Dagli 5

114 2 0
                                    

"Gutom na ako! Magsaing ka na!"
"Maghugas ka ng pinggan!"
"Magwalis ka sa bakuran! Ang dumi dumi!"
"Bilhin mo nga ito! Kailangan ko kasi."
Iilan lamang sa araw-araw kong naririnig sa kaniya. Halos lagi na lang ganyan. Sa tuwing nakikita niya ako ay para akong kasambahay kung ako'y kaniyang utusan. Napapabuntong-hininga na lamang ako sa tuwing sisigawan niya ako upang gawin ang mga gawaing bahay. Kung sabagay obligasyon ko namang tulungan siya kaya ni minsan hindi na rin lang ako nagreklamo.
"Oh anong tinitingin -tingin mo? Linisin mo na iyang pinagkainan at may lalabhan ka pa!"
Pasinghal na sigaw niya sa akin. Kung nakakapagsalitalamang ako ay pagsasabihan ko siya sa ginagawa niya. Subalit ipinanganak akong pipi kaya habambuhay ko na lang kukunsintihin ang ugali ng anak ko

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon