36.Confession

2.9K 59 3
                                    


Sarah POV

"thank you so much mam. Napaka ganda ng mga bulaklak na pinadala nyo kasing ganda nyo."

"nako wala yun Carmen. Tyaka ikaw kaya ang pinakamaganda ngayong araw"

"haha thanks mam. Hindi ko lang po maiwasang mainggit sa inyo kase ang ganda nyo parin po at mas lalo kayong gumanda sa gupit nyo"

Bahagya akong nahiya at napangiti.

"Nako tama na nga ang bolahan. Ready ka na ba?"

"medyo kinakabahan po pero excited din at the same time"

I held her hand to make her at ease.

"thats normal. Pero wag kang masyadong magalala were here for you."

"thank you so much mam. Salamat po sa lahat lahat. Salamat po kase kahit hindi na namin kayo teacher, kahit wala na kayong responsibility samin still you cared for us. Sobrang saya ko nung pumayag kayo na isa sa mag hatid sakin sa altar. I really missed my mom pero nawala po ang lungkot ko dahil nandyan kayo."

"shh. Ano kaba. Hindi nyo lang naman ako basta teacher. Diba nga im also your friend and even your mother. Im sure masaya ang mommy mo sa lahat ng na achieve mo. Stop crying, masisira ang make up mo"

Naagaw ang pansin namin ng may kumatok sa pinto at nakangiting pumasok ang medyo may edad nang tatay nya.

"goodmorning sir."

Nakangiting bati ko.

"Goodmorning mam. Thank you for granting my daughter's wish. Pasensya na talaga sa abala"

"no worries sir. Its my honor"

Ilang saglit lang sinundo na kami ng bridal car at hawak kamay na naupo. Ramdam ko ang kaba ni Carmen pero pinilit kong iparamdam sa kanya na hindi dapat sya matakot.

Narating na namin ang simbahan, huminga muna sya ng malalim bago sya tumango na hudyat na pwede na kaming lumabas. Nag umpisa ng mag lakad ang mga abay, ring bearer at iba pa. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at ganun din sa tatay nya. Dahan dahan kaming nag lakad kasabay ng isang magandang awitin.

'Marry your daughter'

Siguro nga para sa iba gasgas na pero para sa dalawang taong nag mamahalan napakahalaga ng mensahe ng kanta.

Napatitig ako sa may altar.

Muling nag labasan lahat ng what ifs ko sa buhay.

What if hindi ko sya hinanap?

What if hindi ko sya inapproach from the start?

What if hindi ako nabihag ng mga ngiti nya?

What if hindi ko sya minahal?

What if hindi nya ko iniwan?
Naipaglaban kaya namin ang nararamdaman namin sa isat isa?

What if okay lang ang lahat? Makikita ko rin ba syang naglalakad dito sa aisle? Nakatitig sakin at nakangiting nag lalakad? Magiging masaya kaya kami?

Sabi nila buong buhay mo dapat may plano ka, pero bakit may exception? Bakit hindi kayang planuhin kung sino lang ang pwedeng mahalin?.

Sa pag bagsak ng luha ko, kasabay ng huling desisyon ko. Ayoko na. Ayoko ng masaktan at magpakatanga. Sapat na ang ilang taong pagpapakamartir at pag papaka gaga. Maybe its time to find myself, to find my happiness. Maybe I need to love myself first, para kung sakaling magkita kaming muli, alam kong kaya kona. Kaya ko ng mabuhay ng wala sya.

Nangingibabaw ngayon ang masayang sigawan ng lahat. Nandito kami ngayon sa isang beach resort na pagmamayari pala nila Carmen. Dito ginanap ang reception para sa mag asawa at puro sigawan at kantahan ang maririnig. Isang simpleng handaan lang ang naganap at halos puro kamag anak at kaibigan ang imbitado. Hindi ko mapigilang matawa ng sumayaw ang ama ni Carmen. Kahit matanda na ay ganado parin itong sumayaw sa gitna isang ugali na hindi mo aakalaing meron sya.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon