32.New Beginning

3K 63 0
                                    

Sarah POV

"im so proud to all of you. Masaya ako na nakapasa kayong lahat at walang naiwan."

Nakangiting saad ko sa advisory class ko.

"wooohhh sa wakas!!"

"Omg congrats satin!"

"ok class, alam kong masaya kayo at excited dahil tapos na ang school pero may gusto lang sana akong I announce."

Bumalik sila sa mga upuan nila at tahimik na nakatingin sakin.

"fourth year na kayo next school year at alam ko ilan sa inyo ay napangakuan ko nang tutorial para makapasa pero baka hindi ko na matupad yon"

Mapait na ngiting saad ko. Nagtaas Ng kamay si rose, Isa sa itututor ko dapat.

"Pero mam, bakit po?"

"Actually, kailangan ko kaseng umalis"

Nagulat Ang lahat at kanya kanyang bigay Ng opinyon, kanya kanyang tanong at bulungan.

Tumayo si Dianne, ang president ng klase.

"bakit naman po mam? Wala naman pong nagawang masama ang klase natin para paalisin ka"

"oo nga po mam. Kahit mahirap nagtino kami dahil nadala kami sa warning na binigay satin ng principal"

Salubong na kilay na sabi ni Ricky ang pasaway sa klase.

"Nako class, class, listen. Hindi ito dahil sa inyo o dahil may nagawa kayo, wag nyong isipin yan. Natapos na kase ang kontrata ko dito sa paaralan at masakit man pero wala na kong balak na irenew pa ang kontrata."

"bakit mam? Ayaw muna ba samin?"

Paiyak na sabi ni kitty.

"dahil ba maingay kami lagi mam?"

Nakangusong saad naman ni camille.

"Oo. Ang bungangera mo kase!"

Agad na sinugod ni Camille si Jonathan Ng Palo. Nakakatawa talaga Ang dalawang to, laging nag tatalo.

"Hoy kayong dalawa, baka mag katuluyan Kayo!"

Pangaalaska Naman ni Gerry Kaya sya Naman Ang sinugod ni Camille.

"Aray. Ano ba? Tong amazonang to!"

"Ah, amazona pala ha"

"Okay, that's enough."

Pag awat ko sa dalawa. Umayos na sila Ng upo at muling nabalot Ng katahimikan ang klase.

Halos lahat sila mukhang nalungkot at nasaktan sa sinabi ko kaya naman nag salita na ako.

"Class."

Tumahimik naman sila. Huminga akong malalim bago nag salita.

"alam kong pasaway kayo. Sakit sa ulo magulo at maiingay. Pero mahal ko kayo. Hindi dahil sa inyo kaya aalis ako. Ilang taon na rin akong nagtuturo at mahal ko ito. maraming alaala sa akin ang pagtuturo. May masaya at syempre.."

Huminto ako at ngumit nang may naalala. Ilang taon na Rin ang lumipas pero feeling ko kahapon Lang nangyare ang lahat.

"may mga masasakit na alala din, tulad nito. Pero panahon na siguro para magpahinga muna ako. Hindi naman ibig sabihin ng pagalis ko, eh naputol na ang koneksyon natin bilang guro nyo. Pwede nyo parin naman akong puntahan anytime. Kapag may kailangan kayo pwede nyo kong tawagan."

Ang sarap sa feeling na naging mahalaga ka sa isang tao.

"Taena ka Daryle bakit sakin mo pinunas yung uhog mo!"

Natawa naman kami sa inasta ni Cedric. Hindi ko na mapigilang maiyak din ng lumapit na sila at mahigpit na yumakap sakin. Mamimiss ko talaga sila. After ng madramang farewell, gumawa sila ng konting kasiyahan para sakin. Padespedida daw nila. At dahil ito na ang huling pasok nila wala ng sumita sa kanila ng halos lahat sila kumakanta at nag sasayawan. Sobrang saya kong kasama sila. Hanggang sa maguwian sila, may ilang umiyak ulit at nag bigay ng mahigpit na yakap.

"bye mam. Mamimiss ka po namin."

"mamimiss ko din kayo. Magiingat kayo lagi ha."

"opo mam."

Nakangiting kumaway ako sa kanila.

"mukhang mahal na mahal ka talaga ng mga estudyante mo ah."

Napalingon ako sa likod at napangiti ng makita ko sya.

"kanina ka pa ba dyan?"

"haha oo eh kaso mukhang busy ka kaya hindi moko napansin. Punasan mo nga yung sipon mo"

Napasimangot naman ako sa kanya at hinampas sya sa braso.

"haha joke lang."

Lumpit sya sakin at pinunasan ang ilang luhang natira sa pisngi ko. Inakbayan nya ko at sabay nating tinungo ang faculty. Tahimik lang kaming nag aayos ng mga gamit ko pero alam kong nakatingin sya sakin dahil hindi nya gusto ang naging disisyon ko.

"pwede ba, wag mo nga kong titigan"

Sita ko sa kanya pero tuloy parin sa pag lagay ng gamit sa kahon.

"haha pasensya na."

"may gusto ka bang sabihin?"

Humarap na ko sa kanya. Bahagyang lumungkot ang mukha nya kaya naman lumapit ako sa kanya.

"hey whats wrong?"

"ahm. Wala. Seryoso ka na ba dito? I mean. Alam ko kung gano mo kamahal ang pag tuturo kaya hindi k-"

Kinapitan ko sya sa pisngi at ngumiti.

"Yes I do love this job. May part sakin na ayokong umalis pero final na ang desisyon ko"

"dahil ba sak-"

"shh. Of course not. Matagal na yun. Its just that, siguro kailangan ko munang mag pahinga. Gusto ko namang mag try ng bago"

"Like what?"

Lumayo na ako sa kanya at tinuloy ang pag ligpit ganun din sya.

"hmm. Siguro something like business"

"at ano namang business?"

"naisip ko na maganda sigurong mag open ako ng flower shop. You know, I really love flowers"

"hmm. Not bad. Kelan ka naman mag start?"

"haha maybe next week"

"agad?!"

"hahaha joke lang. Ito naman. Bilisan na nga lang natin mag ligpit. Nagugutom na ko"

"aye yay boss"

Natawa na lang ako sa kanya. Napakaswerte ko na may kaibigan akong tulad nya. Hindi ko akalain na magiging ganito kami ka close. Sobrang bait ni Nathan at isa talaga syang ideal man. Nandyan sya palagi para sakin. At kahit nung araw na yun. Yung masakit na huling araw na umasa ako, sya ang tumulong sakin kaya sobrang swerte ko dahil nandyan sya para pasayahin ako. Kahit papano, dahil sa kanya, nagkakulay muli ang buhay ko.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon