Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita kitang muli. Pinili kong yumuko dahil sa muli na naman akong nakaramdam ng hiya. Iba kasi ang dating kapag nakikita kita. "Crush na nga kita" ,iyon ang sigaw ng isip ko. Kaso, ayokong mag-assume. Hindi naman kasi ako ang tipo mo.
Nagmadali na akong naglakad. Nagbabakasakaling hindi mo ako napansin. Eh sino ba naman kasi ako para mapansin mo.
Subalit, doon yata ako nagkakamali. Dahil bago pa man ako tuluyang makapaglakad ay tinawag mo na ang pangalan ko..."Viviene!"
Gulat man ay lumingon pa rin ako at halos pawisan ng malamig nang makita kitang nakangiti at kumakaway sa akin.
Ohmy. Totoo ba itong nakikita ko?
Bago pa man ako makagalaw ay tuluyan ka nang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko.Dama ko ang pag-iinit ng aking dalawang pisngi. Napapikit ako. Sabay sampal sa sarili ko.
TOTOO BA TALAGA ITO?? PINANSIN NA AKO NG CRUSH KO??Sa muli kong pagdilat ay halos matunaw ako sa mga titig mo.
"Globe ka pala, makikisuyo sana ako kung pwedeng pa-online.. Wala pa kasing signal smart up until now. Kainis si Tisoy."
At simula niyon ay hindi na ako nagpalit ng simcard.
Salamat sa Globe.
![](https://img.wattpad.com/cover/185952956-288-k578330.jpg)