Dagli 4

135 2 0
                                    

"Hi sweetie!" Wika mo nang magkita tayo. Ilang oras din kitang hinintay at sa wakas ay nakita ko na naman ang maamo at masayahin mong mukha. Lumapit ako sa iyo at nakaramdam ako ng kilig nang bigla mo akong yakapin.
Gusto ko itong nararamdaman ko. Mga mata ko'y tila ba tumatawa na dun sa labis na saya. Mahal na nga kita at gayon ka din sa akin. Ang ayaw ko lang talaga sa lahat ay sa tuwing kinukurot mo ang dalawa kong pisngi.
"Ang cute cute mo talaga Sweetie!" sabay tapik at halik sa akin. Ako na lamang ay mapapatitig sa iyo at walang salitang lumalabas sa aking bibig. Mag-iisang taon pa lamang tayong magkasama subalit tila ba napakaraming taon na ang nakalipas. Ang tanging nais ko lamang gawin ay maghintay lagi sa iyo at gustong gusto ko ang pakiramdam na hinahagkan mo ako
Ngunit isang araw ay tila ba nagbago ang lahat ng ito.
Ako'y tahimik na nakaupo sa isang tabi at hinihintay ang pagdating mo. Napangiti ako nang makita kang papalapit sa akin . Hinagkan mo ako.
"Kamusta ka sweetie?" Iba ang tono ng iyong pananalita. Bigla tuloy akong kinabahan
"May nais sana akong sabihin sa iyo." Ngumiti ka ngunit napalitan ito ng lungkot sa iyong mga mata.
Tinitigan kita at nagulat ako sa sunod mong ginawa.
Umalis ka sa aking tabi. Napayuko ako.
Iiwan mo na ba ako? Hindi mo na ba ako mahal?
Napatingin ulit ako. Nagbakasakaling babalik kang muli.
At nakita kong pabalik ka nga. Pero nanumbalik ang lungkot nang makitang may kasama ka. May iba kang kasama. Naninikip na ang dibdib ko.
Nang nakalapit ka na ay muli mo akong tinitigan.
"S-sweetie , si Mimi pala..."
Nakangiti niyang pagpapakilala sa akin sa kasama niya habang hinahaplos ang balahibo nito.
"Arf Arf"
Ang tanging nasabi ko sabay talikod sa kanila.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon