"Oh, Bianca. Kamusta na?"
Bati ni Justin nang magkita kami. Kasalukuyan akong napadaan sa isang malaking bulletin. board at tinignan ang mga opisyal na nagwagi sa nakaraang eleksyon sa aming lugar. Bakas ang tuwa sa aking mga mata nang makitang halos lahat naman ng ibinoto ko'y nanalo.
Subalit, mas kuminang ang aking mga mata nang makita ko siya. Matagal rin kasi kaming hindi nagkita ni Justin. At hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon pa kami muling magkikita.
"Ikaw pala, okay naman ako. Ikaw ba? Naks ah , mukhang level-up ka na."
Pabirong wika ko sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat. Mas lalong nanikip ang aking dibdib nang matitigan ko ang kaniyang mukha. Ganoon pa din naman. Ang gwapo pa din niya- mas gumwapo pa nga sa nakalipas na sampung taon. Subalit mas nagpapaakit sa kaniya ang kaniyang mapungay na mga mata.
"Anong level-up haha ikaw nga mas lalong gumaganda. Siguro may boyfriend ka na ano?"
"Naku, wala pa. "
"Weh? Sa ganda mong iyan ? wala pa?"
Sinubukan kong iiwas ang tingin sa kaniya. Ayan na naman siya. At magbibiro na naman. Lakas maka-below the belt.
"Wala pa nga."
"Hahaha. Joke biro lang. Nga pala anong ginagawa mo dito?"
"Tinitignan ko lang ang resulta ng eleksyon. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kaniya.
"Resulta din ang pinunta ko kaso wala akong ngiting maihaharap sa kanila."
"Ha? Bakit?"
"'Di kasi nanalo si Dad. Isang puntos na lang sana."
Muli akong napatitig sa kaniya na kasalukuyan ding nakatitig sa akin. Bakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.-Kung boto lang sana siya sa akin noon para saiyo, eh di sana ibinoto ko siya- charOt