Dagli 33

17 0 0
                                    

"Next time naman ulit!"
Ani Juan matapos ibuhat ang lahat ng mga materyales na inimport mula sa ibang bansa. Hindi man ganoon kalaki ang kita sa ganitong hanapbuhay ay masaya na rin siya dahil kahit papaano'y natutustusan niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
"Eto sayo, Sobrigo. Ipatawag na lang ulit kita kapag may dumating na namang bago. "
Sambit ng kaniyang boss sabay bigay ng apat na daang piso na naipon niya sa isang buhatan. Napahid na lamang niya ang tumulong pawis at masayang nakipagkamay rito.
"Salamat, boss."
Aniya saka na nagtuloy-tuloy sa paglalakad kasama ang iba pang kasamahan.
"Ayos talaga si boss ano, hindi tayo pinapakawalan. Kahit na maraming ibang maaaring tumulong sa kaniyang magbuhat ng lahat ng inimport na kagamitan ay palaging tayo pa rin ang kaniyang inaalala."
"Kailangan natin eh. Magpasalamat na lang tayo sa kaniya."
Masaya niyang sambit saka muling pahapyaw na tumingin sa pitakang nagkalaman na naman. Tiyak na matutuwa na naman nito ang kaniyang pamilya.
"Pero naisip kong mas magpasalamat tayo sa karatig bansang walang sawang nagpapadala ng mga imported - "
Napatigil siya sa paglalakad.
"San nga ba ulit ?"
Muli niyang tanong sa kausap.

"Sa China , tol."

Kamot-ulong wika nito saka na nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Napalunok na lamang siya. At sinundan iyon ng hindi mabilang na bahing.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon