28.Heart Break

3.3K 62 0
                                    


Sarah POV

Pag pasok ko palang ng classroom sya na agad ang hinanap ko pero wala akong nakitang alex.

Nakangiting humarap ako sa mga estudyante ko at bumati na binalik Naman nila sakin. Buong discussion hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing mapapatingin sa bakanteng upuan nya.

"ok class solve this problems on one whole sheet of paper, you have 5 minutes to do that."

muli akong napatingin sa upuan nya, bakit wala sya? May family matter na naman ba sila? Pero wala syang sinabi o kahit ang tatay nya. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Alex ano bang problema?

Natapos ang maghapon na para akong lutang kaya naman naisipan ko na lang na puntahan sya sa unit nya at tama nga ako.

"anong kailangan mo?"

cold na sabi nya at naglakad papuntang kitchen

"bakit hindi ka pumasok? Bakit hindi ka nag rereply o sumasagot sa tawag ko? May problema ba alex?"

Hindi nya parin ako hinarap at patuloy Lang sa pag lalagay Ng pag Kain sa Plato. Hindi sya sumagot at nilagpasan Lang ako. Naupo sya sa sopa na parang walang narinig.

"Alex!"

Nakita ko ang pag buntong hininga nya at pag irap na parang naiirita sa presensya ko.

"masakit ang ulo ko, okay kaya hindi ako pumasok"

"alex ano bang nangyayare sayo?"

hindi nya ko simagot at muling tinuon ang atensyon sa tv. Hindi Kona napigilang mainis Kaya agad na kinuha ko ang remote at pinatay ang tv.

"alex talk to me!"

"ano bang dapat nating pagusapan? Gusto mo ba ng excuse letter? Medical record or what?"

nasasaktan na ko sa mga inaasta nya

"alex ano bang problema mo? Kausapin mo naman ako oh"

hindi ko na napigilang mapaluha pero parang balewala lang sa kanya. She crossed her arms and legs.

"ganyan ba lahat ng teacher sa estudyante? Wait, let me replace that.  ganyan ka ba sa lahat ng estudyante mo?"

May diin sa bawat salita nya.

"a-alex hindi kita maintindihan"

"Lets stop this." Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Tumingin ako sa mga Mata nya at nag hanap Ng sagot at rason pero nag Iwas Lang sya Ng tingin. "Wala namang mapupuntahan tong usapan nato. Im sorry but I need to rest"

Kahit lutang at tulala ay nagawa ko syang habulin at pigilan.

"alex pwede bang ipaliwanag mo kung anong problema? Kase hindi kita maintindihan, hindi ko alam kung may nagawa ba ko, may nasabi ba kong mali kase sa pagkakatanda ko ayos naman tayo"

" look im sorry ok, sorry kung umasa ka sakin well in fact wala ka naman talagang aasahan sakin. Im sorry. yung mga nangyare satin siguro mas maganda kung kalimutan na lang natin yun. Lets just pretend na walang namagitan satin, well wala naman talaga kase its just a sex kaya-"

ang sakit. Sobrang sakit ng mga sinasabi nya, mas masakit pa sa pag sampal ko sa kanya ang mga salitang sinampal nya sakin

"how dare you!"

kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala pero tuloy tuloy lang ito sa pag tulo. Patakbong tinungo ko ang elevator at wala akong ibang nagawa kundi umiyak.

Kahit sobra akong nasaktan sa mga sinabi nya, bakit umaasa parin ako na Sana habulin nya ko at pigilan, umaasa ako na sasabihin nyang Hindi nya sinasadya.

Alam kong mangyayare to pero bakit ganto parin kasakit.

Bakit alex?

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon