35.Seenzone

2.9K 58 0
                                    


Sarah POV

Ilang linggo narin ang lumipas nung madramang araw na pagbisita nila Carmen and so far nagiging normal na ulit ang buhay ko maliban na lang sa mga pasaway na estudyante ko. Simula ng magkausap kami ni Carmen, halos araw araw ng may dumadalaw saking dati kong mga estudyante. Sobrang sarap sa feeling kaya kahit papano nakakalimutan ko ang lungkot at katotohanang mag isa na lang ako.

"mam, ok lang po ba kayo?"

"im sorry, ano ulit yun?"

Nahihiyang Sabi ko Kay Maricar, dati Kong estudyante.

"ang lalim po ata ng iniisip nyo."

"haha pasensya na. Teka nasan na sila Rose?"

"malapit na daw po, ay ayun na po pala sila."

Masayang sinalubong namin ang dalawa. Hindi naiwasan ang mahigpit nila akong yakapin. Nandito kami ngayon sa mall at nag yaya ang tatlo kong kikay na estudyante. Kung saan saan kami pumunta. Shopping, nood ng sine at pati wof hindi pinalagpas. Nakakatuwa dahil feeling ko bumabalik ako sa pagkabata.

"Sige na mam. Konti lang. Kilala ko yan si ate, promise hindi ka nyan papangitin, right besh?"

Tila batang nag lalambing na Sabi ni Rhea. Tumingin Naman ako sa dalawa at para silang mga asong tango Ng tango.

"Of course mamshie. Ako pong bahala sa inyo"

"nako. Kayo na lang matanda na ko para dyan"

"mam? Sinong matanda, bata pa kaya kayo. 27 pa lang kaya kayo."

Sabi ni rose at hinilig pa ang ulo sa balikat ko.

"sige na mam. Konting bawas lang. Promise lalo kayong gaganda"

Dagdag Naman ni Maricar. Dahil wala na Kong magawa sa kakulitan Ng tatlo, sa huli pumayag na din ako.

"hay. Okay fine. Kayo talaga."

"yes. Promise mam. Hindi kayo madidissapoint."

Inumpisahan na nga kaming ayusan. Naisipan ko na lang mag basa ng librong binili ko kanina habang yung tatlo abala sa pag se-cellphone.

"oh my God. Nag chat sakin si Renz"

Kinikilig na sabi ni Maricar.

"sabi nya ingat daw tayo and have fun"

"yun lang?"

Tanong ni Rose

"syempre may I love you."

"wow. Nakakainggit ka talaga friend. Sana lahat"

Bahagyang natawa ako sa reaksyon ni Rose.

"oh wait"

Tila gulat na Sabi ni Maricar.

"o bkit? Nag chat ulit sayo? Edi ikaw ng may jowa."

Bitter na sabi ni Rose na ikinatawa ni Rhea.

"hindi. Look, hindi ba si Alex to?"

"wait let me check, Gosh oo nga. Ngayon lang sya nag activate ng account nya"

Pag sangayon Naman ni Rhea.

"oo nga. Simula nung umalis sila ng father nya bigla rin syang nawala even sa social media. Grabe ang ganda nya talaga"

Hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko kaya agad akong nag tanong. Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko.

"s-si"

Mabilis na lumunok ako.

"si Alexandra Montenegro, ba ang tinutukoy nyo?"

Nag tinginan sila at tumango sakin si Rose.

"Yes mam. Ito po oh"

Agad na inabot ko ang phone ni Maricar at tinitigan ang magandang babae sa screen. Pinigilan ko ang mga luha ko at mabilis na binalik ang phone sa kanya.

"s-salamat."

Nagtataka man pero tumango lang sya sakin. Nag panggap na lang akong nag babasa pero hindi ko maiwasang makinig sa kanila.

"grabe. Hiyang na hiyang sya sa state. Sobrang puti na nya. Feeling ko ang tangkad tangkad nya lalo."

"hoy Rose, ano tibo kana?"

"baliw bawal bang mainggit. For sure napakarami nya lalong manliligaw."

"no doubts. Highschool palang Tayo lapitin na yang si Alex, ngayon pa kaya."

"OMG girls. Namatay na pala ang daddy nya"

"shocks talaga? Kawawa naman si alex."

"oo nga. Kakamatay lang last week. Wait nag reply sya"

"bakit chinat mo?"

"malamang mag rereply ba kung hindi. Sabi ko lang condolence"

"oh eh anong sabi?"

"thankyou. Hope to see you all. Im planning to go back there after I recover. Thanks again and dont worry about me."

"wow. Close kayo?"

"duh. Ako pa ba?"

"eh kelan naman daw uwe nya?"

"kakabasa ko lang diba. After I recover."

Nag asaran pa sila pero hindi ko na inintindi basta ang alam ko lang kailangan nya ko ngayon pero pano? Tama nga kaya ako? Pano kung ako lang pala tong umaasa? After namin sa parlor nag dahilan na lang ako sa kanila at mabilis na umuwe. Ilang minuto na kong nakatitig sa monitor at hindi alam ang sasabihin. Mag ha hi ba ko? Aish. Hindi.

'Hi goodevening. Condolences nga pala.'

Aish mali. Feeling close? Ano ba Sarah. Relax. Inhale, exhale.

'Hi. Nabalitaan ko ang nangyare. Condolence. Sorry for your lost. Alam ko sobrang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon I know wala akong karapatan sabihin to pero nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Hindi nga siguro ito ang tamang oras para tanungin to pero, kamusta kana? Its been a years na hindi ka nag paramdam. Hindi ko maiwasang masaktan at magalit. Im sorry kung nakikisabay pa ko. I dont know kung may halaga ba tong message ko pero ok lang. At least I did my part even just as your former teacher. Take care always and be strong.'

Nanginginig na pinindot ko ang enter. Kumakabog ang dibdib ko at umaasa na sana mag response sya. Gusto kong malaman kung may halaga pa ko sa kanya. Pero halos gumuho ang mundo ko nang lumipas ang tatlong oras pero seen lang ang naging reply nya. Nakakatawa man isipin. Dati halos tawanan ko ang mga taong nagpapaka ewan dahil sa seen lang pero sobrang sakit pala. Pakiramdam ko hindi na talaga ako importante sa kanya.

Mabilis na sinarado ko ang laptop at umiyak. Huling pagasa ko pero nawala. Nag laho na lahat ng pagasa na meron ako at hindi ko maiwasang magalit at mainis. Naiinis ako kase alam kong mangyayare to pero umaasa parin ako. Patuloy ko paring sinasaktan ang sarili ko.

"nakakainis ka Alex. I hate you. I really hate you. I hate you for making me this crazy for you."

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon