Dagli 23

17 0 0
                                    


Trigger Warning
"Hugas ka na ng plato 'nak!"
"'Nak bili ka naman ..."
Ilan lamang sa mga araw araw kong inuutos sa anak ko. Ngunit sahalip na ako'y pakinggan at sundin ay tila ba siya ay bingi na hindi nakakarinig. Nakakapanibago. Naninibago ako sa ugali at kilos ng anak ko ngayon at sa mga nakalipas pang araw. Nasanay akong lagi siyang kumikilos ng kusa o kaya'y magalang at mabilis na sumusunod sa mga ipinag-uutos ko. Hanggang sa minsa'y napadako ako sa kwarto niya at nanindig ang aking balahibo nang makita siyang may kinakausap gamit ang kaniyang selpon.
Nakangiti ang anak ko habang binibigkas ang mga katagang
"I will follow you Momo." tangan ang kutsilyo sa kamay niya.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon