One dot
"Mommy, tignan mo nakapag-construct ulit ako ng sentence.."
Muling gumuhit ang saya sa aking mukha nang aking masilayan ang kinang sa mga mata ng walong-taong gulang kong anak na si Kobe. Hawak niya ang isang pilas ng papel habang nakatitig sa akin suot ang isang napakalawak na ngiti. Sa edad na iyon ay masasabi kong matalino siya dahil kaya na niyang makapagsulat ng pangungusap kahit sa wikang Ingles pa.
Subalit may isang bagay pa na hindi niya makuha-kuha sa tuwing siya'y nagsusulat.."Very good, pero anak dapat nilalagyan ng tuldok iyan sa dulo."
Ani ko sabay haplos sa kaniyang buhok na kasalukuyan nang basa sa pawis.
"Ganun po ba.. ano po bang ibig sabihin ng tuldok? "
"Dot kumbaga sa Ingles. Ginagamit ito upang tapusin ang isang pangungusap."
"Ay sige po , next time mommy ~"
~
"Mommy! Mommy!"
Napangiti ako habang nakikita siyang kumakaway sa isang tabi. Kagaya ng dati ay tangan na naman niya sa kaniyang kamay ang isang papel na puno ng sulat. Isinuot ko ang aking salamin upang mabasa iyon ng malinaw.
"Mommy nakakapagsulat na ako ng story!"
Eksayted niyang wika habang nakaharap sa akin.
Masaya akong makita ang aking anak na nalilinang na sa pagsusulat. Subalit sumisilip ang lungkot sa aking mata sa tuwing makikita ang mga pangungusap niyang ... walang tuldok."Galing naman , pero 'nak yung sinabi ko saiyo , nakalimutan mo na naman --"
Naputol ang aking pagsasalita nang bigla na lamang siyang mawala sa kabilang linya -
"Wala na namang signal. Ano ba yan kausap ko pa naman ang anak ko."
~ Makalipas ng isang buwan~
"Mommy?"
Dali-dali kong hinubad ang puting blusang suot at muling humarap sa screen ng aking selpon.
Hindi ko alam ang aking mararamdaman sa mga oras na ito.. magkahalong galak at lungkot. Galak na makita siyang muling masayang magkukuwento ng kaniyang mga naisulat at lungkot.. lungkot kalakip ang tanong na "Kailan kaya kami muling magkikita?""Anak.. kamusta ka na?"
Sambit ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Pilit itinatago ang lungkot.
"Mommy kailan ka po uuwi? Gusto ko na po saiyong ipabasa ang mga kuwento ko."
"Patingin nga anak.. baka may nakalimutan ka na naman ahh.."
Naiiyak man subalit pinilit kong pigilan ang pagkawala ng mga taksil na luha sa aking mga mata.
"Ito po mommy.."
I love you mommy miss na po kita
Subalit... hindi ko pala kaya...
"Mommy.. bakit ka po umiiyak?"
Wika niya na mas nagpatunaw sa aking puso.
"I-ikaw kasi eh , hindi mo ako pinapakinggan. Di bale na ako na lang ang maglalagay ng tuldok sa mga naisulat mo .."
Nanginginig kong kinuha ang isang kapirasong papel at bolpen, sinulatan ng isang napakalaking tuldok at ipinakita sa kaniya.
"Love you din 'nak, miss na kita. One dot 'nak, one dot.."
Awtomatikong pumikit ang aking mga mata kasabay ng malakas na pagkakabagsak ng selpon sa sahig...
*Tuggshsushvwiwiagwbwsjiswhw
"Doc! Doc!"
"PH *** confirmed"
Dito na nga , dito na magtatapos lahat. Ako na maglalagay ng tuldok sa kuwento mo 'nak.