100.Sweet

2.5K 51 2
                                    

Sarah POV

"ay butiki. ano ka ba. para ka namang mag nanakaw"

siraulong to. bigla bigla na lang sumusulpot. dapat ata Hindi ko binigyan Ng spare key to eh.

"duh. Ang ganda ko namang butiki"

umupo ako sa sopa katabi nya at Ang loka niyakap ako at ginawa pa Kong unan.

"Bakit ba nandito ka na Naman? wala ka bang trabaho?"

"ayaw mo bang nandito ako?"

nakanguso nyang sabi. Hindi ko sya pinansin at binuksan Ang tv.

"Hindi tambayan Ang bahay ko no."

"bakit ang suplada mo ngayon? meron ka no?"

"Hindi ah."

"eh bat ganyan ka?"

"kase naman. lagi ka na lang sumusulpot. for your information, may bahay ka Kaya."

"ayoko dun. nakakalungkot. at least dito kasama Kita"

nakangiti nyang Sabi.

kahit kinilig, Hindi ako nag pahalata sa kanya.

"Hindi mo to bahay"

"bakit ba pinag tatabuyan mo ko? dati naman halos sa isang bahay na Rin Tayo tumira so what's the matter now?"

"dati Yun. tyaka Hindi kaba napapagod. Ang layo Kaya Ng company mo dito."

"bakit Hindi na lang kase Tayo mag sama sa isang bahay para Hindi mahirap. bumili Tayo Ng bahay malapit sa company"

teka, proposal na ba to?

"are you proposing?"

"no. why should I?"

napataas Naman Ang kilay ko sa sinabi nya. inirapan ko sya at tumingin na Lang sa tv.

"come on. Hindi na uso Ang proposal sa panahon na to. and besides whats the difference? ganun din Naman. mag sasama at mag sasama din Tayo"

"Ewan ko sayo"

kainis. Hindi ba nya Alam ang salitang romantic. ni Isa Wala ata syang ka Roma romantic sa katawan.

"are you mad?"

"no."

"is it about the house?"

tss. spell manhid. A-L-E-X!

"okay fine. Hindi na Tayo bibili Ng bahay. okay Naman ako dito eh. as long as your here."

"hey are you still mad?"

"hey. boo. talk to me"

pinindot nya ang balikat ko pero Hindi ko sya pinansin. ilang ulit din nyang pinindot Ang pisngi ko.

"Alex."

nakatingin lang sya sakin at hinihintay Ang sasabihin ko.

"Alam mo. nakakainis ka. tingin mo ba Yung bahay talaga ang importante sakin?"

"then... what?"

"aish. kainis ka. so Wala ka talagang balak mag propose sakin?"

"ooh so it's about the proposal thingy. but why? I mean. bakit pa? eh Alam ko namang oo din Ang sagot mo"

"kainis ka. feeling mo talaga Hindi ko kayang tanggihan ka"

"bakit Kaya mo ba?"

"che."

tinulak ko sya na ikinatawa Naman nya.

"Alam mo boo. Hindi Naman importante Kung mag propose ako eh. Kung gusto mo kasal na nga agad eh. para mabilis."

bwisit talaga to. syempre babae parin ako. gusto Kong ma experience Kung anong feeling Ng may nakaluhod sayo at inaalayan ka Ng Isang pangako at singsing.

"ayoko"

"bakit Naman?"

"gusto ko kase. Kung sakali mang ikakasal tayo-"

"anong sakali? so may balak ka talagang umayaw?"

"ano ba. patapusin mo nga ko"

"sorry. hahaha"

"Kung sakali mang ikasal Tayo, gusto ko nandun si Drake. Alam ko masakit Ang mga nagawa ko lalo na sa kanya. Alam Kong Wala Yung kapatawaran pero kase, gusto Kong pumasok sa bagong yugto Ng buhay ko na walang problema. walang naiwang masamang alala sa nakaraan. gusto ko, bago ko harapin Ang kinabukasan, naayos ko na Ang nakaraan. Wala Ng sakit at lungkot. Wala Ng galit at sama Ng loob. diba mas masaya Yun"

Sana.

Sana talaga dumating Yung araw na mapatawad din ako ni Drake at Sana maging masaya na Rin sya.

"don't worry. I know some day, somehow.. ouch"

pag aray nya Ng paluin ko sya sa braso.

bwisit talaga to. kumanta ba Naman daw.

"no seriously, I know some day. he will find peace and forgiveness. at kapag dumating Yung time na Yun, ako na ang pinakamasayang dyosa sa buong mundo"

"hangin."

"ah ganun"

halos mamatay Naman ako sa tawa Ng kilitiin nya ko.

nakakatuwang mas binago kami Ng mga nangyare. pakiramdam ko nabuo ulit Ang pag katao ko.

Kung dati sa sex umiikot Ang relasyon namin ngayon, masasabi Kong Mahal na nga talaga namin Ang isat Isa.

ni Wala na ulit nangyayare samin. masasabi Kong mas napalapit kami sa isat Isa at mas tumitibay Ang relasyon namin.

sobrang sarap sa feeling pero sa kabilang Banda hindi ko maiwasang malungkot at maguilty sa tuwing naiisip ko si Drake.

ilang beses ko na syang sinubukang kausapin pero katulad noon, Hindi nya parin ako magawang harapin.

tingin ko mas nasaktan sya nung nalaman nyang nag balikan na kaming dalawa.

mas naguilty ako at mas gusto ko syang kausapin.

pero siguro nga, may tamang panahon para sa hinihiling ko.

Sana dumating na Ang panahon na Yun.

Sana mapatawad Mona ko, Drake.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon