhan at tawanan. I really missed my students.
"thank you mam. Dadalaw po ulit kami sa susunod. Aasikasuhin lang po namin yung ibang kailangan para sa kasal"
"no worries. Ingat kayo ha"
"bye mam."
Nakangiting bumalik ako sa office. Niligpit ko ang pinagkainan nila. Napahinto ako sa pagpunas at inabot ang wedding invitation. Magkahalong saya at takot. Hindi ko alam kung bakit sa loob ng limang taon sya parin ang iniisip ko, sya parin ang nasa puso ko. Handa na ba akong harapin sya? Handa na ba akong tanggapin ang katotohanang wala na kaming pag asa.
Malungkot na napangiti ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at pinag masdan ang mga pictures nya. Hanggang kailan ba ako magiging ganito. Sobrang tagal na simula ng mangyare ang lahat pero bakit patuloy parin akong umaasa. Gusto kitang hanapin pero natatakot ako, natatakot ako na baligtad ang nararamdaman mo.
Alex, may pagasa paba?
May tayo paba?
BINABASA MO ANG
Lust Words: I Love You
Romansakwento Ng dalawang babae na nalunod sa katawan Ng isat Isa. kwento na Kung saan ay ang salitang "Mahal Kita" ay walang kasiguraduhan at pawang tawag lamang Ng laman. sa lahat Ng nangyare sa kanilang buhay, maraming tao ang naging parte Ng kanya kan...
