Dagli 17

21 0 0
                                    

"Typhoon Signal # 3 , inilabas na sa mga lalawigan ng ..."
Paulit na paalala na aking narinig nang aking buksan ang radyo. Napatitig ako sa bintana at dama ko ang malamig na hanging nanunuot sa aking maputi ngunit maliit na braso. Hindi ito ang unang pagkakataon na nabulabog ang aming bayan dahil sa paparating na bagyo. Halos taon-taon nama't kasi'y naging paboritong lagusan na yata ito sa tuwing buwan ng Disyembre. At ngayo'y naririto na naman siya at magdudulot na naman ng misteryo.
"Kaya magsilikas na po ang lahat. Maging handa at alerto."
Napaupo na lamang ako at muling tinanaw ang malakas na pag-ikot ng hangin at gayundin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Dumidilim na rin ang paligid. Tingin ko'y nagsisimula na.
Nagsisimula na ang bagsik ng panibagong bagyo.
Agad na akong tumayo at kinuha ang mga mahahalagang gamit upang lumikas subalit napatigil ako,

hindi ko iyon mahawakan.

oo nga pala.
ilang taon na rin ang nakalilipas
nang datnan ko ang aking sarili
maputla, walang malay.

kung naghanda lamang ako noon.
kaso huli na.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon