29.Excruciating

3.2K 65 2
                                    

Sarah POV

Halos buong mag damag din akong umiyak ng umiyak. Buong mag damag kong inisip kung ano ba ang nagawa ko sa kanya, kung bakit biglang naging ganun sya sakin. Alam ko naman na imposibleng mahalin nya ko pero akala ko, sa mga nangyare samin, akala ko meron na syang nararamdaman kahit papano. Kung sabagay sino nga bang niloloko ko, isa lang syang ordinaryong bata. Isang straight na babae.

Sinubukan ko syang lapitan at kausapin pero iniiwasan nya lang ako. Ni hindi nya ko tinatapunan ng tingin at laging kasama ang mga kaibigan nya. Pinilit Kong kinalimutan lahat ng masasakit na sinabi nya. Nilunok ko Ng lahat Ng pride ko dahil mas nangingibabaw ang pag mamahal ko sa kanya. Sobra na kong nasasaktan pero wala akong magawa.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang recess. Nabuhayan ako ng loob ng finally humiwalay na sya sa mga kasama nya at pumasok sa cr. Mabilis na sumunod ako sa kanya at ni lock ito.

"Why did yo- anong ginagawa mo dito?"

Pagtataray nya sakin.

"Alex, please talk to me."

Tinaasan nya ko Ng kilay at bahagyang lumayo Ng tangka ko syang lapitan.

"Nababaliw kana ba? Pano kung may makakita satin dito?"

Tangkang aalis na sya ng hawakan ko sya sa kamay pero agad na tinanggal nya din ito at lumayo na para bang diring diri sakin.

"Alex, kausapin mo naman ako oh, hanggang ngayon kase hindi ko paren maintindihan ang lahat"

Maybe im look so stupid, Im pathetic for crying like this but I cant stop. I cant stop crying knowing she hates me. Sobrang sakit na ni isang sulyap hindi na nya magawa.

"We already done with this. Ano pa bang gusto mong pag usapan? Pwede ba tantanan mo na ko"

Tangka na nyang bubuksan ang pinto pero kinapitan ko sya. Sinubukan nyang tanggalin ang kamay ko pero hinigpitan ko ang pagkaka kapit ko dito.

"Alex, I know masyado akong nag assume na may tayo, alam ko masyado akong nag assume na may feelings ka na rin sakin and maybe you become pressured because of me, Im sorry. Im really sorry but please dont do this to me."

Marahas na tinabig nya ang kamay ko

"akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo ko maintindihan? Kesyo may nararamdaman ako sayo o wala, wala namang patutunguhan eh. Alam mo hindi mo kailangan maging pathetic nang dahil lang sakin. Im not worthy. Hindi kita kayang ipaglaban, hindi ko kayang ipagpalit ang lahat para lang sayo."

Bawat salitang lumalabas sa bibig nya, para itong mga kutsilyong bumabaon sa puso ko.

"Alex,"

"please, no."

Pigil nya sakin ng tangka ko syang lapitan. Pinunasan nya ang pisngi nya at nakangiting humarap sakin. Umiiyak sya pero, Bakit Alex? Kitang kita sa mata nya ang sakit at lungkot. Gusto ko syang yakapin pero lumalayo lang sya sakin.

"hindi mo naman kailangan magsakripisyo. Ok naman sakin ang dati nating set up. Ok lang sakin kahit mag tago lang tayo. Ok lang sakin kahit ikaila moko. Alex all you have to do is to stay with me."

Sobrang desperada ko na. Para akong isang pulubing nanlilimos Ng kahit konting pag ibig nya.

Umiiiyak na umiling sya sakin.

"Can't you see? Sa mundong to, walang tatanggap satin. Puro judgment at pangiinsulto. Hindi habang buhay kaya nating mag tago"

"Alex, no. Kaya natin, kakayanin natin"

"Hindi ko kaya. Ayoko na. Im sorry pero hindi ko kaya. Ni hindi nga natin sigurado kung love ba tong nararamdaman natin. Siguro tama sila. Maybe its just lust and nothing else. Im sorry"

"Alex!"

Bago ko pa man sya maabutan mabilis na tumakbo na sya palayo sakin. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi nya. Parang ayaw i absorb ng utak at puso ko ang lahat ng sinabi nya. Maghapon ko syang inabangan pero hindi sya pumasok sa mga klase nya. Pinuntahan ko sya sa condo nya, pero wala sya. Pumunta na rin ako sa bahay nila pero wala din sya. Pati ang ilang bar na alam kong pinupuntahan nya wala sya. Hindi kona alam ang gagawin ko kundi ang umiyak na lang ng umiyak. Sobrang sakit pala. Masakit malaman na hindi ka kayang ipaglaban ng taong mahal mo. Pero mas masakit na hindi nyo pa nasusubukan, sumuko na sya agad.

Sana pala hindi ko na lang sya hinanap, sana hindi kona lang sya kinausap, sana hindi ko na lang sya nakita at sana hindi ko na lang sya minahal

Lust Words: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon