Dagli 6

100 3 0
                                    

Mag-isa akong nakaupo sa isang tabi. Ako ay balisa at nalulungkot. Ganito pala ang pakiramdam na halos lahat ng tao ay iiwan na naman ako. Sabagay bakit ba hindi na ako nasanay sa kanila. Lagi naman kasing ganito. Masaya nila akong i-wewelcome sa buhay nila at kapag naibigay ko na ang lahat lahat at napamahal na ako ay saka na naman nila ako iiwan.
Oo alam kong kailangan kong masanay sa ganito pero masakit din ito para sa akin. Masakit na i-let go na lamang ng ganun . Masakit iwanan , masakit ipagpalit . Iyan tuloy ay para akong batang umiiyak na nagugutom dahil sa ginagawa ko. Oo gutom ako. Gutom ako sa pagmamahal na ibinigay nila sa akin noon. At ngayon ay iniwan na naman nila ako at ipinagpalit sa bago. Hindi pa ba sapat na napasaya ko sila kahit sa sandaling panahon? Na lahat ay ginawa ko para lamang maramdaman nilang espesyal sila. Akala ko ba'y mahalaga ako sa kanila pero ako rin pala sa huli'y mababalewala.
Napapunas ako ng luha sa aking pinag-iisip. Nagdadrama na naman ako. Ano ba ito at hindi matapos-tapos.
"Hoy may paiyak-iyak ka pa jang nalalaman ang arte arte mo! Accept the fact ikanga. Likas kang nilikha dito sa mundo ng panandalian lamang kaya matuto kang magmove on sa pagkaiwan!"
Sigaw sa akin ni kalendaryo sabay hampas sa akin ng kaniyang nag-iisa na lamang na pahina.
Malungkot din siya alam ko sapagkat katulad ko, mapapalitan na naman siya ng bago.
Napailing na lang ako at tinalikuran siya nang biglang makarinig ako nang nakabibinging putukan.
"Happy New Year! Goodbye 2018 !Welcome 2019!"
At ayun. Tuluyan na nga nila akong kakalimutan.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon