99.Last Words

2.7K 65 6
                                        

CONTINUATION 104.................

kanina pa Hindi mapakali si Sarah. natapos ang convention Ng Wala syang masyadong maintindihan dahil pakiramdam nya, buong pag speak ni Alex, sa kanya ito nakatingin.

kanina nya pa gustong umuwe pero Hindi sya makaalis lalo Pat sobrang lakas Ng ulan.

nasa reception na sila ngayon para sa lunch at tapos na sya kumain pero Hindi parin sya makaalis.

'hayst siguro nga nag assume lang ako. kase Kung Alam nyang nandito ako, edi Sana lalapitan nya ko. pero baka Naman kase, Wala na syang pake sakin'

Yan at iba pang bagay Ang tumatakbo sa isip nya ngayon.

Kung ano ano na lang kinakalikot nya sa phone para mawala Ang kaba. may ilang mga program din Naman kaso Hindi talaga sya mapakali.

sa ideya pa Lang na mag kalapit lang sila pakiramdam na nya mamamatay sya sa bilis Ng tibok Ng puso nya.

Hindi Alam ni Sarah, kanina pa may nag mamasid sa kanya.

"are you okay mam?"

takang tanong Ng secretary ni Alex Ng Hindi nito napigilang matawa.

tumango lang sya dito at nag patuloy kumain habang Ang Mata ay nakapako parin sa babaeng matagal na nyang Hindi na kita.

muli syang kinilig Ng maalala Kung paano sya nito ipinag tanggol sa dalawang babae sa cr. kararating Lang nya noon at dumeretso Ng cr. Hindi nya akalaing sa ganitong lugar ulit sila mag kikita.

'hindi ka parin nag babago'

habang lumilipas Ang oras, unti unti na ring nababawasan Ang mga Tao. mukhang na stranded sila dahil sa malakas na ulan.

sinundan nya Ng tingin si Sarah at agad na tumayo Ng Makitang papalabas ito.

magisa nyang sinundan Ang dating guro at napangiti ito Ng Makita ito sa isang bench at tila hinihintay na tumila Ang ulan.

"long time no see"

masayang bati nya sa dalaga.

"l-long time n-no see"

umupo sya sa dulong bahagi Ng bench.

bakas Ang awkwardness sa dalawa. walang umiimik at tila walang gustong mag salita.

"I miss you"

nakatitig na Sabi ni Alex Kay sarah.

nagulat si Sarah sa narinig at agad na napatingin Kay Alex.

Hindi nya Alam ang sasabihin pero Hindi nya maitatangging na miss din nya ang dating estudyante.

"Hindi mo ba ko na miss?"

nakangiting tanong nito sa kanya.

gusto nyang sabihin Ang nararamdaman pero Hindi nya napigilang mapaluha Ng maalala lahat Ng kasalanang nagawa nya.

sa lahat Ng Tao, si Alex Ang pinaka nasaktan nya. si Alex Ang pinaka biktima.

"hey what's wrong?"

"I'm sorry. I'm really really sorry"

Hindi na napigilan ni Sarah na ilabas lahat Ng emosyon na kinimkim nya Ng isang taon.

"tama. kasalanan mo lahat. lahat lahat. Alam mo ba Kung gano ako naging miserable dahil sa nangyare. halos mamatay ako sa sakit Ng ginawa mo."

nanlaki Ang Mata ni Sarah sa narinig.

nginitian sya ni Alex at agad na nilapitan. pinunasan nya Ang pisngi Ng tulalang si Sarah..

"akala mo ba Yun Ang sasabihin ko? Hindi Naman ako galit sayo eh"

Hindi na napigilan ni Sarah Ang mapahagulgol Ng malakas.

"shhh. in sorry. Hindi ko gustong takutin ka.
, pero Hindi ka dapat mag sorry. Wala Kang kasalanan"

umiling si sarah.

"kasalanan ko ang lahat. sorry for being selfish. Tama lahat Ng sinabi mo kanina. I'm sorry"

hagulgol nito at agad Naman syang niyakap ni Alex.

"past is past. all we have to do is to continue living. continue walking to the path we choose. masyadong maraming nangyare noon pero iyon Ang nag patatag satin ngayon"

muling pinunasan ni Alex Ang pisngi ni Sarah.

"Hindi pa Naman huli Ang lahat diba?"

nag tatakang tumingin si sarah sa nakangiting Alex.

"I still love you. sorry if I left you. but please, let me love you again? this time, let's make it real?"

"pero bakit? sobra kitang nasaktan. sobrang laking gulo Lang Ang dinala ko sa buhay mo. bakit hanggang ngayon gusto mo parin akong makasama? bakit? dapat galit ka. dapat kinamumuhian mo na ko"

"minsan naisip ko din Yan, pero, maybe I really love you that's why I can live without you. akala ko nung una Mahal lang Kita dahil napapasaya mo ko. akala ko Mahal lang Kita dahil nabibigay mo Ang pleasure na hinahanap ko. akala ko dahil Lang sa sex. hahaha but as time goes by, nung pinili mo si Drake, I realize a lot of things. naintindihan ko Kung bakit mo sya pinili more than me."

muling pinunasan ni Alex Ang luha sa pisngi ni Sarah.

"he respect you than I do. he truly loves you more than I can. nakita ko Kung ano Ang tunay na pag mamahal sa kanya. ni dulo Ng daliri mo Hindi nya kayang hawakan Ng Hindi hinihingi Ang consent mo. and I think, true love is respect. kapag totoong Mahal mo Ang isang tao, marunong Kang rumespeto at Hindi ko Yun nagawa sayo."

"I'm really sorry Sarah. Hindi ko pinag sisihan lahat Ng nangyare satin at sa lahat Ng nangyare satin, mas lalo kitang minahal at Alam Kong mas lalo kitang mamahalin, Sana hayaan mo Kong iparamdam sayo Yun."

napangiti si Sarah at agad na niyakap si Alex.

nakangiting hinarap nila Ang isat isa.

"c-can I k-kiss you?"

ngumiti si Sarah at siniil na Ng halik Ang magandang diwata sa harap nya.

'hindi ko Alam Kung saan pa hahantong Ang chapter na to ng buhay namin ni Alex, Basta Ang Alam ko, isang beses Lang Tayo mabubuhay sa mundong ito. isang beses Lang Tayo mag kakaroon Ng pag asang itama Ang lahat Ng Mali na nagawa natin. at ngayon, Alam Kong sa pag kakataon ito, sumusugal na ko sa Tama. at hinding hindi ko na hahayaang mag hiwalay pa kami.'

and our LAST WORDS? 

"I love you"

Lust Words: I Love YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon