96.True Friend

2.2K 44 0
                                    


sobrang nasasaktan si Nathan sa nangyayare sa kaibigan. ginawa na nito Ang lahat para kahit papaano, mapagaan Ang nararamdaman pero sadyang malaking sugat Ang naibigay nito sa puso nya.

"sorry love. naiintindihan mo Naman ako diba? I'm very sorry, kailangan nya Lang talaga Ng kasama ngayon. natatakot ako na kapag iniwan ko sya, Kung anong gawin nya sa sarili nya.... I'm so sorry.... thank you for being so understanding..... I love you"

ibinaba na ni Nathan Ang tawag.

napaka swerte nya at nag karoon Ng Isang mabait at maunawaing Kasintahan.

gustong gusto Ng umuwe ni Nathan pero Hindi nya magawang Iwan Ang kaibigan. mabuti na lang at Hindi nagalit sa kanya ang nobya kahit dalawang beses nang na move Ang kanilang kasal dahil sa kaibigan.

pagkatapos mamili sa grocery ay tumungo na sya sa bahay ni Sarah. Hindi nya kayang maging masaya habang Ang kaibigan nya ay may pinag dadaanan.

inilapag ni Nathan Ang mga pinamili sa kusina at tinungo si Sarah sa kwarto nito pero laking gulat ni Nathan Ng Makita ang sitwasyon ni Sarah.

"what the fuck!"

mabilis na inagaw ni Nathan Ang kutsilyo sa dalaga at agad na kumuha Ng tuwalya at inilagay sa pulsuhan Nito.

"what the hell. dadalhin Kita sa hospital."

pero malakas na tinulak sya Ng dalaga  at parang baliw na umiling.

"hindi. Hindi. dapat lang to sakin. ayoko na"

tinanggal nito Ang tuwalya sa kamay at tangkang dadamputin muli Ang kutsilyo pero mabilis na kinuha iyon ni Nathan at inihagis sa malayo.

"Sarah. naririnig mo ba yang sinasabi mo,? Diyos ko Naman Sarah. "

kinuha ni nathan Ang tuwlaya at tinali iyon sa pulsuhan ni Sarah.

"Hindi moko naiintindihan. Wala nang saysay Ang buhay ko. Wala nang nag mamahal sakin,"

muli na Naman nitong tinangkang tanggalin ang tuwalya pero parang nagising si Sarah Ng sumigaw Ang kaibigan.

"ano ba Sarah?! gumising ka nga! Hindi na ikaw ang Sarah na nakilala ko."

"Hindi mo ko naiintindihan kase Hindi ikaw ang iniwan. Hindi ikaw ang nasasaktan"

"putang ina Naman Sarah, ano ba! sa tingin mo ba babalik sila sayo dahil sa ginagawa mo? sinasayang mo Lang Ang buhay mo sa Wala"

"ano bang Alam mo? Wala ka sa sitwasyon ko Kaya Hindi mo ko naiintindihan. akala mo ba madali lang sakin ang lahat. pati ba Naman ikaw? bakit Hindi ka na lang umalis. wag mo na Kong paikialaman. Hindi kita kailangan. lahat Naman Kayo walang pakialam sakin!"

"pucha Sarah, ano ba. gumising ka na nga. hindi lahat Ng Tao, umiikot sayo. hindi lahat Ng Tao manantili sa tabi mo, pero ako sinusubukan ko. Sarah may kasal ako. may fiancee ako na parang tangang nag hihintay sakin sa Canada. may babaeng ilang beses ko Ng pinakiusapan na wag munang ituloy Ang kasal dahil iniisip Kita. sa tingin mo ba Wala akong paki sayo? puta Sarah, anytime pwede kitang iwan pero Hindi ko ginawa. ayokong iwan ka habang ganyan ka."

huminga Ng malalim si Nathan at napasabunot sa kanyang buhok. habang si Sarah ay tila na pipe at nagawa na lang umiyak.

tumayo si Nathan at kinuha ang first aid kit at lumuhod sa harap Ng dalaga.

"Hindi Kita sinusumbatan pero Kung Yun Lang Ang kailangan para magising ka, hindi ako mag dadalwang isip na sigawan ka ulit."

tahimik lang na umiiyak Ang dalaga sa magkahalong sakit Ng nararamdaman at sakit Ng sugat na nagawa nya sa sarili.

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon