33.Another Goodbye

3K 60 0
                                    


Sarah POV

"thank you sir. Come again"

Nakangiti kong bati sa costumer.

"talagang kinareer mo ang pagbi business ha"

"oh hi Nathan. Di ka naman nag sabing dadaan ka."

Niyakap ko sya at ganun din sya.

"naisip kase kita, nag lunch kana ba? May dala ko tara kain na muna tayo"

"sige. Pasok ka muna sa loob."

Nag lagay muna ako ng 'lunch break' sign at pumunta na sa kanya.

"kamusta naman ang unang araw?"

"well may pa ilan ilang costumer na ko at kahit papano maganda feedback nila sakin"

"That's good."

"eh ikaw? Bat nandito ka na naman?"

"ouch ha. Ayaw mo ba kong makasama"

"oo eh nakakasawa kana kase hahaha"

"grabe ang sakit mo talagang mag salita."

"haha joke lang. Pero pwera biro, sabi mo kase sakin kanina may meeting kayo Ng father mo"

"ah oo eh."

"oh bakit may problema ba?"

Huminga syang malalim at seryoso akong tinignan.

"gusto ni dad na pumunta akong america"

Nagulat ako sa sinabi nya.

"a-anong sinabi mo?"

"sabi ko pagiisipan ko."

"pe-pero diba ito na ang hinihintay mo ang tanggapin ka ng pamilya mo, baka ito na yun"

Naeexcite na sabi ko sa kanya.

"masaya naman ako pero.."

Umiwas sya ng tingin at bahagyang yumuko.

"he wants me stay there... for good"

"s-so i-it means?"

"sarah pwede namang hindi ako pumunta eh. Okay lang naman sakin. Ayokong iwan ka."

Nasaktan ako sa sinabi nya pero ngumiti ako at hinawakan sya sa kamay.

"ano ka ba. Ok lang ako. Alam ko kung gano mo katagal hinintay ang pagkakataon na to. At ito na nga. Hindi mo kailangan pumili ok."

"pero pano ka?"

"ano ka ba. Matanda na ko. Kaya ko na ang sarili ko. Isa pa masyado ka ng maraming sinakripisyo para sakin at ayokong nang dahil na naman sakin eh tuluyan mo ng hindi makasama ang family mo. I love you kaya ayokong makita kang nalulungkot."

Kahit sobrang sakit at mahirap tanggapin, pinakita ko sa kanya na Kaya ko. Nakakatawa Lang na lagi akong pinag lalaruan Ng tadhana.

"pero mahal din kita. Higit pa sa kaibigan. Sarah wala ba talaga akong pag asa? Please. Alam ko na hindi ako ang pinangarap mo, alam ko na hindi kagaya ko ang gusto mo pero wala ba talagang pagasa na maging tayo. Please. Sumama ka sakin. I promise hindi kita sasaktan"

Mapait na ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nya.

"mahal kita. Pero hanggang dun lang talaga. Im sorry Nathan. Alam mo kung gano ka kaimportante para sakin. Pero im sorry hindi ko kayang maging unfair sayo. Alam ko kung gano kasakit ang pumasok sa isang relasyon na isa lang ang nag mamahal. At ayokong mangyari yun sayo."

Matagal syang tumitig sakin at mapait na ngumit. Pinunasan nya ang luha nya at muling ngumiti.

"hahaha sorry ang drama na natin. "

Ngumiti ako sa kanya. Pinunasan nya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo.

"im sorry. Hindi ko lang talaga napigilang mahalin ka. Pero promise walang mag babago. Kahit nasa malayo ako ikaw parin ang mamahalin ko."

"Nathan-"

"alam ko. Pero wala akong magagawa kung ikaw parin ang laman nito. Pero pangako din, ikaw lang ang bestfriend ko. Hinding hindi kita ipagpapalit."

Niyakap nya ko at yumakap na rin ako sa kanya.

"haha tama na nga. Kumain na tayo."

Masaya kaming nag kulitan at kumain. After din nun namasyal kami dahil ito na pala ang huling araw ng pagkikita namin. Kinabukas narin pala ang alis nya at hindi ko maikakailang sobrang nasaktan ako. Isang mahalagang tao na naman sa buhay ko ang nawala pero masaya parin ako dahil magiging maayos na ang pamilya nya. Tinapos ko ng ayusin at linisin ang shop. Nag maneho na ko pauwe at pabagsak na nahiga sa kama. Sobrang nakakapagod ang araw na to. Napamulat ako ng tumunog ang phone ko.

From+09324..

'You're my peace of mind
In this crazy world
You're everything I've tried to find
Your love is a pearl
You're my Mona Lisa
You're my rainbow skies
And my only prayer is that you realize... You'll always be beautiful in my eyes'

Stop thinking about me. Kahit ano namang mangyare hindi kita kakalimutan. I promise to love you, kung dumating man yung araw na napalitan kana sa puso ko, I promise na mananatili kang isang napakahalagng kaibigan sa buhay ko. Please take care always. At kapag dumating yung araw na naka move on kana sa kanya at namiss muna ang gwapo kong mukha, lilipad agad ako para sayo. Haha just kidding. Alam ko na sobra mo syang mahal pero please. Please stop hurting yourself. Subukan mo na syng kalimutan. Naniniwala kase ako na kung para kayo sa isat isa babalik sya para sayo pero kung hindi, may gwapong Nathan naman dito. Hahaha iloveyou sarah. Magiingat ka lagi. 😊😘

Hindi kona napigilang mapaluha at the same time masaya na rin ako. Sadyang ganito talaga ang buhay, may dumadating at may umaalis.

Pero minsan may umaalis at bumabalik.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon